Chapter 48: My jacket

47.4K 985 186
                                    

Kahit isang pursyento. Hindi pa rin ako makatulog dahil paulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi ni Tristan sa 'kin. Pangalawang gabi ko na rito sa hotel na ganoon pa rin ang iniisip. Nahihiya ako sa kanya kapag magkasama kami. Hindi rin naman niya ako masyadong iniimik. Ni hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ko.

Parang dumidistansya na rin siya sa 'kin at limited lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Pareho kaming hindi alam kung paano pakikitunguhan ang isa't isa. Talaga bang matutulungan niya akong makalimutan si Nathan?

Tiningnan ko ang cellphone ko na hanggang ngayon ay wala pang text o tawag man lang mula kay Nathan. Sa sobrang inis ko ay inalis ko ang picture niya bilang wallpaper ko.

Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit biglang naging ganito?

Maaari bang makalimutan ko na lang ang lahat-lahat nang hindi ko man lang nalalaman ang totoong nangyari sa 'ming dalawa? Ang alam ko lang ay sila na ngayon ni Andrea. Pinagtaksilan niya ako. Pero bakit?

Bigla kong naisip si Tristan. Kapag ba binigyan ko siya ng pagkakataon, makakalimutan ko si Nathan? Magagawa ko na rin ba siyang mahalin? Bigla akong bumangon mula sa pagkakahiga ko.

"Ano ba itong iniisip ko?" nasabi ko na lang bigla sa aking sarili.

Mali ito. Hindi ko pwedeng gawin iyon kay Tristan. Mali ang magpaasa ng tao. Paano na lang kung hindi ko siya magawang mahalin? Hinawakan ko ang dibdib ko at dinama ang bawat pagtibok ng puso ko. Bakit? Bakit tumitibok lang ito sa iisang tao?

Tumulo ang mga luha ko. Tahimik lang akong umiiyak habang nakahawak pa rin sa dibdib ko. Bakit mahal na mahal kita? Bakit ikaw pa rin? At bakit ang sakit? Sobrang sakit, Nathan. Anong nangyari sa atin?

Bakit nangyari ang mga bagay na ito sa atin? Saan ako nagkulang? 'Di ba alam mo naman na mahal na mahal kita?

Tumayo ako at hinawi ang kurtina sa kwarto ko. Umuulan pala. Umuulan ba dahil nakikidamay sila sa pighati ko? Bukas ng umaga ang uwi namin ni Tristan pero hindi pa rin ako handa. Ayoko pang umuwi, takot akong harapin ang mga tanong ng mga taong nasa paligid ko pagbalik ko.

Kailangan ko ng kasama. Kailangan ko ng makakausap. Kailangan ko ng kadamay ngayon. Binuksan ko ang pinto ng silid na tinutuluyan ko at tinungo ang kwarto ni Tristan. Sinabi na niya sa 'kin ang room niya. Nakalimutan daw niyang sabihin sa 'kin noong una. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ako o hindi sa kwarto niya dahil baka nagpapahinga na siya at maistorbo ko lang.

Kakatok ba ako o hindi? Nawalan ako ng lakas ng loob kaya tumalikod na lang ako sa pinto ng room niya.

"Mika?" Sakto naman na bumukas ang pinto ng kwarto niya. "Anong ginagawa mo dito?"

Kita ko sa mukha niya ang pagtataka pero mabilis din siyang nakabawi. Naiiyak na naman ako. Hindi ko alam pero... niyakap ko siya. Dito na talaga ako naiyak nang lubusan.

"Tristan, please... I... I need a friend." Hirap na hirap akong sabihin ang mga salitang iyon dahil patuloy pa rin ako sa paghikbi. Naramdaman ko na lang ang warm niyang yakap sa katawan ko.

"I'm here. I'm always here."

Sa loob ng silid niya muna ako magpapalipas ng gabi. Ito naman na ang huling gabi namin dito sa hotel. I feel safe when I'm with him. Sigurado rin akong hindi siya magte-take advantage sa 'kin ngayon gabi.

"Have a tea." Binigyan niya ako ng mainit na tsaa at uminom naman ako nang kaunti.

"Ano bang nagustuhan mo sa kanya?" tanong niya nang makahiga sa kama sabay yakap sa unan. "Ano mismo ang nagustuhan mo sa kanya? Wala ba ako ng mga katangian na iyon? Haha, baka naman mayroon din ako nyan ha?" pagbibiro niya.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon