Chapter Thirteen

429K 9.2K 478
                                    

TWELVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Gusto ko ng chocolate tapos ng hug mo." Parang batang sabi ni Axcel sa akin, marahil ay dala na ng kalasingan niya. Paakyat na kami sa unit niya at kanina pa rin niya ako kinukulit. Lasing na lasing na talaga siya at alam kong kapag nalalasing siya, kung anu-ano na lang ang nagagawa niyang mga katangahan. Inaalalayan ko siya para hindi siya matumba. Hindi na kasi niya kaya pang maglakad ng tuwid.

"Tigilan mo nga 'yang kabaliwan mo, Montemayor." Kalmadong sabi ko sa kanya. Tinignan ko naman siya at kita kong namumula ang buo niyang mukha na marahil ay dahil sa kalasingan. Tumunog na ang elevator kaya inalalayan ko na siya palabas. Alas tres na ng madaling araw at alas dos y media na kami natapos sa pag-iinuman. Mag-isang umuwi si Aivan dahil may dala itong sasakyan, hindi naman siya gaanong kalasing kaya ayos lang na mag-drive siya. Si Shaun naman ang naghatid kay Felice, samantalang magkakasabay umuwi si na Jomsky, Rhalp, at Vlad. Si Rissa naman ay kasabay si Travis at Xander. Binilinan daw kasi ni Tito Gian na alagaan mabuti ang panganay niya kung hindi, lagot sila. Si Alex ay sumabay lang kay Symon dahil si Allen na raw ang maghahatid sa lasing na si Din. Pero duda akong ihahatid talaga ni Allen si Din. Alam ko kasing may nararamdaman pa sila sa isa't-isa at alam kong mahal pa rin ni Allen si Din.

"Kikiss kita kapag binigyan mo ako ng chocolate." Pagpupumilit pa niya. Nakapasok na kami sa unit niya at agad ko siyang inihiga sa malaki niyang sofa. Kahit papaano kasi ay malaki siyang tao at mabigat din siya para sa babaeng tulad ko. Aminado ako na kahit lasing na siya, mas lalo siyang gumugwapo sa paningin ko lalo na't namumula pa ang mukha niya. Halata rin na inaantok na ang kanyang mga mata.

"Ang kulit-kulit mo, kokonyatan na kita diyan. Makikita mo, at tsaka tignan mo nga 'yang tarasa mo." Naiinis kong sabi sa kanya. Yumuko naman ako para tanggalin ang sapatos niyang suot.

"Bakit muna ginawa ang eroplano?" Tanong pa niya habang tinatanggal ko ang sapatos niya.

"Magtigil ka nga! Para kang sira diyan." Naiinis ko pa rin na sabi sa kanya. Sumimangot lang siya kasabay ng paghaba ng nguso niya.

"Hindi ako sira, 'yong eroplano ang sira kaya ginawa." Sabi niya na sinabayan niya ng tawa. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Delikado talaga kapag naglalasing ang lalaking 'to, kung anu-ano na lang ang nasasabi at nagagawa.

"Kapag hindi ka umayos, iiwan kita dito." Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangisi. Isinandal ko naman siya sa sofa at inayos ang long sleeves niyang suot na nakatupi hanggang sa may siko niya.

"Hahalikan naman kita kapag iniwan mo ako." Sabi niya ng nakangisi. Kinurot ko lang siya sa pisngi at tsaka ko tinanggal sa pagkakabutones ang kanyang suot.

"Bakit mo ako hinuhubaran? Mag sesex tayo?" Lasing na sabi niya sa akin. Tinampal ko naman ang bibig niya.

"Magtigil ka sa kahibangan mong 'yan. Ang baho mo kaya kita huhubaran, tsaka hindi ka ba naiinitan?" Sabi ko sa kanya. Kumunot lang ang noo niya sa sinabi ko.

"Kita ko cleavage mo." Sabi niya bigla. Nanlaki naman ang mga mata ko. Medyo nakayuko kasi ako habang tinatanggal ang suot niya.

"Ipikit mo 'yang mata mo! Kahit lasing ka na ang bastos mo pa rin 'no?!" Naiinis kong sabi sa kanya. Natanggal ko na ang suot niya kaya lumantad na naman sa harapan ko ang hubad niyang katawan.

"Ang init." Sabi niya bigla. Nakita kong kinakalas niya ang sinturon niyang suot pero halatang nahihirapan siya.

"Ako na nga." Sabi ko sa kanya at ako ang nagkalas ng sinturon siya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang batang tuwang-tuwa na mayroong nag-aalaga sa kanya.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon