FINAL WAVE

968K 22.9K 10.3K
                                    

Final Wave

Busyng-busy si Avy sa cellphone nya habang nagkakape kami. Kanina pa sya nagte-text at nagtetelebabad magmula noong dumating kami dito sa coffeshop. She invited me to have some coffee pansin nya kasi na medyo stressed out ako sa work. Treat naman nya kaya pumayag na ako. Pagkatapos nyang makipag-usap she took a sip of her coffee bago tumingin sa akin at ngumiti.

"Niyaya mo ba akong magkape para panoorin kang mag-telebabad?" Tanong ko. Para naman kasing wala syang kasama. Hindi nga nya ako kinakausap eh, titignan nya lang ako saka ngingitian.

"Sino ba 'yon?" Sunod kong tanong.

"Ahh, si Bil."

"Sinong Bil? New found friend?"

"Medyo."

"Baka naman manliligaw mo 'yan ha."

"Hindi 'no! Let's go na, kailangan ko pang dumaan sa store." Sabi nya. Inayos na namin ang gamit namin at saka umalis ng coffeeshop. Hindi ko alam kung anong nangyari sa store nya at parang nagammadali sya. Nasa 3rd floor lang naman 'yon ng Mall pero gumamit pa kami ng elevator instead na escalator na lang.

"What's with the rush?" Tanong ko.

"Wala naman." Ngumiti naman sya. Weird.

Noong makarating kami sa store nya, tumingin-tingin ako ng mga damit. Maya-maya lang bigla akong hinampas-hampas ni Avy sa braso.

"Ano ba?" Inis kong sabi sa kanya. Ikaw ba naman ang hamapasin bigla ewan ko lang kung hindi ka mainis. Nananahimik ako dito na tumitingin ng mga damit, manghahampas sya.

"Si ano..." Sabi nya habang nakatingin sa labas ng tindahan at may itinuturo.

"Ewan ko sa'yo. May stock ka pa ba nito?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman nya ako pinansin at patuloy pa din ang pagtingin sa labas.

"Konti na lang mapuputol na ang leeg mo." Hindi nya ata ako narinig at patuloy pa rin sa ginagawa nya. Nakakairita ha kaya naman hinarap ko sya.

"Kanina ka pa ha. Nakakapikon ka na, kanina sa coffeeshop ni hindi mo ako kinausap, panay ang text at telebabad mo. Ngayon naman hindi mo ako iniintindi at humahaba ang leeg mo dyan. Para kang bulateng inasinan, hindi ka mapakali. Ano ba kasing problema mo?"

"Si ano kasi eh...nakita ko dito sa mall, may kasamang babae. Kanina ko pa sinasabi sa'yo hindi ka naman nakikinig sa akin. Baka umalis na sila."

"Sino ba kasi? Puro ka si ano, wala naman akong kilalang ano ang pangalan."

"Si Neo may kasamang babae. Ayan nasabi ko na." Sabi nya.

Sino daw? Sino daw ang nakita nya na may kasamang babae? Parang mali ata ang dinig ko o ayaw lang tanggapin ng isip ko? Bakit parang biglang nag-init ang ulo ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa galit?

"Si-sinong nakita mo?" Kunot noo kong tanong.

"Si Neo Aguilar na kapatid ni Hannah Aguilar at 'yung nanliligaw sa'yo. Gusto mo ulitin ko ulit? Si Neo mo may kasamang babae...magkaholding-hands pa."

Hindi nga ako nagkamali ng dinig. Eh ano namang pakiaalam ko kung may kasama syang babae at magkaholding hands pa sila? Eh di magholdinng hands sila hangga't gusto nila, bilhan ko pa sila ng posas eh.

"Oh, tapos?" Pagbabalewala ko saka ko ibinalik ang atensyon ko sa damit.

"'Yun lang? Wala ka man lang gagawin? Hindi mo man lang i-co-confront si Neo? Ayaw mo man lang bang makita kung sino ang babaeng kasama nya? Ang isang Avah Chen tatahimik lang at walang gagawin kahit alam nyang niloloko sya ng soon to be boyfriend nya? Hindi ikaw 'yan." Pangangaral ni Avy.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon