41

144K 2.4K 217
                                    

41

Nag eedit ako ng isang story, at natatawa ako sa mga author's note na naiiwan ko sa mga chapters, ganyan pala ako kabaliw? Minsan nakakahiya... parang diary lang of what I feel! Yay!

Nagpapalabas lang ako ng stress rito.

****************************************

It’s their wedding day! Their church wedding, hulaan ninyo ano ang motif? Rainbow! Ang saya lang, napakamakulay ng paligid, ang simbahan at ang reception. Tuwang-tuwa ang lahat. Present ang lahat ng mga kamang-anakan na nagmula pa sa sulok ng Davao.

“Ang ganda-ganda mo anak!” Tuwang-tuwa na nakatingin ang Mama niya at Mamang ni Elvin na mother-in-law na niya ngayon.

“Ang guwapo rin naman ni Elvin.” Puri ng Mama ni Kathryn.

“Saan pa ba naman magmamana ang mga anak natin kundi sa ating dalawa. Kita mo naman, ang ganda-gandang buntis ng anak mo. Kaya naman pala talagang na-inlove si Elvin sa kanya.”

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn pagkarinig sa salitang in-love. Halata na  ang tyan nito, pero dahil magaling ang kanyang designer, hindi halata sa kanyang wedding gown.

“Talaga po, Mamang, in-love sa akin si Elvin?” Nakalimutan niyang nasa harap niya ang kanyang Mama.

“Of course, anak! Sino ba naman ang hindi main-love sa iyo. Isa pa, ngayon lang natataranta sa isang babae ang anak ko na yan, tanong ng tanong at text ng text kung ano ang gagawin sa iyo, lalo at kapag sinusumpong ka.”

“Talaga po, Mamang!” Bigla na naman siyang kinilig. Enebeyen! Kasal na kasal nga talaga niya at kenekeleg siya ngayon.

“Oo naman, anak.” Sabin g Mama ni Kathryn. “Alam mo, ganyan na ganyan rin ang Papa mo noong ipinagbubuntis kita.”

“ready na ba kayong tatlong girls?” Sabay-sabay silang napatingin sa nagsalita. Si Elvin!

Napahawak sa dibdib niya si Kathryn. Ang guwapo-guwapo ng Sinta niya! Sobra! Bagay na bagay ang kanyang three – piece suit.

“Ang gwapo mo, Sinta.”

Ngumiti ito. Haaaaayyy! Wala na!

“You look good, Sintas. Very lovely, so beautiful.” Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng mabilis na halik sa lips!

Hanubayan!

Pagkatapos ay binulungan si Kathryn. “Para sa iyo, Sintas, pure homre akembang today, minus the gay language ha.”

“I loveeee it, Sinta! I love you.”

“I crush you.” Pinipigilan nitong ngumiti. Ang lakas talaga ng fighting spirit ng kanyang nyosawa. Wiz naging nega ang beuty. Go lang ng go sa na fefeel.

“Ano ba kayong mag jowa, wit makapaghintay ha? Nasisira ang make-up! Kaka stress ka!” Agad na , tinignan ang lipstick ni Kathryn. “Jowas (exit) ka muna, pogi.” Pagtatabay nito kay Elvin.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon