CHAPTER 49 : COLD TREATMENT

101K 2.1K 184
                                    

RHEA POV

"Ang tahimik mo ata ngayon?" tanong ng bago kong classmate at bago naming kaibigan na si Heira Guzman. Kaka-transfer niya lang last week at naging close agad namin siya ni Anne. Siya lang ang nakakausap ko ng matino sa classroom dahil parang ang weird ni Anne lately. Asahan ko naman sa mga classmate ko, eh mga takot iyon sa akin. Si Luke, puro kalokohan ang alam. At yung seatmate ko, ahm nevermind. Balik tayo kay Heira.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya.

"Eh, nung nakaraang araw lang ang ingay-ingay mo pa tapos ngayon para kang napipi. May nangyari ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Wala. Kung anu-ano lang napapansin mo." kinuha ko ang sandwich ko at kinagatan iyon. "Kumain na lang tayo."

Ngayon ko lang ulit na-feel na estudyante ako. Simula nang mag-start ang month na ito, parang nawala sa isip kong nag-aaral nga pala ako. Yeah, pumapasok pa rin ako pero mas tumatatak pa sa isip ko ang pag-mi-make over ni Shai sa akin kaysa sa mga natuturong lesson dito sa academy.

Medyo inis ako ngayon at wala ako sa mood. Ewan. One week na ata akong ganito. Buti na lang at nasasamahan ako ni Heira. Si Anne kasi maraming pinagkakaabalahan na hindi ko naman alam kung ano.

Kumagat ako ng malaki sa sandwich. Dito sa academy, ganito lang ang kinakain ko. Pero pagdating sa bahay, halos papakin ko na lahat ng chocolate na naka-stock sa ref. Hindi ko talaga kinakaya ang stress at pagkain lang ang gusto kong ipantapat do'n. Kaya ang nangyayari, imbis na isang oras lang ang pag-w-work out ko, nagiging dalawa o tatlo na.

Yes, stress ako. Sobra. Sinong hindi ma-i-stress sa sunuod sunod na pinapagawa sa akin ni Shai?

Nakakaya ko naman pero minsan bumibigay ang utak ko sa pag-m-motivate sa buong sistema ko. Kailangan kong mag-release ng stress o kaya naman mag-take ng maraming energy at maghanap ng inspirasyon para mapagtagumpayan ang step na ito.

Kumagat ulit ako sa sandwich at marahang ngumuya. "Kainis." bulong ko. Bigla na lang akong mapapabulong ng kung anu-ano minsan. At ang pinaka-weird do'n ay maiinis ako ng walang dahilan. Baliw na ata ako.

"Nasaan si Anne?" tanong ko kay Heira na nagkibit lang ng balikat.

Okay ring maging kaibigan itong isang 'to. Masyado nga lang tanga, I mean masyado siyang inosente. Minsan hindi niya alam nakakatawa na ang mga sinasabi at ginagawa niya. Kung iniisip niyo na una kaming nagkita rito sa academy, nagkakamali kayo. Una ko siyang nakita sa ospital nila Anne a few days bago siya nag-transfer. Muntik ko pa nga siyang masagasaan no'n. Lol.

Nando'n ako dahil sinama ako ni Anne sa charity mission na sponsor ang kanilang ospital. Kunwari pa akong hindi interesado nung una pero yung totoo, gusto kong makatulong sa ibang tao. Para naman may kwenta ako kahit papaano.

Daily routine ko ang pagpasok sa umaga. Pagdating ko sa hapon, magpapractice ako magsuot ng heels at paniguradong nando'n na sa bahay si Shai pagdating ko. Pagtapos ng 20-30 minutes na practice, work-out session na. Si Shai na ang kasama ko ngayon sa pag-w-work out. Wala akong reklamo. Marami rin naman siyang alam at mukhang naturuan naman siya ni. . .nevermind. So, ayun nga, work-out. Tapos dinner na. Pagtapos ng dinner, mag-b-browse kami ng magagandang damit (sa paningin ni Shai), tapos o-orderin niya online. O kaya naman magdadala siya ng sangkaterbang damit at papapiliin niya ako ro'n kung ano ang magandang combination. Syempre, hindi pa rin ako masyadong magaling sa pagpili at pagterno ng mga damit na babagay sa akin pero ang sabi ni Shai, nasa improving stage na ako.

Isang week na lang at matatapos na ang month na 'to. Makapasa kaya ako?

Bumalik kami ng room ni Heira at nakita ko si Anne na nakatungo sa kanyang libro. Masyado ata siyang studious ngayon? Iyon nga ba? Pakiramdam ko may problema 'tong kaibigan ko at ayaw niya lang i-open up sa akin. Nakakatampo pero hindi ko naman magawang pilitin siya kung wala talaga siyang balak sabihin sa akin kung ano ang pinagdadaanan niya.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon