Chapter 19

36 4 7
                                    

Gumising ako ng maaga. Nagtimpla ng kape, nagsaing at nagprito ng hotdog ng masaya. Pumasok ako ng sobrang excited. Ngayon kasi ang first official day na nanliligaw ako kay Venus. Bago pumasok sa gate, bumili muna ako ng chocolates, para ibigay sa kanya.

Maaga akong pumasok pero nandun na si Venus nung dumating ako. Tumabi ako sa kanya at ngumiti, iniabot yung chocolates at sabi ng, "Good morning Venus."

"Thanks," sagot nya sabay ngiti.

"Ang aga mo ngayon ah."

"Maagang nagising eh," sagot nya.

"Ako din eh, pero nauna ka sakin," sabi ko.

"Tara puntahan natin mamaya sina bebe Den."

"Sige-sige," sagot ko tapos dumating na yung prof.

Natapos na yung first period at papunta kami ngayon sa batibot kung saan laging tumatambay sina Kate. Inaya namin sila sa canteen nung makita namin sila. Si Dennise at Kate lang yung sumama kasi busy daw yung iba. Kumain kami nung usual naming binibili pag pumupunta sa canteen.

Pagkatapos kumain, bumalik na kami sa batibot para tumambay ulit saka gumawa ng assignment.

Tulong sa paggawa sina Dennise at Kate tapos ako naman yung tumutulong kay Venus. Natapos kami kasabay ang ring ng bell para sa sunod na subject.

Sabay-sabay kaming naglakad pero magkatabi parin kami ni Venus. Feeling ko nga, kinikilig ako sa tuwing dumidikit yung balat nya sakin. Ramdam na ramdam ko yung spark.

Dumating kami sa room na kasabay yung prof. Buti nalang at natapos agad namin yung assignment.

Mabilis natapos yung subject kaya naman bumalik kami sa canteen para naman mag-lunch. Hindi na sumama samin si Dennise at Kate. Sinabi lang nila na, "Mag-date muna kayo!"

Napangiti ako sa sinabi nila habang si Venus naman ay tumawa lang ng tumawa.

Ewan ko nga kung bakit sya tumatawa, hindi naman nakakatawa eh. Pumunta na kami sa canteen para kumain ng lunch.

Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa sunod na klase. As usual, magkatabi nanaman kami. Sya lang naman ang kakilala ko dito eh, karamihan kasi mga kaklase namin ay mga 3rd year.

Siguro hindi ko dapat tinatabi itong si Venus sa upuan eh. Hindi kasi ako makapagfocus, lagi nalang nasa kanya yung atensyon ko eh. Lagi din akong nakangiti, pinaiisipan na nga ako ng mga kaklase ko na isumbong sa prof para madala sa mental. Pero mahal ko sya eh, masaya ako kapag kasama sya. Sana lagi na lang kaming ganito, ayoko na ngang matapos sana itong college life ko kung kasama ko sya.

7:00 natapos lahat ng klase namin. Ihahatid ko na sana sya sa kanila nang mag-yaya sya na mag-dota.

"Sige, 1v1 tayo," sagot ko.

"Ok bayad pc," sabi nya naman.

"Hindi ako nalang magbabayad."

Pumunta kami sa computer shop na malapit at walang masyadong naglalaro para hindi masyadong nakakaistorbo.

Alam ko, nasabi ko na hindi ako mahilig sa dota. Nag-dodota ako dati nung highschool palang ako. Pero narealise ko na napapabayaan ko na ang aking pag-aaral. Nauubos na din yung pera ko kaya nagdesisyon akong tumigil.

Hindi na nga ako marunong pero susubukan ko ngayon, pagbibigyan ko si Venus.

Ang pick ko ay si Nevermore, sa kanya naman ay si Slark. At dahil nga hindi na ako masyadong marunong, baog ako kay Venus. Ang lakas nya pala magdota, mas malakas pa sakin actually. Sa tuwing didikit ako para mag-SS, nakaka-STUN agad sya at tumatakbo. Tapos ako naman ang hahabulin para mag-SS. Lagi nalang akong nagba-back o kaya ay namamatay. Nakakainis!

8:00 kami natapos sa paglalaro, saktong isang oras pala kami sa pagdodota. Binayaran ko na yung time namin tapos hinatid ko na sya sa kanila.

"Ang galing mo pala sa dota," sabi ko.

"At ang bulok mo pala sa dota," sabi nya sabay tawa.

"Haha oo nga, matagal na din kasi akong hindi nagdodota eh," sabi ko habang tumatawa din.

"Naku kaya pala ang bulok mo eh," sabi nya.

"Matagal ka na bang nagdodota?" tanong ko.

"Oo, nung 4th year highschool pa," sagot nya.

Pagkatapos ng sagot nyang yun ay saktong nakarating na kami sa kanila.

"Thanks," sabi nya.

"Sige goodnight," sagot ko.

"Bye."

"Bye," tapos naglakad na ako pauwi.

Ang daming nangyari ngayong araw na to. Ngayon yung pinakaunang araw na nanliligaw ako kay Venus, kaya kanina ko sinimulan, lagi ko syang sinasamahan kahit saan sya pumunta. Dati ko pa naman yun ginagawa pero mas seryoso ako ngayon at mas masaya kesa nung dati.

Tapos nakalaro ko pa sya sa dota at natalo ako. Nagulat nga ako nung nakita ko na mas magaling pala sya sakin. Hindi ako makapalag pag inaatake nya ako kasi malakas nga.

Dumating agad ako sa bahay. Pagod na pagod ako. Wala akong kasama ngayong kaya malaya akong gawin ang gusto ko.

Binuksan ko ang ilaw at ang tv. Nagpalit ng pambahay at nahiga sa kama. Bigla akong inantok at dumiretso na sa pagtulog.

Nagising ako ng 12:00. Nakatulog pala ako ng hindi manlang napapatay ang mga maaksaya sa kuryente, kainis naman. Siguro dahil sa pagod kaya nakatulog ako ng ganun kabilis at kaikli. Nanood muna ako ng anime sa tv. Byti na lang at sabado bukas, pwede akong magpuyat.  Kaya naman nanood ako ng tv hanggang 3:00 ng umaga tapos tsaka ko pinatay ang tv at natulog. Siguradong mahaba ang tulog ko ngayon, tsaka mahimbing.

----------—--------------–--------------------------

GUYS sensya na para dun sa mga readers ng story na to lalo na kay Kheiz na masugid kong magbabasa, busy kasi eh. Finals na kasi kaya di agad nakapag-update.

Thanks ulet sa mga readers, please continue your support!!!

ARIGATO!!!:-)

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon