CHAPTER 32 (Is he really worth everything?)

4.6K 69 0
                                    

“That was indeed amazing, Andrei.” I kissed him on top of his forehead habang nakapulupot ang mga braso niya sa akin, na parang ayaw niya ako pauwiin. Ang higpit ng yakap niya kaya naman hindi ako makapagdamit. He is really naughty that’s why I love him more. I love his playful side… actually I love all of his side kahit na marami pa ‘yon.

I just love him, that’s all.

“Ayokong umuwi ka, please dito ka na lang. Please.” Nagpapacute pa siya sa akin.

“Hindi pwede dahil si dad alam niyang uuwi ako ngayon. Umaga na kaya, atsaka may pasok tayo bukas. Please, I need to go home.” Pinisil ko ang pisngi niya at napangiwi siya sa sakit kaya naman nabitawan niya ako at nagsimula na akong magdamit. Nakasimangot siyang nakaharap sa akin. Juice colored ayoko naman sanang umalis, kaso baka mamaya magpabuntis na ako sa ganyang kagwapong nilalang.

“Grabe, akala ko mahal mo ako? Iiwan mo na naman ako niyan eh.”

“Hindi naman kita iiwanan. Uuwi lang naman ako. We’ll be together eventually, Andrei. Alam mo namang tinanggap ko na ang proposal mo. I’ll marry you, but for the mean time I need to go home. You still need to meet my parents.”

“Okay. I’ll meet them tonight.” Sabi pa niya.

“May duty si dad eh, kasi daw short ngayon sa doctors. Maybe tomorrow night. I’ll text you kung okay ba bukas.” Kita kong nagtatampo siya sa akin. Nagtatampo ang gwapong lalaki na nasa harapan ko. He pouted.

“Ayaw mo naman yata akong ipakilala sa parents mo. Nahihiya ka ba sa akin, or galit sila sa akin? I understand kung galit sila. After all, malaki ang kasalanan ko sayo.” I caressed his face kasi mukhang nalungkot siya. I hate seeing him sad.

“Hindi kita kinakahiya, and hindi sila galit. Hindi ka man sila masyadong boto sayo, but still they will learn to like you because I love you. I love you, okay?”

He nodded and smiled at me.

“Sige, I’ll try winning their hearts. Promise me, ‘di ka aalis.” I kissed him on top of his forehead at niyakap niya ako ng mahigpit.

“’Di ako aalis, Andrei. Baka ikaw nga dyan ang mang-iwan eh. Ayokong iwanan mo ako.”

“Ako?! Vickie, sobrang mahal kita. Sobra-sobra na nga eh, kaya promise me that you’ll marry in one month. Ayoko na patagalin. Gusto ko dun na tayong dalawa sa bahay na binili ko. I bought a house for our family. Gusto ko ikaw ang nandun.” Naluha ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ang swerte-swerte ko, kasi kahit na nasaktan ako makakaramdam pa pala ako ng ganitong saya.

“God, I love you so much Andrei.” Maluha-luha kong sabi. Pinunasan niya ang luha ko habang yakap-yakap ako habang nakaupo kami sa kama.

“I love you so much as well, Vickie.” Niyakap ko siya habang naiiyak. Sino bang mag-aakala na mahahanap ko pa pala ang forever na sabi ng iba eh kalokohan lang daw. He made believe into a forever of madness, sadness, and happiness.

“Wag ka na nga umiyak, tara hahatid kita sa inyo.” Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

“Nope, ako na. Mabinat ka mamaya niyan eh. Ayokong may sakit ka, kasi nalulungkot ako.” Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan niya ako sa pisngi. Ngumiti siya at tinulungan akong ligpitin ang damit ko. Nagsuot na ako ng dress at siya na ang nagzipper kasi hindi ko maabot. Nagpaalam na ako sa kanya para naman makapagpahinga na siya.

I drove from his home to ours, kaso sobrang traffic. Hindi ko ma-imagine na ganito nap ala kalala ang traffic sa Pilipinas. Isa pa sa nakakainis eh yung mga bus na akala mo may drifting competition kung magmaneho. It actually scares me quite a bit every time I drive, kaso wala naman ako choice. Delikado magcommute dahil sa mga hold-up at mga rapist. Mahal din naman maghire ng driver.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon