Once in a lifetime

1.8K 6 1
                                    

Sabi nila makikilala mo daw ang taong magpapatibok nang puso mo sa hindi inaasahanga pagkakataon. Iyong bang akala mo hindi ka na magmamahal kasi nasaktan ka na nang sobra. Kaya nasabi mo na lang sa sarili mo ayaw mo na.

yung tipong nasabi mo sarili na hindi ka na magtitiwala muli,

Hindi mo na hahayaan na masaktan ka

Kasi all out ka kapag nasaktan.

Pero paano kapag may dumating nang hindi mo sinasadya?

Paano ka iiwas?

Kung ang tadhana na ang nagdala sa'yo sa isang bagong pag-ibig.

Sa isang once in a lifetime journey with him...

CHAPTER 1

Five minutes na akong late, kung bakit kasi may banggaan pa sa Edsa, darating pa man din yung bago naming boss. Balita paman ding masungit ang 23 years old na si MR. Lim, for sure parehas siya nang ugali sa tatay nya. Pormal at strikto sa trabaho.

Late na nga ako, sigurado ako nasa conference room na silang lahat.

Di bale 5 minutes lang naman, 10 minutes ang laan na oras para masabing late ka nga. Hindi pa ako mababawasan nang sweldo.

Paano na to, naka locked ang pinto, kakatok ba ako o hindi na lang papasok?

Ayokong mapahiya, pero sabi nga first impression last, mas mahirap kapag hindi ako pumasok.

Kaya lakas loob akong kumatok, pero walang nagbubukas ng pinto.

Nakahalata yata na hindi ako aalis .ganito ba kabagsik ang bago nilang boss.

Aalis na sana ako nang biglang may magsalita.

Sa nakapinid na pinto.

I don't like lates and absences ,, kung hindi kayang sumunod sa gusto ko at mga patakaran ko, pwede namang magressign.sabi nito sa buong tinig

Pinatatamaan nya ba ako?bigla tuloy akong nainis..

Pangit siguro sya, kaya pinaglihi sa sama ng loob. Kesa maghintay ako sa labas

i decided na pumunta na lang sa cafeteria..the hell with my new boss. Kung kailangan magresign eh dimagresign.

Ako pa si Kimbierly Chiu ang tatakotin nila, sanay ako sa trabaho.

Nakatapos nga ako ng pag-aaral kasi working student ako.

At naniniwala ako na asset ako sa kahit na anong kumpanyang mapasukan ko, pero aaminin ko na dito sa Lim Group of COmpany yung fullfilment na hinahanap ko.

Sa linya ng trabaho at sa mga katrabaho ko. Pero nakatakda yatang masira lahat ng yun ng dahil sa isang Alexander Xian Cruz LIm, kung anong ganda nang pangalan sya ding sungit nito.

OMG! Ganun ba sya kadali to take an action, sisante na ba ako agad? BAkit ako pinapatawag sa HR DEpartment.

Oh lord wag naman sana, pipi kong dalangin.

Good morning po ma'am GOnzales, pinapatawag nyo daw po ako.

Have a seat, pormal nitong sabi kaya lalo akong kinabahan.

Honestly KIm pinatawg kita kasi it's a management decision, panimulang sabi ni Ms. Gonzales

Naintindihan ko po Maam, wala po kayong dapat alalahanin sa akin, nasabi ko na lang. Gets ko na, mas masakit kasi kapag narinig ko pa rin sa kanya na sisante na ako.

Well, may nakapagsabi na pala sayo, i guess you need to pack your things, but make sure na magpakita ka muna kay Mr. Lim.

Yes, maam, tsaka lang ako umalis para ayusin ang mga gamit ko.

Once in a lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon