Let Love 30: Feeling feelings

1K 43 28
                                    

This chapter is for weirdystarrie! Thank you po for reading Let Love! 

________________________________________________________

Chapter 30

Cydney's POV

Weird. 

Matino.

Masungit.

Mabait.

Suplado!!!!

Gentleman.

Puro kalokohan.

Matalino.

Gwapo....?

Okay fine, gwapo. T____T

Medyo..... maganda yung katawan. >///<

Pero hindi naman batak mala Johnny Bravo. (Di ko type mga ganun.)

PERO WAIT BAKIT KO BA SINALI BIGLA YANG KATAWAN NIYA?! -___-

Ano pa ba....?

Napabangon nalang ako nun sa pagkakasubsob ng ulo ko sa desk. Kinalabit kasi ako bigla netong katabi ko. "Pst. Nanjan na yung prof." tignan niyo, pa-cold hearted effect pa. -___-

"May pangalan kasi ako." masungit ko ring sagot sakanya tapos bigla niyang pinisil yung pisngi ko nun at ngumiti. BOOM. GAME OVER. 

Haaaay, ayan, isa pang ugali netong tao na 'to.... BIPOLAR. 

Nahawa na nga rin ata ako dun kasi ayun, na-washout bigla yung temporary bad trip ko sakanya. Dahil nanaman sa pesteng ngiti na yan!!!! CYDNEY, ANO NA BANG NANGYAYARI SAYO?

San ba talaga nanggagaling yung butterflies na yun? Hindi ko talaga ma-gets...

**

Natapos yung speech class namin nang wala kami halos ginawa. Film showing lang so ayun, kalahati nung klase, natulog lang tapos ako, sabaw. Kakaisip dito sa bipolarbear na 'to. May isa pang klase si Vincent after neto pero ako, dismissal ko na.

"Cydney, uuwi ka na ba kaagad?" tanong niya habang parehas na kaming nag-aayos ng gamit sabay labas na ng classroom. "Siguro? Baka gawin ko na yung film review para tapos na kaagad. Bakit mo natanong?" sagot ko naman sakanya.

"Hatid na kita. Kukuha din kasi ako ng gamit. Baka kasi magsleepover kami ni Ivan dun sa ka-block namin." kinuha na niya sakin nun yung mga bitbit kong libro tapos dire-diretso na siya palabas ng room namin.

"Oy Vincent! Ka-block? Sinong ka-block?" tanong ko naman sabay takbo narin palabas ng classroom.

"Tatapusin na kasi namin yung paper nung experiment namin kaya magssleepover na kami." sagot niya sakin pero hindi niya sinagot yung tinanong ko talaga. "Eh bakit hindi nalang sa condo? Okay lang naman sakin, para mas malapit sa univ?" suggestion ko naman if ever mas malayo sa university namin yung tutulugan nila.

"Magpupuyat kami Cydney eh, baka hindi ka makatulog dahil samin.. Kaya okay naman na din, tsaka medyo malapit parin yun sa university." natuwa ako nung binanggit niya yung dahilan sakin pero wala naman talaga saking problema yun. "Ano ka ba, kung nagsabi ka lang sakin, walang kaso. Tulog mantika naman ako diba, pag napahiga ako, bagsak kaagad. Sana sa condo nalang kayo. Sayang naman."

Let LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon