Chapter 2: My-Name-Is-Rain

161 11 10
                                    

Impit na tili ang pinakawalan ng mga kaibigan niya ng makarating sila sa canteen. Doon sila dumiretso matapos niyang makalaya sa kissing jail booth.

"Grabe!!! Kaloka ang kissing scene ni Aly. Ang daming witness" kinikilig na sabi ni Demi.

"Oo nga. Sikat ka girl" tumatawang sabi naman ni Phoebe.

"Sus! Ano ba kayo. Para three minutes lang eh" naiiling na sagot niya.

"Three minutes ka dyan. Lagpas five minutes kaya kayong naghahalikan. Para ngang ayaw nyo ng bumitiw sa isat isa eh. Kung hindi pa kami sumigaw na times up na di pa kayo titigil" komento naman ni Razel.

"Grabe Raz noh? Kung makayakap si Aly dun sa guy wagas. Kadiri." Natatawang sabi ni Johana.

"Yakap?? Hoy hindi kaya!" Tanggi niya.

"May ebidensya kami" sabi ni Akira at inilabas ang cellphone nito.

Binidyohan pala sila nito at kitang kita nga ni Allison ang paghahalikan nilang dalawa nung lalaki. Nakapikit pa siya at tama nga ang sinabi ni Johana na nakahawak siya sa likod nung lalaki kaya nagmukhang nakayakap siya rito. Pulang pula naman ang mukha ni Allison.

"Shocks! Nakakahiya!"

"Okay lang. Gwapo naman kakissing scene mo eh. Nalaman mo ba name niya?" Tanong ni Aiesha.

"Hindi eh. Basta narinig ko dun sa exgf niya Rain yata"

“Rain? As in my-name-is-Rain? Yung bida sa Fullhouse?” tanong ni Aiesha.

“Oo. Yung kalahi mong tsekwa”

"Rain Sebastian ang name niya. Engineering student. Fourthyear" sagot ni Johana.

Napatingin naman sila dito.

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Allison sa kaibigan.

"Tinanong ko dun sa humuli sayo. Sabi ko kasi kapag nabuntis ka alam namin kung sino ang hahanapin" nang aasar na sabi nito.

"Sira ulo! Wala pang nabuntis sa halik." aniya at hinampas pa ito sa braso.

"Malay mo na may sa pagka Mama Mary ka pala. Immaculate conception" sagot naman nito at marahan siyang binatukan.

Ganyan talaga silang magmahalang magkakaibigan, nagsasakitan!

"Ewan ko sayo!"

"Pero infairness Aly. Sikat pala yung kakissing scene mo ah. Ang narinig ko kasi nanalo daw yun na Mr. CSL last year. Ang daming fans at nagkakagusto dun. Kita mo naman yung ex jowa niya. Ms. CSL naman daw." Inporma naman ni Razel. As usual basta may balita asahan mo nang alam ni Razel yan. Silang dalawa ni Johana kasi ay myembro ng Students Council.

"Pakelam ko ba dun? Wag niyo na ngang gawing issue yun. Para halik lang eh. Nadadaan sa toothbrush yun" balewalang sabi niya at nakikuha sa chips na nilalantakan ni Akira.

"Pero first kiss mo yun" giit ni Akira at tinampal ang kamay niyang kumukuha sa kinakain nito.

"Eh ano naman? Mabebenta ko ba yun? Kikita ba ako dun? Hayaan nyo na" sagot niya at marahang hinila ang buhok ni Akira kaya binigyan na din siya nito ng chips.

“Anong lasa? Anong feeling?” usisa ni Demi.

“Wala. Wala akong nafeel kaya tigilan niyo na ako.”

Nagkibit balikat nalang ang mga kaibigan niya at hindi na siya kinulit pa. Pero narinig niya pang bumulong si Bea kay Demi.

"Kung ako yun for sure kikiligin talaga ako"

Daydreamers Series: Love is like a Cup of CoffeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon