Hope

5K 138 34
                                    

Hi! Dahil kaninang break, wala akong magawa. Nagtype na lang ako ng one shot. Siyempre Kathniel din ;) Sana magustuhan ninyo kahit sabaw sabaw!

And I just want to greet: Happy First Anniversary KathNiels! <3

___________________________________________________________________________

HOPE (KathNiel One Shot)

“CODE! CODE!” sigaw ng isang doktor nung nakita niyang unti-unting bumabagal ang pagtibok ng puso ng nanay ko.

Napako lang ako sa kinatatayuan ko dito sa loob ng ICU. Nakatingin lang ako sa mga nurses at doktor habang pumapalibot sila sa nanay ko.

“Excuse me Doc, ano bang nangyayari sa nanay ko? Bakit nagkakaganyan yung mga monitor?” hinawakan ko yung braso ng doktor.

Nanginginig na ang mga kamay ko.

“Mr. Villamor, nagcacardiac arrest po ang nanay ninyo. Pero gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin para iligtas siya. Hintayin niyo na lang po kami sa labas, bawal po kasi dito ngayon sa loob ang hindi staff ng hospital.”

Hindi pa rin ako lumalabas. “Pwede bang dito na lang ako? Para malaman ko kung ano na ang nangyayari?” pakiusap ko sa kanila.

“Sorry Mr. Villamor, pero hindi pwede. Don’t worry, we’ll do our best.”

Pinahatid ako nung doktor sa labas ng ICU sa isang nurse at naupo ako sa isang upuan doon. Hindi ko mapigilan ang panginginig ko. Takot na takot ako. Ayokong mawala si mama. Siya na lang ang natitira sa akin.

Biglang may humawak sa mga kamay ko. Siya yung nurse na naghatid sa akin.

“Tatagan po ninyo ang loob ninyo. Alam kong kaya yan ng nanay ninyo.” ngumiti siya sa akin.

“Ms. Cortez, we need you here now!” may tumawag mula sa loob ng room.

Nagmadali siyang pumunta sa loob. Lakad lang ako ng lakad sa labas, it has been 10 minutes at patuloy pa rin sila sa pagCPR kay mama.

Umupo muna ako sandali dahil nanghihina na ang tuhod ko. Nawawalan na ako ng pag-asa. Isang linggo na kasi siyang hindi nagigising after nung heart transplant niya.

Ilang sandali pa ay nagbukas na ang pinto. Sinalubong ko agad yung doktor.

“Kamusta po doc?”

“We revived her Mr. Villamor. Stable na ulit siya for now.” tinapik niya ang balikat ko at saka umalis na.

Pinayagan na rin nila akong bumalik ulit sa loob after 30 minutes. Sinuot ko na yung protective gown, mask at cap bago pumasok sa loob.

Umupo ako sa tabi ng kama ni mama. “Ma, kailan ka ba magigising?” pinisil ko yung isang kamay niya at napaiyak na ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tatlong araw na ang nakaraan simula noong nag-cardiac arrest si mama. Wala pa ring pinagbago ang lagay niya. Hindi pa rin siya nagigising. Mas nadagdagan pa ang mga tubo na nakakabit sa kanya. Napakarami na ng machine at monitors dito sa loob.

Tatlong doktor na rin ang nagsasabi na sobrang hina na niya at mukhang hindi tinatanggap ng katawan niya ang bagong puso na inilagay sa kanya. Ihanda ko na raw ang sarili ko sa mga maaaring mangyari.

Dahil sa mga sinabi nila, unti-unti na akong nawalan ng pag-asa. Maiiwan na akong mag-isa, sabi ko sa sarili ko.

Inaayos ko ang kumot ni mama nang may pumasok na nurse, morena siya, katamtaman ang taas, maamo ang mukha at hindi maikakailang maganda siya. Siya yung nurse na nag-comfort sa akin nung isang araw.

“Good morning sir.” pagbati niya na sinabayan pa ng isang magandang ngiti. “I-checheck ko lang po ang vital signs niya.”

Pagkakuha niya ng vital signs ni mama at pagkatapos niyang ayusin ang mga IV lines na nakakabit, bahagya siyang yumuko at hinaplos ang braso ni mama. “Pagaling na po kayo mam ha.” mahinang sabi niya malapit sa mukha ni mama.

Napangiti ako sa ginawa niya. Tumingin naman siya sa akin. “Sir, stable po ang vital signs niya. Sana magtuloy-tuloy na ang paggaling niya. Kaya niya yan!” Hindi talaga nawawala ang mga ngiti sa labi niya.

“Salamat.” tanging nasabi ko at saka siya umalis.

_____________________________________________________________________________

Araw-araw na kinakausap niya si mama kapag pumupunta siya sa loob para i-check ito. Ewan ko ba, pero kahit na marami na ang doktor na nagsabi na imposible nang gumaling si mama ay lalong lumalakas ang loob ko at lumalaki ang pag-asa ko dahil sa mga nakikita kong ginagawa niya at sinasabi niya.

Makikita mo talaga kay Ms. Cortez na postibo ang pananaw niya sa mga bagay-bagay. Siya lang ang nakapagbigay ng pag-asa sa akin na gagaling pa si mama. Dahil sa kanya, naniniwala ako na mas makakasama ko pa si mama ng matagal.

Isang gabi, nagulat na lamang ako dahil biglang gumalaw yung kamay ni mama. Nagising na siya! Maraming nagsabi na miracle yung nangyari, halos dalawang buwan din kasing walang malay si mama eh.

Pagkatapos ng ilang linggo, fully recovered na si mama at umuwi na kami. Medyo nanghihinayang lang ako kasi nung huling linggo namin sa hospital ay hindi ko na nakita si Ms. Cortez, siguro nalipat na siya sa ibang area.

Ilang araw din akong ginugulo ni Ms. Cortez. Hindi siya mawala sa isip ko, mukhang tinamaan na yata ako. Nagdecide ako na pumunta ulit sa hospital para makita siya pero nalaman ko na hindi na daw pala siya doon nagtatrabaho. Volunteer lang pala siya ng dalawang buwan sa ICU dahil kulang sa nurses noon. Nakakatuwa naman na kung kailan nandoon nakaconfine si mama, eh doon siya na-duty.

Pasakay na sana ako sa kotse ko nang may nahagilap yung mata ko na babae sa kabilang kalsada. Kinusot ko pa yung mga mata ko. Si Ms. Cortez nga!

Dali-dali akong tumawid at hinawakan ang balikat niya.

“Uy! Mr. Villamor! Kamusta ka na pati mama mo?”

“Okay lang naman kami. At saka eto naman. Napakaformal naman ng Mr. Villamor. Pangalan ko na lang!”

“Oh, eh bakit ano ba ang pangalan mo?”

Ay oo nga pala! Hindi pala niya alam. Mr. Villamor naman kasi lagi ang tawag sa akin ng mga staff sa hospital noon. Tapos ako naman Ms. Cortez lagi ang tawag sa kanya.

“Lawrence Daniel ang pangalan ko. Pero just call me Lawrence. Eh ikaw, Ms. Cortez, ano ba ang pangalan mo?”

She smiled, yung ngiting gustung-gusto ko.

“I am Hope.”

“Kathryn Hope Cortez ang full name ko.”

Hope?!

Napangiti ako. Kaya pala.

When I almost lost hope, dumating siya.

________________________________________________________________________

Ayos lang ba? Or sabaw talaga? LOL :))

Vote and comment if you liked it!

Follow me on twitter: @imgoodgonebad

~agoodgirlgonebad

HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon