21.News

156K 4.5K 653
                                    

"Hera is here!"

Nanigas ang likod ko nang marinig ko ang pangalan niya. It's been exactly two months since she broke up with me. Hindi ko na siya sinubukang lapitan matapos ang insidenteng iyon. Ikinulong ko ang sarili ko sa mundo kung saan wala siya. Ang sabihing galit ako ay understatement. I hate her too much. Pinaasa niya lang ako. Sana hindi na lang siya bumalik sa akin para indi na ganito kasakit. Maayos naman ako noong minamahal ko pa siya sa malayo. Nasasaktan ako, oo ero mas masakit ngayon dahil pinaniwala niya ako sa isang posibilidad ng kasiyahan pero hindi naman niya kayang ibigay. 

I just looked at Zeus. We were at the Consunji Hotel's conference room that morning. Inaayos namin ang budget para sa Paris expansion. Yto and Helios were there too - Yto was just looking at me as if trying to see my reaction pero wala akong ipinapakitang kahit na ano. I was just busy reading the papers and checking the lists Zeus presented to me. 

"Is she okay?" Narinig kong tanong ni Helios. "Heard she's leavig the company, Yto. Yza's really worried about her. Palagi niyang tinatawagan si Hera nitong nakaraan." 

Para bang nanadyang sabi ni Helios. Hindi ko sila tinitingnan. Pero hindi pa rin naman sila tumitigil. 

"Ewan ko ba. She said she wanted to live a life on her own. Sabagay, independent naman si Hera. I just wish she gets married soon." 

Naputol ko ang lapis na hawak ko. Natigil ang lahat. Tahimik akong tumayo at lumabas ng conference room. I walked towards my office. Hindi na ako ganoon kadalas mag-stay sa hotel. Ang totoong dahilan lang naman ng pagpunta ko doon ay si Hera - noon iyon - before she made it clear that she doesn't -need me in her life. Nakapamulsa ako habang nagalakad. I could still feel the pain in my heart. Paano naging madali sa kanyang itapon ang pag-ibig ko? I had loved no one but her. Siya lang talaga at ahit sa mga panahon na magkalayo kami ay siya lang ang minahal ko ng totoo. Ni hindi nga nababawasa ang pahmamahal ko sa kanya at kahit na ngayon habang nasasaktan ako, alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. 

Mahal ko si Hera. At gusto kong maramdaman iyon. Sa ngayon nararamdaman ko ang pagmamahal na iyon sa tuwing babasahin ko ang sulat sa akin ng Mama niya. In that letter - i felt [like I am really important in her life. Mahal ko siya. Mahal na mahal at gusto ko siyang makasama. Hindi ko nga lang alam kung paano ko babalikan ang taong ayaw na sa akin. Itinaboy na niya ako. 

Kung tutuusin ay madali lang naman. I'm Hades Vejar. I don't easily give up but I wanna feel like I matter to her. Kung gaanon kasi kadali para sa kanya ang itapon na lang ako, magagawa niya ulit iyon kapag bumalik ko. Anong rason niya? Bakit nga ba niya ito ginawa? I don't think that noyt being able to give me a child is valid enough. It's not. It will never be. I can deal with that fact.. I love her too much [to be bothered by that. Pakiramdam ko ay minamaliit niya ang pag-ibig ko. Naisip ko na lang na kung mahal niya ako, gagawa at gagawa siya ng paraan para magkasama kaming muli. 

I was still walking in the middle of the corrido when I stopped. Nakita ko kasi siyang lumabas ng opisina niya. Nauna ang customized throne niya. She was intructing people. Napaawang ang mga labi ko. She looked very different with that pair of casual jeans and oversized white shirt. May hawak siyang kulay pulang box kung saan nakalagay ang mga maliliit niyang gamit. Maikli na rin ang buhok niya. But still her beauty didn't fade.

Our gazes met. Nakipagtitigan lang din siya sa akin. I asked myself, how can I love her this much? Why is my love for her overflowing? Kailan mawawala ang nararamdaman ko sa kanya? Why is it too hard?

"Hi." Binati niya ako. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. 

"Leaving so soon." I commented. 

"Yeah. I'm going away - for good." Wika niya pa sa akin. I didn't know where I got the courage to stand before her and look at her straight in the eyes. Hindi ko alam kung anong klaseng sakit ang nasa buong pagkatao ko. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya nagagawang sabihin ang mga iyon sa akin gayong alam niya kung gaano ko siya kamahal. I took a deep breathe. There are so many things that I wanted to tell her. For once, I wanted to ask her to marry me, I wanted to tell her that even if there's no kid - ang makasama siya ay sapat na sa akin. Gusto ko siyang yakapin, alagaan at gusto kong pawiin sa puso niya ang lungkot. 

Someone to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon