024. Not Her

1.5K 48 11
                                    

Ano ka ba Maribel bakit ka umiiyak!

Hindi ito tama.

Pinahid ko agad ang luha ko.

Sino kaya si Penelope ? Is she King’s fiancée? Girlfriend? Flirtmate?

Wala ka namang pakialam Maribel eh!

They need to talk nga diba? Pinaalis ka nga diba? Sino kaba sa kanya?

Isang hamak na estudyante ka lang naman dito sa academy…

Hinanap ko ang remote control at binuksan ang TV kailangan kong malibang.

News report ang naabutan ko sa TV.

Ibinalita doon ang ibat ibang sakit na nagbabantang pumasok ngayon sa Pilipinas.

Pagkatapos naman nito ay ang iba’t –ibang mga krimen na naganap sa Maynila.

Tumayo ako at saglit na kumuha ng tubig sa refrigerator.

Umiinom ako ng tubig nang makita kong pamilyar ang nasa TV.

Nasa showbiz section na pala at nakikita ko sa screen ang babaeng kasama ni King kanina.

Bumara ang tubig sa bibig ko at napaubo-ubo ako.

Kung kelan ko iniiwasang maalala saka pa tila inaasar ako ng tadhana.

>>>>>>>>NEWSFLASH<<<<<<<<<<

Penelope Lim, magbabakasyon ng dalawang lingo?- She confirmed yesterday that she will not be attending her shows for a while because of a very important event that came up. She apologized to her fans na umaga palang ay nakaabang na sa studio ng abs-cbn para lang makita at suportahan sya. She said: “ Ill come back soon, Ill just have to see a very important person. “

>>>>>>>end of Newsflash<<<<<<<<<

 

Sinarado ko na agad ang TV.

“ Hanggang dito ba naman nakikita ko parin ang mukha nya! Urrrgg!” Marahas akong umupo sa kama.

Si King kaya ang sinasabi nyang napakaimportanteng tao para sa kanya?

Naghanda na ulit akong pumasok sa susunod na klase ko.

Salamat naman isa nalang sa araw na ito…medyo gusto ko naring matulog.

It felt a year.

Napatalon ako nang marinig ko na naman ang pager ng school.

&quot;Players Academy&quot;  COMPLETED❤ ( editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon