KINSE✞

528K 17.1K 31.7K
                                    

XV

She'll Kill Us All

Isko's P.O.V.

HINDI na ako sumama kina Roger at Ka Pineng sa pupuntahan nilang probinsya. 

Ayon kay Roger, doon daw lumaki sina Clarisse at Roli kaya marami akong makukuhang lead sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang mas marami pa akong makukuhang lead dito sa bahay nila kaysa don kaya pinauna ko na sila. 

Usapan namin, susunod na lang ako sa kanila.

Isa pa, alam ko naman na kung saan ang lugar iyon. Ipinaliwanag sa'kin ni Roger ang daan at tatawag-tawagan na lang daw nila ako. Sa ngayon ay narito na ako sa bahay nila kung saan nakaburol pa rin ang katawan ni Ara.

Binuksan ko ang ilaw at bumungad ang kabaong ni Ara ilang hakbang lang ang layo sa akin. Ako lang ang tao rito.

Naglakad ako palapit sa kabaong ni Ara at saka ko sinilip. Heto siya at parang natutulog lang. 

Sayang. 

Napakabata paniya para pumanaw agad.

Pagkatapos ay umakyat ulit ako sa 2nd floor. Mabuti na lang at may malaking salamin dun. Tiningnan ko kung bagay ba sa'kin itong cowboy hat na nakuha ko sa kwarto ni Mrs. Ocampo. 

Bagay nga!

Kay Maria Ocampo nga kaya talaga ito? Pagkatapos ay hinugot ko muli iyong picture nya sa bulsa ko. Sa picture na yun, sya kasi yung may hawak nito. Napaisip naman ako dun sa lumang picture ni Clarisee at ng isang babae. Sino nga kaya ang babaeng iyon? Ipinakita ko ang lumang picture na iyon kay Roger kanina. Ang sabi nya, hindi nya raw iyon kilala. Isa pa, noon nya lang daw nakita ang picture na iyon kung hindi ko pa ipinakita sa kanya.

Tumungo muli ako sa kwarto niClarisse. Balak kong hanapin iyong photo album nila. Pero wala iyon dito, hindiko nakita. So bumaba ulit ako ng bahay. Pagdating ko sa baba, lumapit ulit ako sa kabaong ni Ara.

Sinilip ko syang muli. Para lang talaga siyang natutulog. Subalit napukaw ng isang bagay sa ulunan niya ang atensyon ko.

Ano iyon?

Sinipat ko nang tingin.

Ano kaya ito? Parang...

Bangaw!

Iniangat ko ang takip ng kabaong subalit hindi iyon natinag. Nang tuluyan ko nang maiangat ang takip, doon na ito gumalaw. Nagsumiksik ito sa buhok ni Ara kaya naman pilit ko itong hinuli subalit dahan-dahan lang.Hindi ko maiwasang mapasulyan sa mukha ni Ara.

Bumaling ulit ako sa buhok niya at kinapa ko ang bangaw. Maya-maya'y nabaling ulit ang atensyon ko sa kanyang mukha.

Tapos hinanap ko ulit itong bangaw.Pero napatingin ulit ako sa mukha nya. 

Nakapikit. 

Balik ako sa paghahanap habang dahan-dahan kong isa-isang hinahawi ang hibla ng buhok ni Ara. 'Tapos sa mukha nya ulit napadako. 

Nakapikit.

Tapos sa buhok nya ulit ako napadako. 

Nakakapa ko na itong bangaw! 

Tapos sa mukha nya. 

Nakapikit

Sa buhok nya, heto at nahuli ko na itong bangaw. Napabaling ako sa mukha nya.Nakadilat.

Tapos sa buhok nya ulit ako napatingin. Kinuha ko na itong bangaw at –teka?

Bigla akong napahinto. Tama ba iyong nakita ko kanina?

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon