Chapter 4:Let's Start This

130 6 2
                                    

As usual, nag ra-rush na naman ako papunta sa klase ko dahil late na ako. Ang masama,magalitin pa ang teacher naming iyon kaya malamang sa hindi ay baka sabunin na naman ako nun sa harap ng klase. 

Kaya kahit masakit na ang paa ko ay tumakbo pa rin ako. Pagdating ko sa tapat ng pinto ng classroom ay saka ko lang napansin si Naizzer na nakasandal sa poste sa tapat ng pinto. hindi ko siya napansin kanina dahil ang tanging gusto ko lang ay makarating sa classroom namin.But not now, pansin na pansin ko ang kagwapuhan niya-este ,his presence! hehehe. ^__^

Ang malandutay kong parte,umaariba na naman.Hayyy!! 

lumapit siya sa akin samantalang ako naman ay nanatiling nakatitig lang sa kanya.eh sa hindi ko maalis pagkatitg ko sa mukha niya.. grabe nag gwapo kasi niya!! eeeeiiiiii.. kinikilig na naman ako to the bones hanggang cells.ha-ha!

"O, tititigan mo na lang ba ako?Wala ba akong good morning kiss man lang?" nakakunot ang noong nito.napansin ko agad ang pilyong kisplap sa mga mata niya kahit pa nga ba pilit niya iyong inkinukubli.

"Kiss? hello! ang aga aga bumabanat ka ng ganyan!" kunwari ay inis na sabi ko pero deep inside ay kilig na kilig ako.Maano nga kayang bigyan ko to ng passionate kiss ever? hmmmmmm.hindi na siguro yun masama.Afterall,siya naman ang humiling nun eh.

Ilalapit ko na sana ang mukha ko sa kanya sabay tingkayad nang bigla siyang bumaling sa pinto na nooy nakabukas na pala at nakasilip mula sa loob ang iba nilang classmate.

"Saka na lang pala,late na tayo,eh" anito bigla at nauna nanng pumasok sa classroom samantalang naiwan akong nanlalaki ang mga mata.Gosh! how could I forget na late na ako dahil lang sa kanya?ganun ba ako ka'TANGA'?

Sandali, bakit nga ba hindi siya pumasok kanina pa? Mukhang matagal na siyang nakasandal sa posteng sinasandalan niya kanina ah.Hinihintay kaya niya ako?eeeeeiiiiiii,.. kinikilig na namn ako sa isiping iyon. HIndi ko maiwasan eh.! Hay!hindi naman masamang umasa,diba?

Sabi nga nila,hindi masamang umasa!hehe!

Narinig kong nagsalita si Mrs.Terror kaya nagmamadali akong pumasok at ang tanging bakanteng upuan ay ang upuan sa tabi ni Naizzer kaya no choice at umupo na lang ako dun kahit pa nga nahihiya ako sa kanya dahil icoconsider ko pa sana ang paghalik dito kanina. kahit na nga ba di nito nalaman iyon dahil di ko naman isinantinig ang iniisip ko.

Pero teka,di nga ba niya alam?Bakit kung makangisi ang loko eh mukhang alam niya ang binabalak ko kanina?Gosh! am i that transparent? oh no! naramdaman ko agad ang pag-init ng buong mukha ko sa realization na iyon.

pasimpleng lumapit sa akin si Naizzer sabay bulong,"Anong ikinaba-blush mo jan?Hmmmmmmm...i know about your plan a while ago," nakakaloko pa niyang sabi na may panunudyo din.

WHAT?! O.O

Mas lalo nag-init ang pakiramdam ko pagkarinig dun.Pero mabuti na lang at nagawa kong umakto na kalmado."Binabalak?hello. ano naman kayang babalakin ko na involve ka?care ko ba sa iyo?" at iningusan ko pa para pagtakpan ang nararamdaman ko.

"eh bakit ka nagbablush??"

"Bawal ba?pwede ba,tumahimik ka na lang jan kung wala kang sasabihing matino?"

At lumayo na ako sa kanya bago pa siya makapagsalita uli.Baka di ko na kasi kayanin ang kahihiyang nararamdaman ko sa sarili pag may binanggit pa ito tungkol kanina.

NANG matapos ang klase ay di ko siya pinansin at iniwasan ko na lang hanggang kaya ko.Baka kasi tuksuhin pa ako non at wala akong masabi.Mapahiya lang ako.Sana lang tigilan na niya ako sa banat niyang mga ganoon.Hindi carry ng powers ko eh! ^__^

Naglalakad na ako papuntang canteen dahil nagugutom na ako.Di kasi ako nakapag breakfast kaninang umaga dahil nga nag ra-rush ako. Di bale at may one hour  break pa naman ako bago ang next subject ko.

Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang biglang may umakbay sa akin.Marahas akong napalingon sa tabi ko at akmang sisinghalan ang kung sinumang gagong nanggugulat sa akin pero nabitin anng lahat ng mga sasabihin ko nang makita kong kung sino ang nasa tabi ko.

Si Naizzer! O.O

At ang guwapo-gwapo niyang tignan habang nakangiti ng matamis sa akin.Kinindatan pa niya ako!

Eeeeeeeeeeeiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!

Juskoh!!Lord,pwede na po niyo ako kunin!!!

Jowk!Di pa nga nagkakaroon ng happy ending ang story namin eh kukunin na ako?

Teka,teka.Anong story ba ang pinagsasasabi ko dito?Hello,wala kaming story ng mokong na 'to no!

"Ehrrmmm.Baka matunaw na ako dyan ah.Sayang naman ang lahi ko pag nagkataon," biglang sabi ni Naizzer na nooy ngingisi-ngisi sa tabi ko.

Ano ba talagang nangyayari sa akin pag kasama ko si Zer?Mukhang napapadalas na ang pagkawala ko sa aking sarili,ah!Naku,hindi to pwede.HINDI!

para mapagtakpan anng hiyang nararamdaman ko ay siniko ko siya at kumalas sa pagkakaakbay niya sa akin.Pinukol ko siya ng masamang tingin sabay irap at mabilis na naglakad palayo.

Ano ba kasing pumasok sa akin at tinititigan ko siya ng ganoon?Gosh,baka pumungay pa ang mga mata ko at baka nakita niya sa mga mata ko ang admiration.Gaaahhhhddd!!

Wait,ADMIRATION?as in A.D.M.I.R.A.T.I.O.N.? NO,No,no,no,no,no,no.. d ko siya pwedeng magustuhan!

Too late,Lian.Crush mo siya noon pa,right?

Ay,oo nga pala!


"sinong kausap mo jan?"

For the second time around,muntik na akong mapatalon sa gulat nang may biglang magsalita sa may tenga ko.

"Ano ba?Hobby mo na ba talaga ang manggulat ng tao?" asar na bulyaw ko sa kanya.Napalakas ata kaya napatingin sa akin ang mga kasabay ko papasok sa canteen.Pati na rin yong ibang kumakain na.Napayuko na lang ako at umupo sa isang bakanteng mesa sa sulok.Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Naizzer na nakapangalumbaba at nakatitig sa akin.

"O,anong ginagawa mo sa table ko?"

"bakit,binili mo ba 'to?"

"Hindi.Pero nauna ako rito kaya, tsupi!"

"Hindi ba pwedeng share na lang tau,Sweetie?" pa-cute na tanong nito.

Kumunot ang noo ko.Anong trip ng mokong na 'to?!

"Ano na naman bang trip mo,mister?"

Dumukwang siya at inilapit ng husto ang mukha niya sa mukha ko.Napasandal tuloy ako sa sandalan ng inuupan ko.Titig na titig siya sa mukha ko.Gahhhhhhhdddd..half inch lang ata layo ng mukha ko sa kanya!

He smells nice.His breath fanning my face.Gahhhhdd!! ang bilis ng tibok ng puso kooo!!!Para akong aatakehin.

Namilog ang mga mata ko nang bumaba nag tingin niya sa nakaawang na mga labi ko.I cant just take my eyes off him.Seems like we're just the only human existing at this very moment when our eyes met. Nothing else mattered but just the two of us.Seems like the time has stopped ticking.

There's something in his eyes that I cant name.Something I havent seen before.There's something in the way he looks at me.Was it desire?longing?or------

Tumikhim siya bago nagsalita."We'd be starting to pretend as bf-gf today,"he said in a husky voice.

And that cut the magical moment.Itinulak ko na siya at tumayo para pumila sa counter.

Panira ng moment!Akala ko kung ano na eh!Takteng pretending churva na yan!hmpft!

My Ladies' Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon