Chapter Fifteen P1

598K 9.5K 518
                                    


Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa biyahe. Nagising lang ako nang tinangkang buhatin ako ni Jace papasok sana ng bahay.

"Tommy?" Luminga ako sa paligid. Narito na kami sa garahe at nakita ko pang isinasara ni Mama Jessy ang gate.

"Nagising ba kita?" tanong niya.

Umiling ako saka bumaba ng sasakyan. Gumilid naman siya para makadaan ako. Pagkahakbang ko e sumunod agad siya at inakbayan ako. Hindi naman ako nag-protesta at sinalubong na lang si Mama Jessy na ngayon e papalapit na sa amin.

"Kamusta ang pag-gagala niyo?"

"Ayos naman po. Masaya," nakangiti pang sagot ko.

Hindi ko inasahan ang araw na 'to. Ang akala ko e magiging ordinaryong araw lang 'to pero ginawang espesyal ni Jace. Hindi ko man masasabing ito ang pinaka-masayang araw ng buhay ko, pero isa ito sa pinaka-tumatak sa isip ko.

"Mabuti naman kung ganun. Hala't magpahinga na kayo roon at panigurado e pagod kayo."

Nagpatiuna na ako sa pag-akyat sa kwarto. Pagkapasok ko e kumuha agad ako ng pamalit na pantulog saka pumasok sa banyo. Pagkatapos ng mga sampung minuto e lumabas na rin ako nagulat pa ako ng nasa may pinto si Jace at mukhang inaabangan akong lumabas.

Humiga na rin agad ako at matutulog na sana nang nag-ring pa ang cellphone ko. Kunot ang noong tinignan ko kung sino ang tumatawag.


Calling...

Maico


Naupo na muna ako sa gilid ng kama saka sinagot ang tawag matapos ang pangatlong ring.

"Hello?"

"Uy, Lana!" ani Maico sa kabilang linya. "Tulog ka na ba? Nagising kita?"

"Hindi naman, papatulog pa lang sana ako."

"Mabuti naman kung ganun." Tumigil siya sandali saka muling nagsalita. "Uhm, Lana... ano kasi... p-pwede ka bang mayaya uling lumabas bukas?"

"Bukas?" balik tanong ko.

"Oo, sana. Bale, may bagong bukas na resto 'yung isang kaibigan ko. Pinapapunta niya ako. Ayoko naman sanang pumunta mag-isa kaya naisip ko, baka gusto mong sumama," tuloy-tuloy na sabi niya.

"Uhm..." Napa-isip ako. Bukas? Kunsabagay, wala naman akong gagawin e. Saka wala naman sigurong masama kung sasamahan ko si Maico dun 'di ba? Kaibigan ko naman siya e. "Anong oras?" tanong ko.

"Susunduin kita ng bandang alas-tres," aniya.

"O sig—"

Nagulat ako nang biglang agawin ni Jace ang cellphone ko. Hindi ko man lang namalayan na nakalabas na pala siya ng banyo. Tinignan niya muna ang caller ID nun saka niya itinapat sa tenga niya.

"Hindi siya pwede bukas," sabi ni Jace.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakikipag-usap siya. Hindi ko naririnig ang sinasabi ngayon ni Maico pero base sa tagal bago magsalita ulit ni Jace e mukhang nagpapaliwanag ang nasa kabilang linya. Mayamaya e biglang kumunot ang noo ni Jace at nagtiim ang bagang.

"Inuulit ko. Hindi pwede ang ASAWA ko bukas!" aniya pa saka pinatay ang telepono. Initsya niya pa 'yun sa kama sa pagkagulat ko.

Natahimik na lang ako sa tabi saka kinuha ang cellphone ko. Buti na lang sa kama niya inihagis at maliit ang tyansang masira. Tinignan ko pa 'yun at wala namang problema.

Napansin kong medyo nagdadabog pa si Jace habang kumukuha ng t-shirt sa closet. Ngayon ko lang napansin. Naka-top less pala ang damuho!

Nakasimangot pa siya nang lumapit sa kama at basta na lang nahiga. Nakatingin lang ako sa kanya habang naka-upo pa rin ako sa gilid nun. Mayamaya e naisipan ko na ring mahiga. Naisip ko tuloy kung anong pinag-usapan nila. Bakit kaya na-badtrip 'tong si Jace? Tss. Wala naman kasi siyang ibang sinabi bukod sa hindi ako pwede bukas. Wait, bakit hindi ako pwede bukas?

"Jace?" tawag ko sa kanya habang nakatalikod siya sa akin sa pagkakahiga.

"Hmmn?" halos ungol lang 'yung sagot niya 'yun.

"Saan ang lakad natin bukas?" tanong ko.

Humarap siya bigla sa akin at nakita kong nakakunot ang noo niya. Para bang iniisip niya kung ano ba 'yung sinasabi ko.

"W-wala naman, bakit?"

Ako naman ang napakunot-noo sa sinabi niya. E kung wala naman kaming lakad bukas, bakit naging hindi ako pwede?

"E bakit yung..." hindi ko alam kung paano ko itatanong. "Uhm, 'yung sinabi mo kay Maico kanina... hindi ako pwede?"

Mukhang nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin. Bigla siyang napangiti nang hindi ko mawari. Ano bang nasa isip ng isang 'to?

"Well, pwede naman tayong lumabas bukas. Ikaw ang bahala kung saan," aniya pagkuwan.

Napangiti ako ng malapad sa sinabi niya. "Seryoso?" tanong ko pa.

Tumango siya at natuwa naman ako. Well, wala naman talaga akong naiisip na puntahan. 'Yung thought lang na dadalhin niya ako kung saan ko man gusto e masaya na ako.

"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya.

Napa-isip ako. Saan nga ba? Inisip ko lahat ng mga pwedeng puntahan hanggang sa may pumasok sa isip ko. Naalala ko noong mga bata pa kami na dinala kami roon ng parents namin. Doon din kami nagsimulang maging close.

"Sa Manila Zoo!" excited na sabi ko.

"Hindi ba parang pambata naman 'yun?" aniya. Kita sa mukha niya ang pagkamangha sa gusto kong puntahan. "Saka... nakarating na tayo roon dati 'di ba?"

"Yeah, pero gusto kong pumunta ulit doon!"

"Okay, sige."

"Waah! Thank you Jace!"

Sa sobrang tuwa ko, hindi ko namalayan na niyakap ko na pala siya. Naramdaman kong natigilan siya bigla pero mayamaya naman e gumanti rin siya ng yakap. Tumawa pa siya ng bahagya saka nagsalita.

"Basta masaya ka, gagawin ko kahit ano."

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon