Chapter XXIX - Yes

649 16 1
                                    

Chapter 29

Aya Bianca's POV

Mag-iisang linggo na din akong tulog, kain, tulog,  kain , at magtago sa kwarto. Lalabas lang ako kapag gabi kasi kailangan kong saluhan si Mommy ng dinner kasi bumalik na ulit si Daddy sa Business Trip sa Switzerland. Hindi ko pa din nasasabi sa kanila yung about sa sakit ko. Wala akong lakas ng loob. At start na nga din yung trabaho ko kila Sean pero tinatamad pa akong pumasok. 

Hindi na ako magtataka kung isang araw, pumasok ako at hindi na ako papasukin ng guard. Baka mapatalsik na din ako sa trabaho. Bakit ba kasi ganito ang buhay? Nakakaasar lang...

Para na akong baliw dito sa kwarto. NO, baliw na talaga.

Tatawa ako ng tatawa pero mamaya maalala ko na may sakit na pala akong Cancer, bigla na lang akong hahagulgol sa iyak. Malalaman ko na lang nakatulog na ako. At wala na akong ibang nagawa kung hindi gawin ito sa buong isang linggo.

Bukas patay na ako.

"Ms. Aya tawag po kayo ng Mommy nyo." may kumatok sa kwarto ko. Hayss, kakausapin daw ako ni Mommy, ano naman kaya ang gustong sabihin noon? Nanlulumo na naman ulit ako, hindi ko kasi masabi sabi kay Mommy. Feeling ko kapag sinabi ko sa kanya iyon, para na din akong nabuntis. Kaso nga lang dito mamatay ako.  Let's be open-minded, dadating at dadating din ako dyan. Lahat ng tao mamatay, yung akin nga lang mabilis dahil may sakit ako. 

Lumabas na ako at pumunta sa Living Room nandoon kasi si Mommy nanunuod ng TV. Be strong, Aya. Wag kang iiyak kapag kinausap ka. 

"Anong nangyayari sayo Bianca?!" inis na tanong sa akin ni Mommy. Noong bata pa ako kapag papagalitan niya ako hindi ako nakikinig sa kanya instead babalewalain ko ang mga sasabihin niya dahil naasar ako sa mga serom niya. Pero ngayon umupo ako sa tabi niya at tinignan siya. Kahit pagalitan niya ako, sigawan, okay na. 

"-Bakit di ka pumapasok sa trabaho?! Lagi ka na lang nagkukulong sa kwarto mo! Tell me anong problema?" from irritated voice huminahon si Mommy ng tinatanong na niya ako kung anong problema ko. Pero hindi ko pa din kayang sabihin sa kanya. HIndi ko kayang makita ang magiging expression niya. 

Tumungo na lang ako. 

May cancer ako Mommy.

Bulong ng utak ko, naramdaman ko na lang na namumuo na ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na napigil ang mata ko dahil tumulo na lang ito basta-basta. Mas lalo pa akong naiyak nang hawakan ni Mommy ang balikat ko at hinimas himas ito. 

"Noon umiiyak ka kapag pinapagalitan kita o kaya pinapalo kita. Sabihin mo sa akin Bianca bakit ka umiiyak? Hindi kasi alam ni Mommy ang reason eh, baka matulungan ko ang baby ko." tapos niyakap ako ni Mommy sumubsob na lang ako sa dibdib niya at niyapos din siya. Ngayon ko lang na appreciate si Mommy sa totoo lang, sana ganito na lang lagi. Mabuti pa pala nag ka cancer ako kung hindi siguro , hindi ko ito magagawa sa kanya.

Umiyak ako ng umiyak dahil sa sama ng loob. 

Mommy, hindi ko alam kung kailan. Pero tandaan ninyo ni Daddy, mahal na mahal ko kayo.

Kailan ko kaya masasabi sa kanila iyon?

*  *  * 

Minulat ko ang mata ko, nakayakap ako sa malambot kong unan. Bukas pala yung lampshade ko, tumingin ako sa orasan at 5:37 a.m na. Paano kaya ako nakapunta dito? Sa pagkakatanda ko kasama ko pa kagabi si Mommy. Bigla namang tumunog ang tiyan ko. 

Dali-dali akong bumaba sa may kitchen para maghanap ng pagkain. Hindi pala ako nakakain ng hapunan kagabi. Kaya ngayon gutom na gutom ako. Mabuti na lang at may left over pa dito, may kanin at may ulam pa. 

She's my Last Kiss (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon