Thirty-three

61.6K 1.5K 103
                                    

Magkahawak-kamay naglalakad sina Vin at Erin papunta sa unit ng huli. Tahimik lang nila tinungo ang unit ni Erin. Pakiramdam ni Erin ay nasa may ulap siya nang panahong ito, kahit na walang nagsasalita sakanila ni Vin ay hindi awkward para sakanya. Ang mahigpit na hawak ni Vin sa kamay niya ay nagpapadagdag lang ng lakas ng loob para sa sasabihin niya.






"So, I'll see you tomorrow?" nag-aalangang tanong ni Vin sakanya.



She smiled at him. "Oo naman."



Vin sighed and caressed her cheek. "Promise me you'll never avoid me again."




Hinawakan niya ang kamay ni Vin na nasa pisngi niya at dinama ang mainit na pala nito. "Promise, hindi na. Basta, promise me too, huwag ka nang lumapit kay Leila."




"She's just a friend."



"She likes you."



"Hindi naman siguro, gusto niya lang talaga makabawi sa ginawa kong pagliligtas sakanya."




She sighed. Ito ang mahirap kay Vin eh. He always denies the fact that girls kept oogling to him. Patay-malisya ito. "Ako na nagsasabi Vin, may gusto sa'yo iyong babaeng iyon. Please, huwag ka nang lumapit sakanya."





Mahigpit na niyakap siya ni Vin. Mabuti nalang at wala ng tao sa hall ng floor niya dahil narin madaling-araw na, kaya naman malaya silang mag-PDA ni Vin sa labas.



"If that's what you want. Sige, iiwasan ko si Leila as long as hindi ka na iiwas sa'kin."





Ipinalibot niya rin ang mga braso sa bewang ni Vin at mahigpit din itong niyakap. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa dibdib nito at sinamyo ang mabango nitong amoy. "Thank you."




Naramdaman niyang hinalikan siya ni Vin sa tuktok ng kanyang ulo. "Nagseselos ba ang reyna ko?"




"Why do you keep calling me your queen?" takang tanong niya rito.


Kanina pa kasi niya napapansing madalas siyang sinasabihan ni Vin na reyna daw siya nito. Ayaw niyang mag-assume, pero sa tingin niya ata ay ito ang endearment ni Vin sakanya. Kung sakali man siya ay may endearment din dito, tatawagin niya itong hari?



Yuck! Ang corny kapag siya ang gumagawa pero hindi niya ikakailang kinikilig siya sa pagtawag nito sakanyang reyna.



"Because you're my queen." tinapik pa ng daliri nito ang tungki ng kanyang ilong. "I'll treat you like my iwn royalty, I'll respect you at anda akong sundin kahit ano'ng ipag-utos mo just to show you how much I love you."




Nakagat ni Erin ang ibabang labi nang sinasabi ni Vin sa harap niya mismo ang mga salitang iyon. Mataman itong nakatingin sakanya na para bang handa talaga nito gawin ang mga nasabi. She really can see his sincerity, all his efforts just to prove to her that he loves her and she's happy that he's still here, beside her.




"So, uulitin ko. Nagseselos ba ang reyna ko?" mapanudyong tanong ni Vin.



Natawa siya sa inakto nito. "Oo, nagseselos talaga ako, hindi lang kay Leila kundi sa lahat ng babaeng hinahayaan mong lumapit sa'yo." nagtatampong sagot niya.




"Alam mo namang hindi ko sila maitaboy dahil nakakabastos naman iyon, 'di ba?"




Napapalatak siya. Iyon nga ang ikinaiinis niya eh. Minsan sana hiniling niya na sana kaugali nalang ni Vin si Marco na walang kahirap-hirap na magtaboy ng babae. Pero hindi eh, her Vin is a pure gentleman. Gaya nga ng sabi ng mga babaeng nahuhumaling kay Vin, ito iyong lalaking proud na ipakilala sa pamilya.




It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon