Chapter 11 - Failed

13.3K 278 132
                                    

"Iniiwasan mo ba ako, Niel?" Tumingin ako kay Hannah. Gusto kong sabihin na 'oo, iniiwasan kita' pero hindi ko alam kung anong sasabihin kong rason.

"Naging busy lang talaga ako. 'Di ba sinabi ko nga sa'yo na may Annual SpEd convention at kasali ang mga estudyante ko na magpeperform. Tingnan mo nga nagpapraktis kami." Hapon na ng dumating si Hannah. Galing din siya sa school nila at talagang sinadya niya ako dahil hindi na raw ako nagpapakita sa kanya.

"Hay naku halos dalawang buwan na tayong di nagkikita kaya ganoon ka ka-busy?" Pinameywangan pa ako ni Hannah.

"Oo, Hannah. Ganoon." Naglakad ako papunta sa lider ng sayaw na estudyante ko. Sumenyas ako sa kanya na umuwi na at sa Lunes na lang namin ipagpapatuloy ang pagpapraktis.

"Are you okay, teacher?" Tanong pa nito sa akin sa sign language. Napakabilis makahalata talaga ng mga estudyante ko.

"I am doing okay. We will continue on Monday. Thank you."

Tumango sa akin ang estudyante ko at ngumiti. Isa-isa na nilang inayos ang mga ginamit na silya at cords sa auditorium. Nauna na ako sa kanilang lumabas at sinundan ako ni Hannah.

"Kasama mo si Zeke huwag kang magkaila sa akin. Ilang beses akong tumatawag sa inyo tuwing weekend at laging sinasabi ni tita o ng kuya mo na kasama mo siya. Kayo na ba? I told you to stay away from him. His name spells danger, Niel."

Huminga ako ng malalim sa sinabi ni Hannah.

"Hindi kami Hannah. Magkaibigan lang kami. Wala naman sigurong masama doon."

"Magkaibigan? So meaning may time ka na sa kanya kaysa sa akin? Bestfriend mo ako Niel pero wala kang time sa akin tapos itong poncio pilato na si Zeke ay may time ka. Aminin mo na kasi Niel, kayo na ba?"

"Hindi nga kami. Kaibigan ko siya. Hindi ba masama na lumabas kami once in a while? Kasabay ko rin lumaki si Ezekiel at wala naman sigurong masama na magcatch-up kami sa isa't isa."

"Okey, sige, magkaibigan kayo pero Niel pwedeng diyan yan magsimula. Trap niya 'yan sa'yo. Nakikita niya ang ka-inosentehan mo at gagamitin niya yan sa'yo. Next thing na malalaman mo naibigay mo na sa kanya ang lahat at hindi na siya magpapakita sa'yo afterwards. Kilala ko na kung saan hulmahan gawa 'yan si Zeke. Stay away from him, Niel. He is a jerk. He is danger."

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon