MGD 24 - Clash of Bitches

213K 5.8K 839
                                    

Sorry, napatagal. Kasi naman, busy yung kagwapuhan ko. Ahem! Haha kidding :)

Busy lang talaga!
*****

MGD 24 — Clash of Bitches

Siguro dala na rin ng pressure ay madaling napasagot ni Carl si Steph ng 'Yes'. Oo, agad agad n'yang sinagot si Carl, that moment when Carl kneeled down in front of her. Well, hindi ko rin naman s'ya masisisi dahil kahit anong tanggi ay mahal n'ya pa rin ito. Same as mine, mas madaling magpatawad kung mahalaga talaga sa'yo yung isang tao.

Actually, hindi rin naman ako nabother kung magpinsan sila or whatever. Si Rizal nga ay nainlove sa kanyang pinsan na si Leonor Rivera, sila pa kaya?

Tutal, magaling naman akong kaibigan ay hindi ko na rin inusisa ang tungkol sa bagay na iyon. Malalaki na sila para pakialaman ko pa. 

Moral lesson of the story, magpabackground check muna bago sagutin ang nanliligaw. Ipatrace ang family tree kung kinakailangan. Hay, buti ako safe.

Anyways, isang araw na ang nakalipas tungkol sa breathtaking na scene ni Carl at Stephanie. Actually, nakasira na nga ako ng isang tv dahil nakakasawa na ang mga pinapalabas sa tv, err, puro about sa kanila. Naging instant celebrity ang magaling kong best friend. Scratch that, best friend ko rin pala si Carl.

"Ouch!" I hissed noong masundot ang gilid ng kuko ko. Tiningnan ko ng masama ang manikurista sa harap ko.

"Sorry po Ma'am.." paumanhin n'ya. Napatango na lang ako. Gusto ko sana s'yang barahin dahil sa sinabi n'ya kaso ewan ko ba, bumabait na ata ako? Omyghad, dapat na ba akong mabother dahil dito?

"Anyways Beatriz, ano bang gagawin ko ngayon?" tanong ko sa bagong manager ko. Inayos n'ya muna ang salamin n'ya sa mata at binuklat ang mga folders na hawak n'ya.

Si Beatriz ay mas matanda lang sa akin ng 3 years kaya palagay na rin ang loob ko sa kanya. She's good, parang tropa ko lang.

"May taping ka ngayon.." napataas ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya.

"What do you mean? Baka kamo photo shoot? Do you know the difference between taping and photo shoot? Duh!" I rolled my eyes at her.

Hindi ko naman masisisi na irapan s'ya, ang pagkakaalam ko supermodel ako at hindi artista. Pero pwede rin naman na maging artista kung gugustuhin. Isa pa, nagkaroon na rin naman ako ng ilang acting workshop sa Paris, so siguro, ayos lang naman na maging artista.

"I know that, pero taping talaga Trish. You only need to do is to memorize this script at maya maya ay pupunta na tayo sa set." paliwanag n'ya. Halos hindi ako makapaniwala dahil sa sinabi n'ya, ano ito? Agad agad? Ganon?

Hindi pa ako nakakarecover sa pinagsasabi n'ya ay inabot n'ya kaagad sa akin ang isang script, oo nakafolder s'ya at kitang kita ko sa first page ang title ng movie. Well, sige. Lets give it a try, tutal magaling naman ako.

"Wait, ano yung pinirmahan ko noong isang araw?" tanong ko.

"Para nga sa movie.  Hays, trust me. Kaya mo 'yan, ikaw pa ba?" pambobola n'ya.

Habang patagal ng patagal ay natutuyo ang utak ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Halos, dalawang oras ko rin binasa ang napakakapal na script. Well, dapat maging prepared. Madali lang naman s'yang sauluhin dahil matalino ako. Wala naman akong problema sa pagsasaulo noong nag-aaral pa ako.

Noong natapos ko na ang basahin ay iginaya ako ni Beatriz sa loob ng kotse at nagdrive na ang loyal na driver n'ya.

"Wait, anong name ng leading man?" tanong ko. Kasi naman sa labas ng mga litanya ko sa pelikula, ako ang lumalabas na kontrabida. Isa pa, Mathew ang name ng bidang lalaki sa script. So ang pinagtataka ko ay kung sino ang leading man na pinag-aagawan namin? It really bother me.

"Terrence Sy." my heart beat skipped for a while. The f?

"What the hell? Hangang sa movie? Hambog pa rin ang labas n'ya? Goodness gracious, Beatriz!" nasapo ko ang sintido ko dahil sa nalaman ko.

"Watch your words, Trish. Mabait naman si Terrence." ano raw?

"You don't know him!" ako kilalang kilala ko s'ya.

"Kilala ko s'ya. I met him before and he is good guy. Trust me.."

"Kanina ka pa sa trust me ng trust me na 'yan. Isa pa Beatriz, pinapasakit mo lalo ang ulo ko."

"Don't worry. Everything will be fine.." inirapan ko lang s'ya at tumahimik na lang sa isang tabi. Tutal, wala namang magagawa ang pagrrant ko dito.

***

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami kaagad sa set. Ang unang scene ay mangyayari sa isang restaurant, yeah a fancy one.

Scratch that, dito unang mangyayari ang pagmamaldita ko. Woah, I love it. Sino kaya ang bidang babae? I can't wait.

Pagkarating namin sa loob ay nagkalat ang mga crew. Lahat sila ay kapwa abala. Iba iba ang ginagawa nila: may nag-aayos ng ilaw, may nag-aayos ng camera, mga make-up artist na aligaga sa pagpapaganda ng mga panget, at kung sino sino pa.

Pinaupo ako ni Beatriz sa isang upuan. Syempre, kapag maganda. Maganda rin ang upuan, dapat VIP ang treatment sa akin dito since hindi ako gaanong prepared. Isa pa, mukhang ako lang ang maganda rito.

Namataan ko ang isang bagyo na papalapit sa akin, nakasuot s'ya ng tuxedo. Oo kasi naman, ang unang scene sa movie ay, kakatapos lang mangyari ang isang party. At niyaya ng bidang babae ang kontrabidang babae, which is ako, na mag-usap privately sa isang restaurant. Tapos nag-usap kami doon hangga't sinampal ko s'ya ng isang beses dahil sinabihan n'ya ako na ang landi ko. Inagaw ko raw sa kanya boyfriend n'ya, which is si Mathew/Terrence. Pero ayon sa nabasa ko, ako pala talaga ang mahal ni Mathew at hindi ang bida.

"Hi babylove." greet n'ya at hinalikan ako sa pisngi since may dalawang make-up artist at isang stylist dito sa lugar ko. Mas nauna pa silang kiligin kasi sa akin. Mga leche na 'to.

"So ikaw pala ang bwisit na bidang lalaki. At huwow lang, pinag-aagawan ka pala namin? Anong feeling naman? Sino ba ang leading lady?" tanong ko. Wala talaga akong kaalam alam dito.

Napakamot s'ya sa batok n'ya at nag-iwas ng tingin, "What?" tanong ko.

"Ah—eh.." ipinikit ko ng mariin ang mata ko. Mukhang may problema na naman ang tukmol na 'to. Kilalang kilala ko na s'ya kapag may problema.

"Late na ba ako direk?" naagaw ang atensyon ko ng babaeng kararating lang. Hapit ang suot n'ya which shows her curves, she is wearing a red fitted dress na above the knee at binagayan ng isang necklace na may malalaking bato, ruby gem I think. Straight ang buhok n'ya na umaabot hanggang gitna ng likod n'ya. She is stunning, I'm impressed.

"So s'ya pala? Kaya hindi ka pala makapagsalita jan?" tinaasan ko lang s'ya ng kilay at inirapan.

Great, the bitch is back, it's Quencess Aruta.

******

Note: Who's ready for the next update?

Comment lang sapat na, tsaka votes pala. Hehehe :3

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon