Chapter 15 part 2

69 2 2
                                    

DREW's POV

"TULONG AYOKO PANG MATAPOS ANG KAGWAPUHAN KO!" naknang ano kayang nangyari kay pareng Chace. Mapuntahan na nga. 

Aaminin ko na kinakabahan na kong pumunta sa kusina ng bahay na to baka may serial killer na pala don. Sandali makuha nga muna tong parang baseball bat na may mga spikes sa paligid. Wag na kayong magtanong kung bakit merong ganito dito. Basta sa bahay na to expect the unexpected na. 

Medyo nakikita ko na yung kusina at sandali si pareng Chace ba yon? Nakatali sya sa isang bangko at may wig? 

"Pareng Chace ano ba naman yan nababakla ka na ba?" tanong ko sa kanya at binitawan ko na yung bat sa sahig pero napatigil ako sa paglalakad ng may kamay na biglang humawak sakin.

"PAPA DREW!!! *hic* pagagandahin din kita wag ka magselos ha? hihihihi" Naknang nakainom ba to?!

"DREW F*CKING TAYLOR LISTEN UP! SIT THE F*CK DOWN ON THAT CHAIR AND LET ME TIE YOU IF NOT I WILL KILL EVERYTHING THAT YOU LOVE AND WILL EVER LOVE! BWAHAHAHAHA *hic*" Si Blaire? Sandali mga lasing nga ata tong mga to at sino naman kaya tong lalaking nakaupo sa may lamesa kanina pa? Sya kaya ang may kagagawan nito?

"Pare matanong ko lang sino ka nga pala?" Tanong ko doon sa lalaking nakaupo at parang may photoshoot pa ang loko na nag aabang lang na kuhanan sya ng picture.

"Pareng Drew tumakbo ka na! Iligtas mo ang kagwapuhan mo! Dahil gwapo akong pinuno ako na ang magsasakripisyo. Alis na!" 

"Lasing tong mga babae dito pare hindi ko maatim na iwan nalang sila pare baka mapahamak pa tong dalawa na to." 

"I can take care of my b*tches. Arrasso? (Okay?)" Aba nagsalita na tong loko na to.

"Pare sino ka ba talaga at bakit ka nandito sa bahay na to? Pare kung pede lang umalis ka na at baka hindi kita matancha." 

"Gregorio Dela Cruz men \m/ The manliest and most handsome man in he world yeah!" Parang familiar ata yang pangalan na yan pero di ko matandaan. "Anyway ma men they also call me Gee break it down yow!"  Gee? Gregoria? Anak ng Tinapa ito yung bakla! Nanlaki ang mga mata ko at napansin ko na ganon din ang reaksyon ni pareng Chace.

"Hihihihihi he's our man." Masama palang malasing ang babes ko nakakalimutan ako.

"OURS! YOU HEARD IT? OURS!!! ONLY!!!" Nakakatakot namang malasing tong si Blaire. Alam kaya ni Chad to?

Dumiretso ako sa may ref at di ko nalang muna pinansin ang pagsigaw nila. Kinuha ko ang isang pitsel ng malamig na tubig at itinapon ang tubig kay Eun. Magiging sober na siguro yan. GInawa ko na din sa dalawa pang lasing ang pagtapon ng malamig na tubig sa kanila kahit mas okay na siguro na lasing si Gregorio pero nakakaawa naman.

Limang minuto na ang lumilipas at oo binilang ko yon may sobra nga lang na 11 segundo, nakatayo lang yong tatlong lasing na parang nakatulala lang sa kawalan.

1 minuto pa ang lumapas

2 minuto

3 minuto

10 minuto marunong akong magbilang nakafastforward lang,

"OMG!!!!! Ano tong suot ni watashi?! Ang makeup lalu ko nasan?! My eyeliner baby! T^T Hindi ako pedeng makita ng mga papables ng ganto si watashi!" Mabuti naman at lumabas na yon bawas sa aasikasuhin ko.

"What the... It's so cold. Can I borrow some change of clothes Eun?" Natauhan na din si Blaire ayos yan.

"Kuha ka nalang sa kwarto ko nakakaantok pa good night." saka sya nahiga sa sahig at natulog.

"Magpalit ka muna ng damit baka magkasakit ka dyan babes." binuhat ko na sya papunta sa kwarto nya at hindi ako ang magpapalit ng damit nya nandyan naman si Blaire.

"Sige may pupuntahan pa din ako balik na lang ako maya maya girls. Pag sumakit ulo nyo uminom nalang kayo ng gamot ilalagay ko sa may lamesa sa kusina." Bumaba na ako at napansin ko na nakaupo parin si Pareng Chace sa bangko sa kusina.

"Pare mukang trip mo yang bangko na yan ah ge alis na ko wag mong sisilipan yung dalawa sa taas magkakulite ka hahaha." Sinabi ko sakanya pagkalagay ko ng gamot sa may lamesa at lumabas na ng bahay. Parang may sinasabi pa si pareng chace pero hindi ko na narinig. Di naman siguro mahalaga yon.

MEANWHILE WITH CHACE...

"PARE!!! TANGGALIN MO TONG TALI SAKIN! NILALANGGAM NA KO DITO AT TUMATAWAG NA ANG KALIKASAN!!! BUMALIK KA DITO PARE!!!!"

AN: Si Gregorio sa manly form nya lol

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Cruel Fairytale StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon