Ang Batang Pilipino

9.1K 9 21
  • Dedicated kay Batang Pilipino
                                    

 

Ang Batang Pilipino

 

,nagawa dahil assignment nun tinuturuan kong bata.haha mabilisan :)) @2012 Para sa mga batang pilipino :)

Ang batang Pilipino, magalang
Mabait sa kahit sinong nilalang
Masunurin sa utos ng magulang
Alam ang tama at mali sa murang gulang.

Ang batang Pilipino, mahal si Inang Bayan
Tumutulong sa maliit na paraan para sa kaunlaran
Nagsusumikap upang maging batang huwaran
Upang sa kinabukasan, maganda ang kapalaran.

Ang batang Pilipino, isang batang bayani
Dugong makabayan ang namamayani
Pag-asa ng bayan upang kaunlaran ay maani
Bayang Pilipinas, pagyamanin ang lahi.

-S!♥

Tula nun Bata ",)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon