Previous Page of 3Next Page

Tales of the Cradle Snatcher

spinner.gif

Chapter 2

 

I am running late. Shit. Bakit kasi pumayag ako na gumimik on a weeknight? Major hangover tuloy ako. Sasakalin ko talaga yang si Julie!

Bakit kasi kailangang PE pa yung first subject ko? Bibingo na ako dun pag umabsent pa ako ngayon!

Kaunting tiis lang, Alli. Midterms na.


"Good Morning!" Nagulat ako nang may sumalubong sa akin, muntik ko na tuloy siyang mabangga dahil nagmamadali ako.

"Wala ng good sa morning ko. Layas!" Tinulak ko siya para makadaan ako. Umalis naman siya sa harapan ko pero sumabay siya sa akin sa pag bi-brisk walking ko.

"Coffee?" Tanong niya habang pinapakita sa akin yung cup ng caramel macchiato ko.

In fairness naman sa batang to, hindi siya pumalya sa pagbibigay ng coffee sa akin araw-araw kahit nilait-lait ko yung manhood niya last week.

"Ugh. Thanks." I said as I grab my cup.

"Wow. Anong meron at nag 'thanks' ka?" He smirked.

"Shut up, totoy. Wag mo akong kausapin." I said before sipping my coffee.

Thank God, I really need caffeine on my system. Kung meron lang sana akong aspirin, okay na.


Sabay kaming pumasok sa elevator, kaming dalawa lang sa loob. Wala rin yung operator. Siya na lang yung nagpindot ng kung saang floor yung gym namin.

"What made you extra grumpy today?" He asked as the elevator door closes.

"I told you, don't talk to me." I said, rubbing my temples.

"Migraine?" He asked. Hindi pa rin siya sumusuko! Kainis! "Gusto mo bilhan kita ng gamot?" Napatingin ako sa kanya, he looked concerned.


Gamot? Aspirin? Sige na nga.


I nodded. "Aspirin." Ngumiti siya.

"Hang-over?" He smirked.

Inirapan ko siya. Okay na eh, nag-smirk pa. Basagin ko kaya mukha nito.

I was about to give him money but he stopped me. "Ako na bahala." Bago pa ako makatanggi, bumukas na yung elevator.

Hinila niya na ako at binitawan niya lang ako nung nakadating na kami sa bleachers. Pinaupo niya ako bago niya ako iniwan, pinabantayan niya sakin yung gamit niya.



Nandito na yung prof namin pero wala pa si Gab. Nasaan ba yung si Totoy? Malalagyan siya ng late sa record niya. Nagsimula ng mag roll-call si Sir. 

"Clemente?" Nagtaas ako ng kamay.

Ano nga bang apelyido ni Gab? Alam ko lang, Gabriel ang pangalan niya. Wala akong idea kung anong apelyido niya.

"Ate, si Gab daw?" Napalingon ako sa tabi ko. Ha? Bakit ako?

Napatingin ako sa prof namin, inaantay niya akong may sabihin. Napakamot ako ng ulo. "Bumaba lang, Sir. Bumili ng gamot." Tumango lang si Sir at hindi naglagay sa record ni Gab.

Nasaan na ba yung si Totoy? Kainis! Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko dahil sa kanya!



Maya-maya lang dumating na rin siya, hinihingal pa. Iniabot niya sakin yung gamot at isang bote ng mineral water.

"Ang layo ng inabot ko para makabili niyan." He said between pants.

Hindi ko siya pinansin at inintindi ko lang ang pag-inom ko ng gamot. Teka, nasaan na ba ang manners ko?

Napatingin ako kay Gab na nasa harapan ko pa rin. "Thank you." Sinubukan kong hindi siya magtunog pilit.

Ngumiti siya. "Anything for you." He grinned.

Nagulat ako nang magtilian yung mga kaklase namin. Ay! Kainis! Pinagtitinginan na pala kami.

"Oh tama na 'yan!" Saway ng prof namin pero natatawa din siya. "Fall in line na." Tinulungan ako ni Gab na makatayo and that earned us another tilian. Shit. Ano ba to? PBB TEENS?! Hindi naman na ako teen!



At kung hindi ka nga naman pinagti-tripan ng pagkakataon. Social dance pala ang PE2 namin and guess what? Kami ang partners ni Gab! Nice... NOT.

"I don't dance." I groaned when we were asked to do the proper dancing position ng waltz.

Gab grabbed my hand and he put his other hand on hip. Inilapit pa niya ako sa kanya. 

"I swear, I'm going to kill you after this." I hissed at him.

He just chuckled. 

Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw at palagi kong natatapakan ang mga paa ni Gab. Hindi naman siya nagagalit pero palagi lang siyang ngumunguwi. 

"Guys, sit down." Nagsiupo naman kami sa bleachers, yung iba sa sahig.

"Para sa Finals niyo, you have to present a social dance. I don't care kung anong klaseng sayaw, mapa-Rumba, waltz, cha-cha, swing or tango. Pero bibigyan ko ng extra points ang magsasayaw ng Rumba, Salsa at Tango dahil yun ang mahihirap na social dances." Napasimangot ako.

Hindi naman ako ignorante sa social dance kaya alam kong yun ang mga pinaka intimate na sayaw.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (74)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

2.

Cast

Miranda Kerras Mary Allison Clemente
Skandar Keynesas Gabriel Rodriguez
Ben Barnesas JP Rodriguez

Who's Reading

Recommended