SDTR: Kabanata 7

182K 4.1K 700
                                    

SDTR: Kabanata 7

Nanatiling nakatitig sa mga mata ko si Ethan, patuloy din ang pagtulo ng luha niya. Married? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano, kalokohan. Isang malaking kalokohan, mag ta-tatlong taon ko na siyang sinusundan kahit sa malayo at kahit kailan hindi ko nakikita na may kasama siyang sa tingin ko ay asawa niya, oo, maraming naging ka-fling si Ethan pero ni hindi ko narinig na nagka-girlfriend siya ng seryosong seryoso.

Ngumisi ako na parang isang baliw, yung traydor kong luha ayaw huminto sa pagtulo. Umiling iling ako, "You're not married Ethan." Matigas na pahayag ko sakanya.

"Sinasabi mo lang yan para layuan kita."

Mariin niyang ipinikit ang mata niya at napasinghap ako nang ikulong ng dalawang palad niya ang magkabilang pisngi ko, pinagdikit niya ang noo naming dalawa at umiling iling siya.

"Sana nga Claire hindi, pero yun yung totoo." Halos ibulong nalang niya iyon, marahan niyang iminulat ang mga mata niya.

"I have been married for three years Claire, three years.." Patuloy niya, halos pigain ang puso ko nang sabihin niya iyon, nagsisinungaling lang siya, alam kong nagsisinungaling lang siya.

Humiwalay siya saakin at nag iwas ng tingin.

Tumayo siya pero nanatili akong nakatitig sakanya. "Magpahinga ka na Claire." Bulong niya at marahan niyang pinunasan ang luha niya.

"Three years? Niloloko mo ba ako Ethan? Three years ago, eighteen years old palang tayong dalawa non!" Hiyaw ko sakanya, humarap siya saakin at kahit anong gawin kong pagtitig sa mga mata niya hindi ko magawang basahin ang emosyon niya, napakagaling niyang magtago ng nararamdaman niya.

"Tatlong taon kitang tinitigan sa malayo Ethan, tatlong taon kong hinintay na makausap ka ulit." Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit kailan hindi ko hiniling na maging ganito ako sa isang lalaki, pero ito ang nangyayari saakin ngayon, para akong nanlilimos sa pagmamahal ng isang lalaking matagal ko nang mahal.

"Nung nagkakilala tayo sa bar, birthday ko yon Ethan. At tuwing birthday ko mas isine-celebrate ko pa yung pagkakakilala nating dalawa." Humihikbing patuloy ko.

Kumunot ang noo niya, at halos mapaawang ang bibig ko sa isinagot niya saakin. "At nung araw na yon Claire, yun yung araw na ikinasal ako sa babaeng kailanman hindi ko minahal."

Gusto kong magsalita ulit, pero sa huli kinagat ko na lamang ang dila ko. Bakit ganito? Bakit sobrang sakit? Ano ba 'tong nararamdaman kong 'to? Ganito din ba ang naramdaman ni Mama nung birthday ko? Nung nalaman niyang may ibang babae si Papa.

Gusto kong sumigaw dahil parang kahit anong oras sasabog na ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko. Parang paulit ulit na pinipiga yung puso ko, ito na ba yung pinakamasakit? O may mas matinding sakit pa akong mararamdaman kumpara dito?

Panay lang ang iyak ko sa unan ni Ethan, iniwanan niya akong mag isa dito sa kwarto niya. Kasal? Kanino? Saan? At bakit siya magpapakasal kung hindi naman talaga niya mahal yung babae na yon.

Sinubukan ko tawagan si Jenica o si Ara, pero sa huli nagpasya akong h'wag nalang. Ayokong sabihin sa kahit na sino ang nalalaman ko ngayon.

Hindi ko maintindihan yung puso ko, nasasaktan ako but at the same time I keep on loving him, masakit pero yung matinding pagmamahal ko nandito pa rin.

__

Marahan kong iminulat ang mabigat at masakit kong mata, pakiramdam ko naniningkit ako dahil sa kakaiyak ko. Umupo ako sa kama at muling bumalik sa alaala ko ang mga napag usapan namin kagabi ni Ethan, napahawak ako sa kaliwang bahagi ng dibdib ko dahil nandoon pa rin yung matinding pagkirot nito.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon