Chapter 33. [Reasons]

290K 5.3K 1.1K
                                    

New cover pala. Pwede ko pa rin yang palitan :) Yung sa mga nanghihingi po ng permission na gawan ng cover ang MGH. Sige lang po. Go for the gold. :)

Pakisapuso po lahat ng malalaman niyo. Okay? Thank you...

-------------------------------------

HANNAH'S POV

THIRD DAY

I woke up with my head in a blur.

Pagkadilat ko, wala si Dylan sa tabi ko. Huh? Napatingin ako sa kamay ko. May traces nung handcuffs pero wala na yung handcuffs. Pinakawalan na siguro kami kaya wala na rin siya. Bakit nga naman siya tatabi sakin?

Tumayo na ako at nag-unat. Tinignan ko yung mukha ko sa mirror. Sabog pala ako. (_ _)

Nagdecide na kong maligo, tapos nagbihis ng simpleng white shirt at jeans. Pagkababa ko at pagkalabas ko ng beach house, nagulat ako kasi ang daming tao, mga mukhang magtatrabaho.

Hala! Oo nga pala! Birthday na ngayon ni Nathan! So ang mga taong ito ang nag-aayos ng party niya mamayang gabi. I'm sure magiging masaya si Nathan mamaya.

Nakita ko si Nathan na may kinakausap na mukhang organizer ng party niya. Nung nakita niya ako, ngumiti siya at nag-wave. I mouthed 'Happy birthday' to him at sumenyas na usap na lang kami mamaya.

"Hannah!"

Napatingin ako sa tumawag. Oh, si Dara! At bakit parang ngiting-ngiti siya?

Lumapit siya sakin at ngumiti. "Kumain ka na ba ng breakfast?"

"Hindi pa."

"Sabay na tayo kumain! Sa Leslie's na lang gusto mo?"

"Sige. Pero sandali, bakit parang excited ka?"

"Eh kasi bes, pupunta tayo sa Palace in the Sky mamaya para bumili ng dress! We're going shopping! Okay na rin yun na dun kahit branded pa yung mga binibili ko. Mukhang maayos naman dun."

"Teka, dress? Para saan?"

"Silly. Sa party ni Nathan mamaya. Syempre formal event yun so may dress code talaga. Ano, lika na?"

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon