Kabanata 16

357K 10.3K 1.6K
                                    

FINALLY, SHE WAS HERE.


Just by knowing that Camilla was now inside this building gave Hendrick a certain thrill.


He couldn't focus on the board meeting because he was thinking of that witch.


Kagagawan ng witch na iyon kung bakit ang ligalig niya nitong mga nakaraang araw. Kinulam nga yata siya nito. Well, sorry na lang ito dahil nagkamali ito ng kinulam.


He was Hendrick Montemayor—at wala pa siyang ginusto na hindi niya nakukuha.


Napabuga siya ng hangin. Bakit kasi ngayon lang dumating ang babaeng iyon kung kailan kasagsagan ang meeting niya sa board of directors?


Kahapon niya pa ito hinihintay na dumating ngunit nabigo siya. Mukhang nakipaglaban pa si Camilla sa pride nito bago magtungo sa kanyang kompanya.


He tapped his fingers on the table after glancing at his watch for the umpteenth time. Malamig ang meeting room ngunit pinagpapawisan siya. He couldn't believe how nervous he was.


Ilang beses siyang napamura sa isip niya sapagka't baka nga magbago ang isip ng babae at mag-back out ito. Sana pala ay inutusan niya na ang staff niya kanina na papirmahin agad ito ng kontrata para talagang wala na itong kawala.


'Kaunti na lang, please maghintay ka.'


Oh, bloody hell! Was he afraid that she will leave?


"Stay there... Please..." wala sa loob na nanulas sa mga labi niya.


"Yes, Mr. President? Are you saying something?" tinig ng isa sa mga kameeting niya.


Umangat ang tingin niya sa ito. What? Nagsalita ba siya?


Takang tinitigan niya ang mukha ng kanyang mga kaharap sa pahabang mesang iyon. They were all staring at him. Napangiwi siya at saka napatungo.


Hindi siya sanay na ang nababasa sa mga mukha ng mga ito ay pagkalito at... pagka-aliw?


Geez! He was Hendrick Montemayor! Sanay lang siya sa mga tingin na may paghanga at hindi sa kakatwang tingin na ibinibigay ng mga ito sa kanya ngayon.


"I think our president is not feeling well," anang isang malambing na boses.


Napadiretso ang tingin niya sa dulo ng mesa—kay Ayeza Montemayor Legazpi. Isa ito sa board of directors. Tinaasan niya ng kilay ang dalagang pamangkin.


"H, nung nakaraan ka pa ganyan..." sabi nito. "Ladies, gentlemen, ipapatawag na lang kayo ng president sa susunod na meeting," baling nito sa iba pang nasa loob ng kwarto na iyon. "Settled naman na tayo ngayon, right?"


Lalong nangunot ang noo niya habang nakatingin dito.


Ngumisi si Ayeza at saka kumindat sa kanya. "Go, H! Pagkakataon mo nang i-enjoy ang buhay mo," anito at saka sumunod sa mga board members na papalabas na rin ng conference room.


Nasapo niya ang ulo at napapalatak. What the hell just happened to him?




...


NAPATAYO SI CAMILLA nang bumukas ang pinto ng opisina ni Hendrick. Muntik pa siyang mapasinghap nang iluwa niyon ang lalaking walang kapintasan maliban sa pag-uugali.


"Oh, you are here." Walang kangiti-ngiti itong lumapit sa kanya. "I still remember what you said to me on the cruise... that you don't want to see me again." Huminto ito nang halos ilang dipa na lang ang pagitan nila.


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon