Chapter Thirteen

1K 23 2
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Masaya ako kasi tumupad si Vaness sa usapan namin. Halos isang linggo nang nanliligaw sa akin si Daniel. Napakalambing niya. Palagi siyang may pasalubong na chocolates o kaya ay flowers sa akin. Syempre pa, kasama niya ang chaperon niyang si Vaness na siya lang namang umuubos ng chocolates na ibinibigay ng kuya niya. Hahaha!

"Bes, di ka kaya tumaba kakakain ng chocolates?" natatawa kong tanong.

"Ang sarap-sarap kasi e. Paborito ko kaya itong brand ng chocolates na ito," sabi niya habang sinisimot sa kanyang kamay ang natunaw na chocolates. 

Ang bespren ko talaga, mautak. Paborito niya pa talaga ang ipinabili sa kuya niya. Alam niya kasing hindi ako mahilig sa chocolates.

"Sis, bakit kasi ikaw ang kumakain nyan e. Dapat kay Eia yan," singit ni Daniel.

"Kuya, wag nang mareklamo. Sige na. Go na. Ligaw na," nakangiting sabi ni Vaness.

"Paano naman kaya ako didiskarte nito, e nandito ka," sabi ni Daniel.

"A, ganon? Istorbo ako ha?" sabay tayo at labas ng pinto.

"Bes!" tawag ko.

"Eia, hayaan mo na siya. Maya-maya wala na tampo niya," sabi ni Daniel.

Tango naman ako. Madali lang kasing suyuin ang bespren ko. Chocolates lang ang katapat. Hehehe!

"Eia, pasensya ka na ha. Kelangan pang ang kapatid ko ang mag-initiate para manligaw ako sa yo. Masyado kasing affected yon sa lovelife ko e," paliwanag niya.

"Naiintindihan ko. Kilala ko si Vaness. Kapag may ginusto yon, kelangan makuha o magawa niya."

"Eia, gaano ba katagal akong dapat manligaw sa yo?"

Natawa naman ako kay Daniel. Parang batang naghihintay na mabigyan ng kendi.

"O, bakit natatawa ka? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Wala. Parehas kasi kayong magkapatid ng ugali. Masyadong mainipin. Kelangan na ba talagang sagutin yang tanong mo?"

"Nakakahiya man sa yo, e oo sana." napapahiya niyang sabi.

"Sige, ganito na lang. Give me another week to decide. Pag sure na ako, sasabihin ko sa yo ang sagot ko."

"Okay. I'm willing to wait. Sana lang positive ang maging sagot mo."

Nginitian ko lang siya. 

OL  K  B? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon