CHAPTER 2: The Encounter

50 0 0
                                    

CHAPTER 2: The Encounter

Hyacinth POV

“Ahh… ahh… ahh.. yes. Ahh-yeaahhh…”

“Pakshet! Yung totoo, may taga-tira ba jan sa kabilang kama? Bakit umaatungal at parang di maka-ere yang babae jan?” Reklamo ko sa nagmamasahe sa amin.

Andito lang naman kami sa isang spa na meron na ding massage parlor.

Ang nakakainis nga lang, itong babae na nasa katabing kama namin na ang pagitan lang ay itim at makapal na kurtina na sumsayad sa sahig, sobrang ingay.

“Oie. Relax lang jan Mare. Ang puso mo.” Puna sa akin ni Bella. Best of best friend ko yan. May anim pa akong ibang best friends pero siya ang pinaka-close sa akin.

“Bakit? Ini-enjoy mo ba siyang background music?”

“Hindi noh. nakakairita din kaya. Baka nag-eenjoy lang din talaga siya sa pagkakamasahe sa kanya.”

“Pero sana naman hindi siya ganyan kaingay na aakalain mong may kaanuhan na siya. Ate pakisabihan nga ang manager nyo na patahimikin yan kung hindi ipapasara ko tong Spa niyo.”

Dali-dali namang umalis ang nagmamasahe sa akin matapos yumukod.

“Hindi ako masama, iniisip ko lang ang--”

“Ahh.. ahh.. ahh.. yes… more.”

“-ang ang reputasyon ng linsyak na spa na’to. Kainis! Pati pag-uusap natin naiistorbo na.” Tumayo na ako dahil nawalan na ako ng ganang magpamasahe. Bwes!t!

“Aalis na ako.Hindi ko inisip na ganito ko gagamitin ang huling araw ko bilang isang Hyacinth Jane Huembert, maganda, sexy, matalino, maraming naghahabol at higit sa lahat fashionista.”

Bakit ko ba nasabing huling araw ko na’to?

Simply because for my seventeen years of existence, sa unang pagkakataon natalo ako sa isang malaking pustahan.

What’s at stake? Me and my personality. Kung matatalo ako, for one whole year, magpapakamanang ako, as in Miss Nerdie talaga ang peg ko at magsisimula na yun bukas.

Ano yung pinagpustahan? Well, it was a race between to snails. Snails na nakita naming dalawa ni Topaz, one of the girls, sa garden na tinitirhan namin sa States noon. Dahil sa walang magawa, napag-disisyonan naming mag-race ang dalawang pobreng snails.

Yun nga, natalo ang sa akin kaya gagawin ko ang consequence.

Pagkabilis ko, dinaanan  ko muna si Bella sa kinahihigaan niya.

“Hoy Bruha, alis na ako, magliliwaliw na muna ako ha.” Tumango lang siya. Hindi ko na din nariring ang ngawa ng nasa kabilang kama. Buti naman.

My Woman That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon