Chapter Sixty Four- Mad Fall Guy

500K 9.4K 2.1K
                                    

BASA MUNA BAGO BOTO.

 

Let’s rewind a bit…

 

CHAPTER LIV- SILVER is back

 

Naalimpungatan ako. Masakit sa ulo pero pero nakahinga ako ng maluwag. Nakita ko kasing madilim pa sa labas. May panahon pa naman siguro ako para lumabas ng bahay nila Zylie.

“Hmmm.” Narinig kong sabi ni Zylie ng gumalaw ako paalis ng kama.

:)

Mula sa malamlam na ilaw sa labas, aninag yung mukha niya. Kyot talaga.  Akala ko nagising na siya, pero mukhang nananaginip lang ang pancake ko. Hindi ko talaga ine-expect na makakatulog ako ng mahimbing. Akala ko mahihirapan akong matulog dahil katabi ko siya. Pero dala na rin ng pagod, nakakapagsising natulog ako.

“…ver” nagsalita na naman siya.

“Hwag mong sabihing, you’re even dreaming of me…” bulong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya naman ako naririnig.

Stupid me. Dapat nga ay hindi ko na siya gigisingin. Baka hindi pa ako makaalis ng mabilis dito kung magigising siya. Ano bang ginagawa ko at kumakausap ako ng tulog? Mukha kasing masaya siya sa panaginip niya eh.

*chu*

I pecked at her cheek. Kailangan ko na kasing magmadali. Hindi ko nga alam kung may gising pa sa baba. O kung may tao man doon na nagaabang. I composed myself. Inayos ko din ang mga lukot ng damit ko. First time ko yatang matulog na hindi nagpapalit. Hinanap ko rin kung nasaan ang shoes ko.

Nung ready na ako para bumaba. Nilingon ko si Zylie na natutulog pa rin ng mahimbing.

“Bye…” pinihit ko na ang doorknob.

Pero hindi pa ako hustong nakakalabas. Di ko natiis at pumasok ulit ako.

“You know what? Maybe I’m crazy… Really crazy…” dumukwang ako para mahalikan siya sa labi. Isa akong mapansamantalang nilalang na humahalik sa isang natutulog na bilog.

*chu*

Baliw na nga talaga ako. Ako na ang hindi makatiis. Kaya siguro may kung anong pwersa ang nagpatulog sa akin kagabi, dahil baka puro ganun na lang ang gawin ko. And I swear, hinding-hindi ako magsasawa.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon