Chapter 3: The New Girl

1M 19.4K 7.6K
                                    


Piper's POV

"So what happened on your first day?" tanong ni dad habang nag-didinner kami.

"Same same."

Tiningnan lang niya ako saglit saka sumubo ng pagkain at nagtanong na naman, "Kaklase mo na ba 'yung pinsan mo?"

My God! Ipaalala niya pang pinsan ko 'yang Hailey na 'yan. Tinatago ko nga sa school na pinsan ko siya kasi paniguradong hindi magiging maganda sa reputasyon ko ang magkaroon ng pinsan na kasali sa grupo ng Nerds.

"Yes po, Dad." Tiningnan niya ako saglit dahil bakas sa boses ko ang pagkadismaya kaya nginitian ko siya, "I'm so fortunate to have her as my classmate. Isn't it nice?"

Hay nako. Kailangan ko pa talagang magpanggap na ayos kami ni Hailey para lang matuwa sila. Ang hirap din pala kapag bestfriends ang magulang mo kasi ineexpect nilang maging magbestfriend din kayo ng mga anak nila.

We tried naman e. Naging magkaibigan naman kami minsan sa buhay ng isa't isa. They were my besftriend before. Before. Dati. As in past na. Parang kami pa nga ang version ng barkada nila Mom at Dad sa generation namin. Kahit apat lang kami masaya naman kami. Kaya lang may mga pagkakaibigan talaga na hindi hanggang dulo. May pagkakaibigan na panandalian lang. Kasi may mga kaibigan na bigla na lang mang-iiwan. May mga kaibigan na bigla na lang mawawala. May mga kaibigan na hindi mananatiling kaibigan.

Sad to say, isa sila sa mga ganung klaseng kaibigan.

Nakakainis lang na parang bigla na lang kaming naiwan sa ere ni Nate. Ayos naman kami and then all of a sudden they'll act as if we did something wrong. Naunang nawala si Hailey tapos sumunod si Warren. They left us hanging. Nawala ng walang paalam. They were like "Ay, ayoko na silang kaibigan. Maiwan na nga." Parang, bang, hindi na kami nag-eexist sa mundo nila.

We were first year back then. I won't forget that year. First few weeks okay pa kami tapos bigla na lang nag-iba. Malamang nadala sila sa pressure ng bawat grupo. Siguro nagsawa silang magpanggap kapag nasa school na hindi kami magkakaibigan kaya tinotoo na nila.

And that's when our friendship vanished. Doon na rin nagsimula ang pagpapanggap namin sa harap ng parents namin na we're okay when in reality, we're far from being okay.

But tulad nga ng sabi nila, past is past. Hindi naman ako ang nawalan. I'm still happy.

"It is. Pwede na kayong mag-aral ng magkasama. Sasabihan ko si Sab tungkol dito para masabihan na rin niya si Hailey."

Study partner? Me and Hailey? How about.. no. I wanted to protest kaya lang baka mahalata si Mom na ang friendship na akala nila nag-eexist pa, ngayon ay imaginary na lang.

"Hi, Tito Ken, Tita Ayu." Nate suddenly appears out of nowhere, "Hi, liit." He waved pa kay Jarvis. What is he doing here?

"Kain ka muna," aya ni Mom sa kanya.

"Kakatapos lang po. Hintayin ko na lang po si Piper sa sala." Saka niya ako tinanguan.

What is he doing here? Magdamag na nga namin nakita ang isa't isa ngayon araw tapos dadalaw pa.

Nang matapos akong kumain ay dumiretsyo ako agad sa sala at inabutan ko si Nate na nakasitting pretty doon habang nanunuod.

"What's with you? What brought you here?" I asked and sat beside him.

Nagtingin tingin pa siya sa paligid and motioned me to come closer. Is this a top secret or something? I mentally rolled my eyes, but still obliged.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon