Previous Page of 3Next Page

Isang Liham ng Walang Hanggang Pagmamahal

spinner.gif

Ako nga pala si Rocky Stone madalas kong maitanong sa aking sarili, Kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng Love. Kase sa dami ng naririnig ko ni isa ata sa ibig sabihin nito ni hindi ko pa nararamdaman, aba ewan ko minsan pa nga sabi ko sa sarili ko para akong pusong bato siguro nga ang galing ng nanay at tatay ko, biruin mo iyon pati nararamdaman ko tinugma sa pangalan ko? Siguro nga hindi ko na mararamdaman ang tunay na ibig sabihin ng Love pero may gusto ako ibahagi sa inyo, isang kwento ng pagmamahalan na sabi daw ay love never fails. Isang istorya ng kay tamis na pag-ibig, pero bago iyon ako nga pala iyong  tao na hilig ay makipag kilala sa mga taong hindi ko naman kilala, na alam ko na kapag nakilala ko sila e mababago ko ang takbo ng buhay nila at hindi lamang buhay nila kundi pati buhay ko. Dahil alam ko sa sarili ko, na minsan lamang mabuhay at magpasaya ng ibang tao. Kase sa buhay natin dapat ay hindi sinasayang ang oras, lalo na kapag time’s up na, e wala na tayong oras na mabalikan pa ang nais natin. Ang makakilala ng mga taong hindi naman naten kilala na parang kabute na biglang sumulpot ay hindi aksidente dahil sila ay itinakda ng Maykapal para tulungan tayo na mas makikalala natin ang ating mga sarili. Sabi nga nila humanap daw ako ng true person iyong tanggap kung sino ako, iyong hindi ako iiwan in times of trouble, iyong the best. Natawa nga ako e, kasi hanggang ngayon hindi ko parin mahanap. Pero heto na, sige na sisimulan ko na iyong kwento baka masayang pa ang ating oras.

Naalala ko pa noong unang araw nang hunyo pasukan noon at lahat ay abala at napakasaya. Tila makikita mo ang ngite at galak sa bawat isa. Na para bang napakalaya nila, ni walang pinoproblema at higit sa lahat napakasaya nilang nagbabahagi ng kanilang mga masasayang alaala noong summer. Napangite nalamang ako, kase wow namiss ko pala ang eskwelahan. Sobrang excited ako noon, pati pag-uwi ko sa bahay hindi mawala iyong galak sa akin. Hindi ko talaga malilimutan ang araw na iyon dahil nakita ko ulet ang mga kaibigan ko, at ang hindi ko malilimutan nung araw na iyon ang kakaibang naramdaman ko, na ni minsan hindi ko pa nadama. Hindi ko nga alam kung ano ba iyon, para bang napatigil ako sa kinatatayuan ko na tila ngayon pa lamang ako nakakita ng nilalang na tulad niya na tila naparalisa ang buong katawan ko. Tuliro ako noon, ni hindi mapakali at higit sa lahat naguguluhan ano ba yung nadama ko? Iyon na ba ang tinatawag na LOVE o iyong tinatawag na Crush? Ano ba pagakakiba nung dalawa na yan? Ay ewan, basta ako doon ako kay love ay teka, oo nga pala, hindi  ko alam ibig sabihin ng love kaya doon nalang pala ko kay crush pero sana sa susunod malaman ko na  kung ano ba talaga iyong love.

Nang matapos ang araw  na iyon, dala ko yung napakaamong mukha niya sa isip ko hanggang sa pag-uwi ko siya  at siya lamang ang nakikita ko pati pagpikit ng mga mata ko puro siya.Teka sino nga ba siya ulet? Kase parang nakita ko na iyong mukhang iyon kung saan, na parang matagal ko na siyang kilala. Malakas ang pakiramdam ko at alam ko na nakilala ko na siya. Kase naman, sa damirami ng kinakaibigan ko hindi ko na tuloy maalala kung sino siya.

Teka nga? Naalala ko na!  Tama! Siya nga, siya nga si Alexis Cotton. Siya nga! Hindi ako pwedeng magkamali! Siya yung babae na madalas kong inaasar bago matapos  ang school year.  Wow grabe, paano nangyare iyon? Ang babaeng madalas kong asar-asarin ay parang bulaklak na biglang humalimuyak . Ni hindi ko lubos maisip siya pala iyon, grabe ang bilis niya magbago halos mag dalawang buwan lamang ng hindi ko siya makita. Ngunit ang laki na talaga ng pinagbago ng kanyang pisikal na anyo. Lalo tuloy ako ginahan na alamin kung ano ba talaga iyong love. Baka kasi, hindi na paghanga itong nadarama ko, baka may mas higit pa doon. Sa sumunod na araw. Nakita ko siyang muli, sa ground ng school. Nagulat ako ng yinakap niya ako at sinabe pa niya na:

 “Namiss kita kumusta ang summer mo?”

Ni walang lumalabas na salita sa bibig ko para akong naging yelo na biglang nanigas buti na lamang dumating iyong best friend niya at doon biglang kumawala ang malalim kong hininga.  Ang sabi ko naman e:

“Ok naman, masaya kahit na nakakamiss.” 

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended