Chapter Thirty Two

273K 3.1K 754
                                    

                                                                       

Nakatingin lang si Noneen sa cellphone niya. Err, ano nanaman ba ngayon ha? Bakit naman biglang napatawag to? Sasagutin ba niya o ano? Teka, ang gulo ng isip niya. Bakit ba ang dami niyang iniisip dati naman sinasagot lang niya pag tumatawag tong gurang na to ha.



Ehhh kase.



"Hoy gerlalu di mo ba sasagutin yan?" Tanong ni Rhian. Napalingon naman si Noneen sa kaibigan tsaka ngumiti ng pilit. 



“Ah..eh kasi ano eh…hehe..” Napatingin ulit siya sa cellphone niya. Ano ba sasagutin ba nya to o ano?! Iniiwasan nga niya yung tao deba?



“Sino ba yan ha? At ang tagal mong mag think tank bago make answer sa payphone teh!” Tanong ni Rhian sa kaibigan. Pilit naman ngumiti si Noneen tsaka tumingin sa kaibigan na para bang nagaalangan pa kung sasabihin o hindi. Paano naman kasi baka magtititili tong bruhang to eh. Eskandalong malupet nanaman silang dalawa sa Mcdo. Parang last year lang, kumain sila sa Mcdo dahil crush ni Rhian yung isang waiter nasaktuhan naman nila nagcashier yung crush ni Rhian tas wag nyo nang alamin ang mga kasunod na pangyayari.



“Eh..s-si ano..si..Lawrence?” Parang di siguradong sagot ni Noneen. Sakto naman na magrereact na sana si Rhian at bubuka na ang bibig nito ng tinakpan niya ito.



“Hephep, wag kang titili bakla ka.” Sabi ni Noneen. Tumango naman si Rhian tsaka inalis ni Noneen ang kamay nya.



“Ano pang ginagawa mo gerlalu! Sagutin mo na bili!!! Iiiiiiiiih!” Ngiting ngiting sabi ni Rhian. Napalunok lang si Noneen tsaka pinindot ang answer button. Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.



“He—“



“Uwi na. Bili.” Narinig nyang sabi ni Lawrence. Sasagot na sana siya ng biglang nag end ang call. Napatingin siya sa cellphone niya. What the ef? So ano yun? Wala man lang bang hello? Asan ka? Uwi agad? Langya talaga no pag gurang. Wait, uwi na bili? Bakit? Wag mong sabihin.



Oh shit.



Napailing naman siya tsaka tinago ang cellphone sa bulsa. Humarap siya sa kaibigan.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon