IHYS (Chapter 36: I do hate you)

11.7K 582 325
                                    

MELODY'S POV

"Huy kapatid,ano nangyari sayo?" tanong ko kay Yannie.Para naman kasing nakakita ng multo eh. Nanlaki bigla yung mata tapos parang

"Ah wa-wala,don't mind me. Natuwa lang ako kay Elie at Kairie. Ang galing kasi nila. Ayon,ang galing nila. hehe." ngumiti sya sa akin ng pilit at saka umupo ulit. Hay nako si kapatid,kung ano ano nanaman ang ini isip.

Nagpalakpakan kami sa pagtapos ng performance nila Elie at Kairie.Grabe kahit yung mga professors sa gilid,mga kinikilig din!.Sobrang sweet nila sa stage. Mahahalata mong may something talaga sa kanila.

Maya maya umakyat sa stage si Dean at nagsalita about sa celebration ng CBA week at pati kung ano ano tungkol sa college. Syempre lahat ng faculty members ay present at umakyat din doon sa stage. Pwera lang yung isa . Kung sino pa pinaka gwapo at pinaka masungit,siya pa wala.Kainis talaga.

After magsalita ng mga faculty staff at ni Dean,may ilang mga block sections lang ang nag perform.

"Okay, thank you for that wonderful performance BSA3A. Now for the highlight of this event. Music please? Enjoy everyone! Enjoy the rest of the evening" sumenyas na yung emcee sa nag-aayos ng sounds at saka tumugtog ang isang love song.

And as expected nag-unahan na sa pagtayo ang mga boys para ayain ang mga partners nila upang sumayaw. Inaya agad ni Elie si Kairie. Sumunod naman sila Cheska at Daryl at pagkatapos nila ay si Yannie at Sean na. Si Lay kasi umalis daw sandali kaya biglang nawala.

At ako?nagtanong pa kayo. Malamang loner ako. Nandito lang ako sa table habang tinitignan yung mga kaibigan kong nagsasayaw ‘dun sa gitna.

Napabuntong hininga nalang ako at saka ngumiti para sa mga kaibigan ako. Masaya ako kasi alam ko lahat sila ngayon,masaya. Masaya kasi nahanap na nila yung mga taong mamahalin nila.

Pero sa loob loob ko...kung nandito lang sana siya. Kahit na ako pa mismo ang mag aya sa kanya, gagawin ko! Kakapalan ko ang mukha ko para lang maka sayaw siya.

Ang kaso wala eh. Di man lang nya ako binigyan ng chance makita sya ngayon

"Miss?Hi! By the way, I’m David.. Wala kang kasayaw?" isang lalaki ang lumapit sa akin at inilahad ang kanang kamay niya.David! David! Aba eh Kuya hindi ko po tinatanong!

Nang aasar siya eh!Malamang wala! Kaya nga nakaupo ako dito eh.

Hindi ko siya sinagot at kinuha nalang yung phone ko dun sa pouch ko para kunwari nagtetext ako.

"Miss di nga?Do you want to dance?para naman hindi ka mag isa dito" at talagang naupo pa si Kuyang David daw dito sa tabi ko.Naaasar na ako ha! Wala na nga yung gusto ko maka sayaw at makita nangungulit pa siya. Todo ngiti pa siya sa akin. Huh! Di yan e-effect!

"Excuse me, you are bothering my date. Can’t you see that she doesn’t want to talk to you? You can leave now."

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang boses na yun.

Tumingin ako kung saan nanggaling yung boses nung lalaking nagsalita. Hell be damned,pero di ako pupwedeng magkamali.

Kahit na naka mask siya. Kahit na yung matangos na ilong at mapula niyang labi ang nakikita ko.  Kahit hindi siya magpakilala, tindig palang niya. Lalo na ang boses niya, alam kong siya yun.

"So- sorry Miss.sige una na ako akala ko kasi mag isa ka lang" saw akas ay umalis yung David sa tabi ko na para bang natakot.

Ngayon, eto, kaming dalawa naman ang nagkatinginan. Para bang nagpapakiramdaman kung sino ang unang dapat magsalita. Kung sino yung unang gagalaw at gagawa ng move.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IHYS (Chapter 36: I do hate you)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon