Chapter 21 [Part 2] - Changed and Unchanged

158K 1.3K 270
                                    

[Laureen's POV]

[School]

Nag-ikot kami sa school ni Charms at tumingin-tingin sa mga activities na nangyayari sa paligid namin.

Madaming booths na nakalagay sa cafeteria. May kanya-kanyang banners na nakasabit sa walls ang bawat colleges.

Sa open area, may naka-set up na pang 'Wall Climbing'. Meron din kaming nakita ni Charm na team for 'Rapeling' na nagse-setup na against sa isang wall ng isang building.

Lahat ng proceeds mapupunta sa isang foundation.

Sa auditorium may mga naka-schedule ding iba't-ibang contests. Dance-solo, dance-group, singing, general knowledge na battle of the brains. Meron din iba't-ibang fun games. At iba't-ibang groups na magpe-perform. May inimbitahan pang banda ang school namin.

Sa Friday, yun ang araw na mamamatay na ko. Waaaaah

Doon na mangyayari ang Mr&Ms.

Dahil na-miss ko ang practice kahapon, di ako pwede mawala sa practice ngayon.

Pero di bale may idea na naman ako. Hehe. Naaalala ko tuloy yung practice namin ni Luigi kagabe. Ano ba yan!

Andito kami ngayon ni Charm sa tapat ng locker namin. At maya-maya lang pupunta na ako sa practice.

"Anong sabi mo sa kanya bes?", tanong ni Charm.

"Sabi ko gusto ko din sya", mahinang sagot ko kay Charm.

"Gusto pa nga lang ba o mahal na?", nakataas kilay na tanong ni Charm.

Di ako sumagot.

Kiniliti ako ni Charm sa tagiliran ko.

"Waaaah! Hindi na kayo 'it's constipated' bes!", kinikilig na sabi ni Charm.

"Anong it's constipated? Baka it's complicated! Ano ba yan Charm, yun lang hindi mo pa alam!", sabi ko.

"Gaga! It's constipated talaga, kasi hirap na hirap ilabas. Wahahaha!", tumatawang sabi ni Charm.

Love Will Find A WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon