Chapter 1 : Apple Tequilla

181 3 14
                                    

*The Girl's Pov*

"Starships.. Are meant to flyyyyyy!!!! Hands up! And touch the skkkyyy..."

Ang ganda talaga netong kantang to. Sino ba ulit kumanta neto? Si Lady Gaga?

Nandito ako sa Bar ngayon, malamang tinatry kong mag lasing. Bv nga e. Di ako malasing lasing.

"Pst! Isa pa ngang apple vodka dyan, Sir!" Pero natatakot ako mag hard drinks. Aba! Baka mawala pagkababae ko no.

"Miss, Pang lima mo yan. That's enough." Nakangiting sabi netong sir bartender na to. Syempre, May halong pagkaconcern sa boses niya. Infairness a. Gwapo siya. matangkad, maputi, matangos ilong, medyo singkit at ang pula ng lips. Basta, Papa to!

"Alam mo, sir.. uhm....." Hinahanap ko yung nametag niya pero di ko mahanap. Ano bang pangalan neto!

"Anong tinitignan mo dyan?" tanong niya habang nagpupunas ng mga baso. As usual, nakangiti pa din to.

"Yung ano kase... yung name mo." Medyo namula ako. Kase naman e! Nakakahiya kaya yun.

"What?!" Tanong niya. Bigla kasing lumakas yung music dito. 1:30 am na kasi e. E diba sa mga bar, late na nagsisimula yung ganitong todo todong party?

"I said, Where's my drink?" Iniba ko yung tanong syempre. Nakakahiya kaya. Buti nalang lumakas yung music. THANK YOU, PARTY PEOPLE!

"Oh! wait." Ngiti niya.

Ba't ba laging nakangiti to?! Weirdo a. Pero, promise talaga. Ang gwapo niya.

Nakatulala lang ako sa kanya habang nagtitimpla siya. Ewan ko ba. Namumula na yata ako.

"Hey! Here's your drink na." Inabot niya sakin yung drink ko. Nakatitig pa din ako.

"Oh and by the way, It's obvious that you're blushing. Napansin ko din na nakatulala ka sakin the whole time na nagtitimpla ako." Ngumisi siya tapos umalis na.

WOW A. FUQ YOU.

"Aba. Astig to a. Ang kapal ng mukha porke't gwapo?" Leche! Parang si Ano lang a. Si...... Gabriel. Sakit padin. Walang hiya.

.

Sa sobrang inis ko, Padabog kong binaba yung baso.

"Hoy!" Tinawag ko siya.

Saktong pagkatawag ko, Lumabas siya galing sa maliit na room. Ewan ko.

.

.

.

.

.

Teka! Bat di na nakauniform to?

Naka Vneck na gray na siya. Ang Hot!

Parang bigla akong nakalma pero tinago ko at nagpanggap na naiinis padin.

"BARTENDER! ITO NA BAYAD. AYOKO NA. UUWI NAKO!" Sabe ko sa kanya ng pasigaw

Tumingin siya sakin at lumapit.

Time to Love again (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon