7

996 28 9
                                    

“Teacher, pinabibigay mo ni Sir Montello.”  Kinuhit ako ng isa sa estudyante kong babae para iabot ang Ferrero na nasa kahon niya sabay turo nito sa labas ng bintanang kahoy. Sinundan ko ng mga mata ang daliring nakaturo hanggang sa makita ko si Rich na nakapamulsa habang nakangiti.

“Thank you.” I mouthed.  Umalis na to at naiwan akong namumula ang mga mukha. Laking pasasalamat ko na wala ang mga mag-aaral dahil pisikal na edukasyon ang kanilang paksa. Ipinatong ko ang tsokolate sa ibabaw ng la mesa ko para tapusin ang ang trabahong naiwan ko.

Dalawang buwan din na hindi nagpapakita sa akin si Al o mag-abalang ihatid dito sa eskwelahan simula nung huling hinatid niya ako na nauwi din sa bangayan. Hindi nagkekwento si Mommy tungkol doon at nagtatanong sa akin, hindi din ako nagtatanong tungko sa kanya pag nakikita o nakakasaubong ko ang Mommy niya.

“Jasmin.” Hindi pa man ako nakakatapos sa aking ginagawa ay inistorbo na ako ni Mam Em-Em. Makikipagchikahan na naman to dahil wala din siyang klase dahil nasa labas ang kanyang estudyante kasama ng sa akin. “Balita ko binigyan ka daw ni Sir Montello ng Chocolate ah?”  Mabalis pa sapakpak ng  ibon talaga ang balita dito. Panigurado kalat na kalat na yon dito. Tumango ako sa kanya at ibinalik ang tingin ko sa papel habang konokompyut ang mga grado ng estudyante ko.

Malapit nang matapos ang first grading kaya agad ko nang ginagawa ang mga grades para hindi ako magahol sa oras, sa oras na kuhanan na ng Card at imimeeting ko rin ang mga Magulang dahil may ibang mahihina sa klase at tamad mag-aral kahit anong disiplinang gawin ko. May iba kasi na pagdating sa bahay ay kinakalimutan na ang takdang aralin o magrebyu dahil mas pinipili ang paglalaro.

“Gumagawa ka na agad ng grades? Sipag mo naman. Nanliligaw ba sayo si Sir?”Napatigil ako. Tumingala ako sa babaeng nasa desk habang nakaupo at nakapangalumbaba. Aaminin ko na may Crush ako kay Sir pero hindi dahil don nagpapaligaw na ako? Hindi din naman alam ni Sir ang tungkol doon at itinatago ko sa kanila o kahit sino pa man na Crush ko siya bukod lang sa mga Baka na minsan mahuli nila akong tinitignan ang profile ni Rich sa Facebook.

“Hindi no. Bakit mo naman nasabi yan?”  Ngumisi siya. “Dahil ikaw langa ng binigyan niya ng Chocolate ngayon kahit ako wala. TANGING IKAW LANG.” diin niya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinasabi niya pero isa lang for sure ang naiintindihan ko. KINIKILIG AKO.  

Hindi ko naman inaasahan o iniisip na magkakaroon ako ng inspirasyon dito sa school dahil sa pagkakaalam ko konti lang ang lalaking straight at gustong maging guro ng mga batang makukulit na walang kamuwang-muwang sa mundong ito. Sa mga classmate ko ay ni isa man wala puro mga bakla magkaroon man ay mga teacher ng High School at hindi Elementary at isa na doon si Sir Montello na mas piniling magturo dito kesa sundin ang kagustuhan ng mga magulang na kumuha ito ng kursong Biology. Mahilig si Sir Montello sa mga bata at isa yon sa hinahangaan ko dahil pili nalang ang mga lalaking katulad niya.

“Sa tingin mo, if ever na kausapin ka ni Sir Montello na gusto kanyang ligawan. Anong magiging sagot mo?” Napaisip ako doon pero ayokong mag expect na may mangyayari na ganoon baka mamaya mafall ako pero wala paang sasalo tanging ang sahig lang na malamig masakit yon. Kung sakaling ligawan niya ako o gusto niya akong ligawan anong isasagot ko?

Kinapa ko ang sariling damdamin ko, masaya ako pag nakikita siya lalo na ang Killer smile niya at kinikilig din ako pag nagiging gentlemen ito pero nagugustuhan ko na ba siya? Single naman ako at matagal-tagal na rin yon since third year college ako so wala namang masama kung pumasok ako sa isang relasyon ulit? Seryosong relasyon. “Hindi ko alam. Hindi ako nag-iisip ng ganon dahil ang nasa utak ko lang ang magtrabaho at mag-ipon para makapagtravel ako around the world.” Sagot ko sa kanya.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon