Eksena IV: It's hard to look right, at you baby..

278 1 2
                                    

-Chelly's POV-

[Video Skyping with Honey]

"Ramdam ko talaga friend, sya na ang Prince charming ko" sabay abot tenga ang ngiti ko

"Pano mo nasabi gurl?Explain mo nga.May mga signs & premonitions na ba?"

"Wala pa pero hinalikan nya nako sa pisngi e, as in dito sa pisngi tapos tinext nya ako kanina.Grabe talaga friend!"

"Si Marcus?hinalikan ka na agad? Tapos si Kenzo 0 out of 10 parin?Teka naguguluhan ako.Sino ba talaga?!" magulong tanong sakin ni Honey

"Ewan ko friend. Si Kenzo kasi accidentally kong nakilala sa airport.Tapos sya yung naging tour guide ko dito sa Japan. Kaso ang sabi nya wala pa daw sa isip nya yung mga relationship kasi nga may bitter ocampo experience sya blast from the past..."

"O, purket ba may bitter ocampo experience sya blast from the past cannot be na?!gaga! o tapos?"

"Tapos si Marcus naman accidentally ko rin nakilala nung time na hinablot cellphone ko. Tapos nag firstmove na sya."

"So?! Malay mo bang planado naman yung hablutan na yun. Chikka lang yun gurl!Tsaka purket nag first move, sya na agad yung prince charmming mo?! Walang pinagkaiba yan sa mga lalake dito sa Pinas.Tsaka gurl, hindi ka na talaga natuto?! onting lambing, onting bola gora ka na agad?Syota mo na agad?!BOBA!Magisip isip ka nga gurl"

"So?aung gagawin ko?! naguguluhan nako!" sabay hawak ko sa buhok ko na para akong loka loka.

"Anung gagawin mo?e di magfocus ka!"

"Kanino?" tanong ko kay Honey

"Anu bang pinunta mo jan?magfocus ka sa seminar at trabaho mo gaga! Anung sino?"

"I mean sino ba talaga ang pipiliin ko sa dalawa?"

"Bakit ka mamimili? Ginagawan mo lang ng problema yung sarili mo friend. Wag kang assuming!" mga salita talaga ni Honey, minsan walang sense pero sa ngayon parang tagos sa 5 senses ko. Pero tama sya, bakit ako mamimili? e wala namang umaaaming may gusto sila sakin. Tsaka si Kenzo napakaimposibleng ma-inlove yun.Si Marcus naman, hindi ko kakilala pero parang may something sa kanya.My gosh! nakakaloka talaga.

-Kenzo's POV-

Ala una na pero hindi parin ako makatulog. Paulit ulit nagre-replay sa isip ko yung nangyari kanina.Kung pano at bakit biglang ganun. Bwakanang buwaya talaga! Kung nagseselos ako, ibig sabihin ba nito...inlove ako? Pero pano ako maiinlove sa isang taong hindi ko naman lubos na kakilala?Pano ako maiinlove sa isang taong sa airport ko lang nakilala?Pano mangyayari yun?! Tena! sa panahon ngayon, masarap kausap si Badz.Asan na ba yung cellphone ko ng matawagan si Badz. Himala, may tumawag sakin.

[8 missed call]

- (2) Joboy

- (6) Mitch the witch

[3 messages]

- Keiko: [Kuya, kumain nako.yung bilin ko sayo wag mong kalimutan.Miss you]

- Joboy: [Boss, pasend lang po ako files ni Sir Paul.Thanks]

Double send lang si Keiko. Kala ko naman kung anu na. Ilang araw ko palang kakilala si Mitch bakit ba ganun agad nararamdaman ko? Bahala na nga sya sa buhay nya.Anjan naman yung Mrcus para alagaan sya. Gudluck nalang sa kanilang dalawa.

{After 3 days}

Tatlong araw ko ng hindi nakakausap o nakikita si Mitch.Ni hindi ko alam kung anung nangyari sa kanya.Siguro nageenjoy yun kasama yung Marcus na yun. Hanggang ngayon hindi parin ako maka-move on sa nangyari. Kahit sabihin kong wala o ok lang ako, sa loob loob ko may kirot parin. Hayss! makapag ikot ikot nalang nga muna.

By Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon