Power OFF

81.9K 1.3K 342
                                    

"Napatay mo si Joe, Anika!"

Ito ang sabi ni Lexi sa kanya. Napindot kasi ni Anika ang power button kaya tumigil si Joe at natumba.

"But don’t worry,  mabubuhay siya uli, just click the power button again,"  explain  ni Lexi sa nangyari kay Joe bago tuluyang umuwi.

Exactly 2:00 AM.

Hindi makatulog si Anika. Sa lakas ng hilik ni Steffi. Plus, kinokonsensya siya. Nagsinungaling na naman siya. Una, kay Melvin. Ngayon, kay Steffi.

Pinalabas nilang nahilo lang si Joe. Kinailangang mag-overnight ito sa kanila. Susunduin ito bukas.

Feeling niya tuloy. Palala nang palala ang pagsisinungaling niya.

Liars go to hell pa man din ang motto nya sa buhay. But she keeps lying!

Hindi inamin ni Anika ang totoo kay Steffi. Hindi nya kaya idamay ang kapatid nya. Complicated masyado. Everything about the magic. Everything about Joe.

After an hour…gising pa din siya. Dilat na dilat.

 “Isang libu’t isang palaka…isang libu’t dalawang palaka…isang libu’t tatlong palaka…” bilang ni Anika para makatulog na siya.

Nang may lumundag sa drawer. “Ayyyy palaka!” tili ni Anika.

“Magpatulog ka Ate, kung ayaw mo matulog!”Naalimpungatan si Steffi.

Biglang takip ni Anika sa bunganga nya.

“Kokak…Kokak..” sabi ng palaka. Sabay lundag sa bukas na bintana.

Tumayo agad si Anika. Ni-lock ang bintana.

Bumalik sa kama. Humiga. Hinele ang sarili. Hanggang sa…

Shet, naiihi ako. 

Muling bumangon si Anika. May CR sa kwarto nila. Kaso sira ang inidoro.

May isa pang CR. Malapit sa kusina.

Binuksan nya ang pintuan. Pagbukas nya...

Kita nya agad sa sofa ang nakahigang si Joe.

Mukhang tulog. Mukhang patay. Naka-off. Deactivated.

Nagdalawang-isip lumabas si Anika. Nakaramdam muli ng takot. Naalala nya ang chasing scene nila sa kusina.

Pano kung magising sya? Pano kung sunggaban nya ko? Pigilan ko na nga lang tong wiwi ko. Kebs na magkasakit sa bato!

Pero naalala nya… Health is Wealth. No choice. Kinuha nya ang tablet. Kahit imposibleng gumalaw si Joe. She reassured herself.

Oras na gumalaw ka. Isang delete ko lang sayo… tapos ka!

Nagmadaling pumunta sa CR si Anika.

***

 After 5 minutes…Success!

Naglakad pabalik sa kwarto si Anika. Nadaanan nya uli si Joe. Napatingin siya saglit.

Tinatamaan ang mukha ni Joe ng kakaibang liwanag. Liwanag mula sa buwan. Napatitig si Anika. Na-curious.

Parang nag-zoom in ang mga mata ni Anika. Close up sa mukha ni Joe.

Buti na lang hindi nawasak ng kawali ang mukha nya.

Tinitigan ang buong mukha nito. Mula sa mata.

Infairness, mapungay kahit nakapikit... Ang haba ng lashes.

Sa ilong.

Ang tangos talaga…parang nakakatusok.

Sa lips.

Mapula-pula. Ang sarap …hmmmm.

 All in all, parang si Sleeping beauty si Joe. Male version.

“Hey Sleeping handsome.”bulong ni Anika. “Gwapo ka pala, kapag patay.”

Sandaling nawala ang takot ni Anika kay Joe. Sobrang drawn siya dito. Tipong handang magpuyat. Titigan lang ito.

Naalala ni Anika, ito ang dreamboy nya…

Ang lalaking nagpayong sa kanya sa ulan. Ang lalaking pinapangarap nya. Ang lalaking winish nya.

Hindi nya namalayan. Nakalapit na pala talaga siya kay Joe. Ilang dangkal na lang ang layo sa isa’t isa.

Biglang muling nakonsensya…moral dilemma.

 “Hindi ito tama.” sambit ni Anika. “Hindi siya totoo…Gawa-gawa ko lang siya”

Para sa kanya, malaking kalokohan ito. Kalokohan ang pinasok nya. Ang tungkol sa deal nila ni Lexi. Ang tungkol sa magical tablet. Ang tungkol lahat kay Joe!

Pinindot ni Anika ang power button ng tablet. Biglang dilat ni Joe. Tulala lang ito.

Loading...

Pinigilan ni Anika ang matakot. Nilakasan ang loob. Desidido siya.

Idi-delete ko siya.

Agad hinanap nya ang delete icon.

Ide-delete ko na siya para tapos ang problema ko.

Makikita niya ang delete button.

DO YOU WANT TO DELETE THE CHARACTER?

OK? CANCEL?

 Dahan-dahan nyang nilapit ang hintuturo sa OK. Nanginginig. Naglalaban ang isip nya.

Tama ba to? Mali yata ako? …. OK!?

Pero bago pa nya mapindot ang OK. May humawak sa kamay nya.

“Hey Beautiful” bati ni Joe. Sabay ngiti.

Surprised si Anika. Buhay muli si Joe. Pero hindi siya natakot.

Hindi rin siya agad nakagalaw. Naka-smile lang si Joe. Nakahawak sa kanya. Mahigpit.

Ngayon nya lang na-appreciate ang smile ni Joe. Ngayong dalawa lang sila uli. Nagtataka siya…

Bakit hindi nya magawang matakot? Bakit hindi siya mapasigaw? At bakit hindi niya magawang ma-pindot ang delete.

Nakatitig sa kanya si Joe. Kumikislap ang mga mata. Parang mata ng totoong tao. May sparks. Dahan-dahang inangat ni Joe ang sarili…ang mukha palapit sa mukha ni Anika.

Hindi pa rin makagalaw si Anika. Sobrang mesmerized siya.

Hahalikan nya ko? Totoo ba to? Hindi ako sanay…

Imbes na umiwas. Nagpaubaya si Anika. Napapikit. Nagbilang sa isip.

5…4….3…2…

Biglang may tumakip sa bibig nya. May kamay. Hindi kamay ni Joe.

Natakot siya. Nangilabot.  Pagdilat nya.

Natatakpan din ang bibig ni Joe ng kamay. Hindi natuloy ang first kiss nila.

Nilingon nya ang may-ari ng mga kamay. Mga kamay ito ng isang babae. Babaeng natatakpan ng white cream ang buong mukha. Si Steffi!

Nag-sleepwalking na naman! “Melvin, libre mo ko…ZzZz…” laman ng panaginip ni Steffi.

Naunsyami! Naku, Steffi, madi-delete na talaga kita! 

MY APP #BOYFIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon