Go With The Flow

2.1K 59 70
                                    

Gabriel stared at Ella, a dumbstruck expression on his face. "Ano bang pinagsasabi mo?"

"I love you, Gabe," inulit ni Ella ang sinabi nya kanina.

"Anong mahal mo ko? Asawa ka ng tatay ko!"

"I married him for his name and his money. Hindi ba yun obvious?"

Gabriel rubbed his hand over his face. He never thought na malalim pala ang feelings ng kanyang madrasta para sa kanya. "Bakit mo sinasabi sa akin ang mga to?"

"Akala ko rin naman na okay lang ako sa set up natin, pero yun yung akala kong walang hanggan ang set up natin! Matagal na akong may nararamdaman para sa yo. Masaya ako pag kasama kita..."

"Ella, stop!" his eyes flashed in anger.

"Hindi, Gabe. I need to be honest with you..."

"Hindi na pwede ang ginagawa natin! Asawa ka ng daddy ko..."

"...which was never a problem before!"

"I'm done talking about this."

"Gabriel!"

His cell phone suddenly rang, breaking the intense conversation between the two of them. He fished his phone out of his pocket, and his features softened when he saw the name. "Hello?"

"Hi, Gabe. Si Innah to."

"Alam ko."

"Sana hindi ako nakakaistorbo sa trabaho mo."

"No, no, your call is always welcome," he looked at Ella who looked at him with frustration written all over her pretty face. "May kailangan ka ba?"

"Wala naman. Tatanungin lang sana kita kung anong gusto mong hapunan? Ipagluluto sana kita eh, as a thank you na lang din."

He smiled at her words. He turned his swivel chair around para ang wall na ang nakikita nya at hindi si Ella. Narinig nya na lang ang malakas na pagbuntong hininga ni Ella at ang padabog nitong paglabas ng kanyang opisina. "Surprise me."

"Ganun? Sige, pork adobo na lang. Memorized ko na kasi na masarap yun eh!" Susannah giggled. "Sige, dadaan muna ako sa palengke bago ako umuwi para makabili ng kakailanganin ko."

"Ha?" Kumunot ang noo ni Gabriel. "Nasaan ka ba?"

"Lumabas lang. Medyo naiinip na kasi ako sa bahay mo eh," she lied. Ayaw nyang sabihin na binisita nya ang nobyo nya sa bilangguan.

"Sunduin na kita."

"Ano ka ba, nandito lang ako malapit sa condo mo," she bit her bottom lip.

"Umuwi ka na, magpapahatid na lang ako ng karne at kung ano pa galing dito sa resto. Umuulan pa naman ngayon, baka kung ano pa ang mangyari sa yo."

"Wow, concerned!" she teased him. "Ang swerte swerte ng magiging girlfriend mo, ang sweet mo kasi."

"Innah..."

"Pero bawas bawasan mo ha, baka mamaya masakal naman na sya sa concern mo," she giggled.

"Innah..."

"Opo, ito na po, uuwi na!" she giggled. "See you later! Promise, sasarapan ko ang pagluto ko ng pinaka best pork adobo in the whole wide world."

"Naexcite naman akong umuwi..." he said sweetly.

"Papunta na ba yung delivery boy mo? Para maumpisahan ko na ang pagluto para pag uwi mo, ready to eat na tayo."

"Ito na, sasabihan ko na ang kusina pagbaba mo ng telepono."

Stunt Gone Awry #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon