A/N:
Sorry sa delay ng update. Hindi na ako nakapagcomputer kahapon dahil may pinuntahan akong party at kaninang umaga lang ako nakauwi! Tapos umalis pa ako kaya di ko na talaga natype ng buo! Pero ngayon okay na. :)
BTW, Nameet ko na si Ate Aly // sweetrax. :"> Hihi. SAYANG LANG DI KO NAKITA UNG KAPATID NIYA NA CRUSH KO! </3 /ledies!
Pero ayun, fun day with Ate Aly, Yanyan and Seeyara! Salamat din sa treat Ate Aly. >:D<
**
CHAPTER 5: WIPE YOUR EYES.
The moment he left the room, gusto ko siyang barilin gamit ang shot gun! Humirit ba naman kasi ng ganun?!
Sinundan ko na siya hanggang dining area. Nakaset na yung table. Nakita ko din si Mang Jun at Jessie sa may kusina, kumakain. Anong oras na ba?! Parang lampas na ang lunch time ah?
"Manang Rosa, ano pong pagkain?" Magalang na tanong ni Terrence.
Nginitian siya ni Manang Rosa bago sumagot. "Sinigang iho. Kumain na kayo."
Hinila niya ako papuntang table, holding hands, at hinainan na kami ni Manang Rosa. Tahimik lang kaming nakain hanggang sa kinausap na niya ako.
"San mo gustong magpunta?"
"Talagang ako tatanungin mo? Bahala ka. Eh hinila mo lang naman ako dito noh!" Sagot ko sa kanya.
Then he smirked at me. "Sabi mo yan ah. --,)"
I rolled my eyes on him. Kung ano man ang balak niya, as if may epekto sa akin. Wala nga ba?
Nang matapos kami eh bigla ba naman akong iniwan sa dining area! Anong problema non?
Dumiretso na ako sa kwarto ko dito. Aba dapat lang na may kwarto ako dito, bestfriend ako nung may-ari eh!
5:00pm palang. Ang tagal ng oras! Gusto kong gumala, wala naman akong mapuntahan. At wala pa din akong balak gawin. Masyado naman kasing biglaan kung magyaya 'tong si Terrence. Nakakuha lang ng bakasyon sa varsity, bigla ba naman akong hinila paalis ng Maynila!
Tinopak na naman yan eh. -_-
Itinulog ko nalang ang pagkabored ko. Wala na sa mood ang katawan kong kumilos eh. Yung kasama ko naman kasi nawala bigla!
--
TERRENCE'S POV
Matapos kumain, nagpunta ako sa veranda ng kwarto ko. Iniwan ko na muna si Ciara at hindi ako makapagisip ng ayos.
Wala naman talaga akong bakasyon sa varsity eh. Tumakas lang ako sa one week practice kasi ayokong munang makita si Kim.
Punyeta, ang sakit pa din.
One week na din pala simula ng makipagbreak siya sa akin. Punyeta talaga.
Hanggang ngayon, I can picture her face. I can see hurt, frustration, sadness and pain. She really did break up with me.
Matatanggap ko naman. I have my mistakes sa relationship namin. I wasn't able to have so much time for her kasi busy nga ako sa varsity, but I tried, really tried.
Okay na sana eh. Ang kaso, kasama pa ung gagong lalaking yon. Putcha talaga. Sarap bangasan sa mukha eh. Kung wala lang ung rumorondang guard dun eh naupakan ko na ung kasama na lalaki niya eh.
Napasuntok nalang ako bigla dun sa bakod ng veranda namin. Nakakainit talaga ng ulo.
--
FLASHBACK
"Terrence.."
"Oh Kim, baby, bakit?" I was surprised to see her here. Usually kasi nasa grounds sila para magpractice ng cheer dance.
I quickly kissed her on the lips, kaso bigla siyang umiwas. Di ko nalang pinansin, baka mainit lang ulo. I continue fixing my things when she spoke again.
"We--I need to talk to you." She said. At may napansin akong tao na papasok ng gym.
"Ano yun?" I asked, still fixing my gym bag.
"Ayoko na." She said. And I froze on my position. What does she mean by that?
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Terrence Romeo | as Terrence |
| Ciara Garcia | as Ciara |
| RR Garcia | as RR |
| Russell Escoto | as Russell |
| Mark Brian Bautista | as Brian |