Isang Liham ng Walang Hanggang Pagmamahal

Magsimula sa umpisa
                                    

  Isang beses lang kami nagkita noong araw na iyon tinatanong niya ako, kung ano ba daw regalo ko. Pero ang sabi ko ay:

 “birthday mo ba ngayon? nalimutan ko”

pero sa totoo may nakahanda na kong surpresa para sa kanya . Nang bumalot na ang dilim sa buong kapaligiran at ang buwan nalamang ang tanging nagbibigay liwanag sa paligid, nagtungo ako sa bahay nila. Matagal na oras din ako naghintay para sa kanya at nang nagkita na kami, doon binigay ko iyong regalo ko nagulat ako sa reaksyon niya, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, batid ko ang saya niya at mas napasaya niya naman ako sa galak na nadama ko sa naging reaksyon niya.

 Kinabukasan Agosto 2, 2011 kinukwento niya saken iyong crush niya, na habang sinsabi niya’y parang may gumuguhit sa puso ko na kasawiaan at kalungkutan ngunit bilang kaibigan e, sinusuportahan ko siya. Pero noong araw ding iyon naglakas loob ako na ipagtapat ang totoo kong nadarama, sabi ko sa kanya:

“Alam mo Alexis, alam ko na ata ang ibig sabihin ng love at iyon ay ang mahalin ka, mahal na ata kita.”

napangite siya at napuno ng katahimikan ang paligid, matagal din bago siya sumagot inaantay ko ang tinig niya na sumagot ng Oo pero ang tanging narining ko lamang ay “Hindi” ang sabi nya sak akin ay :

“Oo mahal kita Rocky, pero hindi pwede maging tayo dahil ayoko ko pang madamay ka”.

Parang biglang nagunaw ang mundo ko, para bang napadpad ako sa ibang dimension na ako lang ang tao, naiyak ako at pilit tumakbo papalayo sa kanya, na ang tanging alam ko lamang ay makawala sa narinig kong tugon niya, na sa mga oras na iyon nalimutan ko na may kaibigan akong pangalan ay Alexis. Teka nga, eto na ba iyong sinasabi nila na sa love e talagang may nasasaktan? eto na ba iyon talagang ibig sabihin ng love? Nakuha ko na ba talaga iyong ibig sabihin ng pagmamahal? Nakuha ko na ba? E bakit kung kailan ko na malapit malaman ang ibig sabihin ng love e ngayon pa niya ako sinaktan. May pusong bato man ako at bato man ang pangalan ko e nasasaktan din naman ako, masaket pala talaga na ma-reject ka ng taong pinakamamahal mo, lalo pa alam mo na ni kalian man ay hindi kayo magiging para sa isa’t isa. Siguro nga na hanggang crush nalang pala talaga ang alam kong ibig sabihin. Siguro nga ni kailan man ay hindi ko na malalaman kung ano ang ibig sabihin ng Love.

Lumipas ang 3 buwan ni hindi ko na siya nakita pamuhat nung araw na iyon, nawala na ang saket sa aking puso ngunit siya parin ang laman nitong puso kong sawi ako’y hindi mapakali, hinihiling ko na sana ay makita ko siyang muli at laking gulat ko nalamang ng makita ko nga siya muli. Agad ko siyang yinaya noong araw na iyon para kami ay mag-usap at doon ay nagtungo kami sa paborito niyang kainan at habang nag-uusap kami napatitig ako sa mga maamo niyang mga mata doon napansin ko na para bang may iba sa kanya na may dindamdam siya aba ewan ko para siyang ibang tao na may pinapasan na mabigat na problema. Habang nababalot ng katanungan ang isipan ko nagulat nalamang ako, nanigas, naguluhan, at hindi ko alam ang aking gagawin, dahil bigla siyang bumagsak sa kinauupuan niya. Madali ko siyang itinakbo sa pinaka-malapit na ospital. Doon, hindi ko inaasahan ang aking narinig, tila nakaalam ako ng isang lihim na tila malaking bangungot sa akin, binalot ng pighati ang aking puso. Doon ko nalaman kung bakit ayaw niya ako mapalapit sa kanya, nagulat ako sa aking nalaman at tila nakaramdam ng pangungulila at kalungkutan. Biruin mo, ang babaeng pinakamamahal ko ay naglihim sa akin? Isang paglilihim na para sa kanya ay hindi na ako makakaramdam ng pangamba’t pag-aalala ngunit sino ba ang hindi mag-aaala sa kalagayan niya? Naiinis ako sa sarili ko bakit siya pa? Bakit hindi ko napansin noon palang? Na may dinaramdam na siya? Bakit? Bakit? Nagmistulan akong bulag, mang-mang at tila walang kamalay-malay sa nangyayari. Hindi ako naging mapagmasid, nakakainis! bakit ganoon? Sana ako nalang! Bakit siya pa? Sabi nila, mapaglaro ang tadhana ngunit tila tadhanay nilinlang ako. Huli na ang lahat, wala akong magawa, kundi tanggapin na hindi ito bangungot bagkus ito ang katotohanan. Hindi ko lubos maisip, na ang masayahing Alexis na kilala ko ay nakikipaglaro na kay kamatayan, naiinis ako sa sarili ko, wala akong magawa kundi umiyak nalamang at pagmasdan ang aking mahal. Wala akong magawa, wala.  Mas napuno ako ng pangamba sa sinabi sa akin ng doktor:

“kailangan niya ng heart donor, dahil kung hindi mapapalitan ang puso niya…  Tiyak ay mamatay siya.”

Agad kong tinanong kung ano ba ang kailangang puso ang tugon ng  doktor ay:

              “kailangan ay katugma ng laki ng kanyang puso at dugong blood type ay AB, ang hirap niya hanapan ng donor.   Lalo pa ngayon ay may nalalabi nalamang siyang oras.”

  Napangite nalamang ako, dahil ngayon alam ko na kung ano ibig sabihin ng pagmamahal. At iyon ay pagsasakrapisyo para lamang sa taong mahal mo na ni sino man at walang kahit anumang bagay ang makakatumbas nito.

                                                                                                                                                                                                 Rocky Stone

P.S.: Sana ay magpakatatag ka habang binabasa mo ito maging matibay ka tulad ng pangalan ko. Maraming salamat Alexis Cotton ibinigay mo saken kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal. Alexis, Lagi mo sanang  tandaan na mawala man ako sa tabi mo may isang Rocky na minsang nabuhay at nagmahal sayo. Mahal na mahal kita Alexis hanggang sa muli nating pagkikita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Liham ng Walang Hanggang PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon