CHAPTER 2

1.6K 32 0
                                    

I want to dedicate this to you po , dahil favorite ko po ang inyong LOVING YOU FOR NO REASON .. HOPE YOU LIKE THIS ..

------------------------------------------------

--Gerald's POV --

Ngayon ko lang napansin na yung mata niya ang ganda .. ano kayang pangalan ng makulit na to ?

isasama ko pa tuloy siya sa practice . hindi naman siguro napuruhan ang isang to .. e parang ang saya pa e   .pero ang kulay kape niyang mata .   ang ganda talaga ..

Nag elevator kami para marating ang studio kung saan nagpapractice ang banda namin . malapit na kasi ang Universities and Colleges Battle of The Bands .

hapon ang classes namin kaya naman practice muna ngayon .

pagbukas ko ng pinto ay nagulat ang mga kasama ko .. syempre bakit ko nga naman siya kasama diba ?

" oh .. miss ikaw na naman ? "     bungad ni hector , ang aming drummer .

" anong nangyari gerald , nasagasaan mo ano ? "    tanong ni tristan .

" tanungin niyo kung anong kabaliwan ang ginawa niya ? ! "     

nasabi ko . nairita lang naman kasi ako ang dami nilang tanong .   umupo na ako sa aming sofa  . nayuko lang siya .  bakit ko ba sinabi yun ?

" bro .. wag ganyan .. "    sabi ni vince at lumapit siya sa kanya at umupo sa harap niya para magkapantay sila . Nakakainis talaga tong si Vince eno.. dumadamoves na naman " hi ! miss anong pangalan mo ? "

" Joyce  .. Joyce Bernardo."   nakangiting sagot niya . friendly ba talaga ang isang to ?

" ahhh Joyce .. ito pala yung panyong naiwan mo kahapon .  "   biglang labas ng panyo si vince mula sa bulsa niya .

" Tama na nga iyan .. Let's start !!! "    sigaw ko .hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako ! . ano bang nangyayari sakin? Ano? Wala! Nandito kami para mag practice at hindi ko kayang manuod ng live love story sa harap ko ngayon.  pumuwesto na ko . at inayos ko na ang microphone .

--Joyce's POV--

WOW ang bait naman pala talaga nitong vince..  binalik pa talaga itong panyo ko .

" Tama na nga yan ... Let's start ! "    utos ni Gerald .Kahit kalian ang sungit talaga neto e no? sino ba siya para utusan ang mga to? siya ba ang lider ng grupong ito? Ay banda pala.. mukhang studio to e. Hindi ko alam na may ganito pala sa University. Hindi kasi ako sumipot nung Orrientation e. Ngayon alam ko na kung bakit dapat kilala ko sila. Kung ganoon, ang swerte ko pala.

"pagpasensyahan muna ahhh .. ganyan talaga yan eh .. panuorin mo ako ah"    sabi ni vince . tumango na lang ako .  pumuwesto na sila .

si vince pala ang guitarist .. yung dalawang hindi ko pa kilala ay drummer at keyboard .pero hindi ko mapigilang titigan si Gerald na siyang lead vocalist . Naku! Gwapo na magaling pang kumanta. Kung sabagay, lahat naman sila gwapo e.

I wonder kung paano nakakatagal tong apat sa masungit na to, pero kanina mukhang mabait naman siya nung tinulungan niya ako? well, kasalanan ko naman kasi talaga yun e.

Pero kahit papano, nagpapasalamat parin ako na ginawa ko kanina ang pagpikit sa mata ko habang nagbibike e. kasi kung hindi nangyari yung kanina, edi sana wala ako dito ngayon at hindi ko sila—siya makakasama. Nandito na nga ako, bonus pa dahil maririnig ko silang kumanta.

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon