Mr. Kupido (One-shot)

312 6 3
                                    

Hello po. :) Dedicate po sa inyo 'to. Pag-pasensyahan niyo na po 'to. Hindi kagandahan. xD

Special 'to ha? XD haha.

E N J O Y!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mahal kita. Mahal mo siya. May mahal siyang iba. At Mahal siya nung ibang yun. Ang galing diba?

Minsan talaga kung pumana si Cupido palpak eh.  Malabo na nga ata ang mata niya. Minsan kasi kung sino pa yung pinana niya yun pa yung hindi mo mahal. At kung sino pa yung mahal mo yun yung may mahal na iba.

Bakit? Hindi ba pwedeng pinana ka na lang niya para AKO ang mahalin? Para lahat masaya. Para walang nasasaktan. Para walang maiiwanan.

Pareho lang kasi tayong nasasaktan eh. Ako, sayo. Ikaw, sa kanya. Saklap diba?

Ganito ba talaga lagi? Dapat laging may nasasaktan? Kailan kaya dadating ang panahon na masaya na ang lahat. Masaya na ko, tayo?

Pero ang pinaka-matinding tanong.. Dadating pa kaya yung panahong yun?. Nakatitig nanaman kasi siya kay Carmela eh. Naiinis ako. Masakit eh. Sobra. Epekto kasi 'to ng pagbabasa ko ng mga nobela eh. Mga nobela na may mga magbestfriends na bida na nauuwi sa pagmamahalan. Ayan tuloy, Nasama ko sa grupo nila. Ang grupo ng mga umiibig sa mga matalik

**

"ZEN! Baka naman matunaw na si Carmela sa ginagawa mong 'yan." sabi ko sa bestfriend ko

nilang kaibigan.

"Pasensya ka na Naomi. Haha. May tama kasi ako sa kanya eh." tanggap ko na. Tanggap ko na, na mahal mo siya. Sino nga ba naman ako diba? Isang hamak lang na kaibigan. "Sabay muna ko sa kanya ha? Kita na lang tayo mamaya." paalam niya sakin tsaka tumayo't nilapitan siya. Simula nung umibig siya kay Carmela dun ko lang mas lalong naramdaman na isang hamak lang ako na kaibigan. Wala na kasi siyang oras sakin at lahat inilaan niya kay Carmela, meron man ngunit kaunti lang.

Lumapit siya kay Carmela. Nakita ko nanaman ang mga ngiti niya. Ngiti niya na saki'y nagpapaligaya. Pero hindi ba't mas masaya kung ako ang dahilan ng mga ngiting yun. Parang may kumirot sa puso ko nang nakita kong masaya siya kasama si Carmela. Sye*. Ang sakit. :/

Pagka-uwi ko kinuha ko agad ang kwaderno na kung ano-ano ang nakasulat. Mga kalokohan ng isang tulad ko na bigo sa pag-ibig.Pangalan ko ang nakasulat sa unang pahina. Mayroong namang pangalan sa taas ng pangalawang pahina. Zen. Ito ang nagmimistulang diary ko. Pero hindi "DEAR DIARY" kundi "DEAR MR. KUPIDO". Kinuha ko yung ballpen ko at sinimulan na ang magsulat.

Dear Mr. Kupido,

Paano kaya kung pinana mo ang puso niya para sakin? Para akong bata, naniniwala kasi ako sayo. Sana Mr. Kupido tulungan mo naman ako. Sana balang-araw ako na yung mga dahilan nung ngiting yun. Sana pagdating ng panahon masaya na siya dahil sakin at hindi sa kung sinuman. Pero alam ko naman na kailanman hindi 'to mangyayari. </3

Tinago ko na 'yon sa ilalim ng kama. Excited na ko para bukas. Sana maganda ang araw ko bukas. :)

Bumungad sakin ang napaka-gwapong si Zen pagkatapos ng klase. "Halika samahan mo ko!"

Mr. Kupido (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon