Chapter 10

989K 13.6K 1.2K
                                    

Hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa salitang love. Alam kong nangyayari yun at nararamdaman—I have a sister who's happily married at meron din akong bunsong kapatid na kung mahalin ang boyfriend nya ay kulang na lang ay sumali sya sa prusisyon ng mga pinagpala. But I didn't see love happening to me.

Unang-una, hindi ako birhen. Feeling ko kasi para lang ang love sa mga taong hindi madaldal ang pempem. Yung mga busilak ang kaloob-looban, mga never been touched, unlike me who has no qualms about making my pempem happy. Not me who didn't mind being penetrated.

Pangalawa, I couldn't see myself pining for another human being. Dapat kasi outstanding sya sa lahat ng bagay para mag-crave ako sa constant company nya. Yung tipong ideal na lalaki—matipuno, matalino, gwapo, may sense of humor, mabango, mabait, loyal, mabuting anak... magaling sa kama...hindi napapagod. At sa totoo lang ay tingin ko walang taong ganun, walang perpekto. Besides, hindi ba nakakasawa yung parati kayong magkasama at yung pagmumukha nya ang makikita mo pagkagising, tuwing kakain at bago matulog? Jusko! Hindi ko nga maintindihan eh kung bakit gustung-gustong magsama parati nina Alex at Alexa? Magkadugtong ba mga pusod nila? Seriously? 

Pangatlo, I refused to do sweet. Iniisip ko pa lang na gagawin ko yung mga landing may halong sweetness tulad nang ginagawa ni Lee Ann kay Nickolai 'Baby Bear' Sandoval ay feeling ko magkakasakit na ako at matutuyo na ang pempem ko. Forever. At ayoko naman yun mangyari, ano!

"Are you going to sit on the floor all day?" Dustin's voice cut through my musings. He sounded amused. And I was annoyed. He helped me up and I tried to maintain my poise kahit na ang wagas nyang makaubos ng lakas. Ngumiti sya sa akin pero hindi ko sya nginitian. "Lia, what's wrong?" He asked. Ang kapal mo! Sinong nagbigay sayo nang permisong basta na lang kapain yung mga di mo dapat kinakapa?! "Lia... weren't you...satisfied?"

"Oo na, magaling ka nang magpalabas ng katas but you badly need to learn how to treat women right."

"Ha? Wait, are you mad at me?" At nagtanong pa daw talaga sya? Ang gago mo, Montemayor!

"Whatever, Dustin." I murmured.

"Ano yun? Anong kasalanan ko?"

"Seryoso ka dyan sa tanong mo? Ano yun, kapag gusto mo akong kausapin, you're just going to fondle me to get me to say yes? Thank you ha, your actions made me feel so cherished and I now have an idea just how much you respect my brain. I'm being sarcastic by the way. Siguro naman gets mo yung sarcasm since abogado ka kaya for sure may utak ka. Pero just in case you're thinking with your other head, sinabi ko na para hindi ka malito." 

"What? Lia—"

"I'm going home. Hindi mo na ako kailangang ihatid and stop acting as if you have respect for me when your actions show otherwise. Oo, malibog ako. Oo, I have baser needs at oo, I respond to your touches pero tao ako, tang-ina mo. Stop treating me like an object." I walked out of his bedroom and shakily took the stairs down to the first floor. Hindi sya sumunod and I was ready to slap him senseless if he did.

I love being fondled, who doesn't? Kahit sinong babae ang tanungin mo, we love being worshipped lalo na kung dila at daliri ang pag-uusapan. But I don't take crap too. No matter how good a fondling you give. My moans shouldn't be taken as payment for a favor. I moan because I want to. I spread my legs because I want to. And not because you have the gall to manipulate me into succumbing to your whims.

Ngumiti ako sa mga bisita nya kasi kahit naman anong galit ko ay di ko makuhang magalit sa mga taong wala rin namang alam tungkol sa kabobohan ng isang gunggong na abogadong nagngangalang Dustin Marcus Montemayor. Hay, naku pempem! Umayos ka! Pag sya talaga na-miss mo after what he did ipapatahi na talaga kitang tuluyan at nang magsara ka na!

Bedroom Negotiations ClassicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon