Famous Twelve

1.8K 33 5
                                    

"I-ito n-na nga! Ito na!!"

Hindi na makapaghintay ang barkada sa sasabihin kong announcement. Kanina pa kasi ako nakatayo sa harap nila at hindi ko mabuksan-buksan yung topic na iyon kasi kinakabahan ako. Punong-puno ng kaba ang aking dibdib, pasikip na ng pasikip. Nasaan na ba kasi si Rai? Sabi niya kasi dalawa kaming magsasabi..

"Nasabi mo na? Nasabi mo?"

At dumating din siya at last! Humihingal siyang tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin. Nandito kami ngayon sa likod ng Canteen. Walang masyadong pumupunta dito dahil sa sabi sabi ng mga janitor na may ligaw na kaluluwa daw na nagpapakita dito. Well, panakot lang naman iyon, pero maraming nag-aattempt pa ring pumunta dito.. Pero halos mga MAG-BOYFRIEND AT GIRLFRIEND ang may lakas ng loob. HAHAHAHA. Alam niyo naman na siguro no? Hindi ko na kailangan i-explain.

BACK TO REALITY NA!

"Haaay! Salamat dumating ka na din! K-kanina pa ako nauutal utal dito!" parang may tinik na naalis sa aking puso kanina. sobrang kabado na kasi talaga ako. Natatakot akong sabihin mag-isa. Kahit alam ko na ang mga ugali ng mga barkada ko, alam kong pagchichismisan pa rin talaga nila ako, kapag ako lang yung nagsabi mag-isa. Baka isipin nila nahihibang na ako kay Raizen (pero totoo naman, hibang ako! HAHAHA. OBVIOUS NAMAN DIBA?)

Hinawakan ni Raizen ang kamay ko, tapos automatic na lumaki ang mga mata ng mga kaibigan namin sa nakita nilang ikinilos ni Rai. "Kami na pala ni P!" Nakangiting anunsyo niya! P na ang tawag niya sa akin, hindi na Mio. (Naalala niyo? Tawag niya sa akin dati Mio, well, friendship name daw niya sa akin yun, eh ngayon, hindi na kami friendship. In a relationship na, kaya P na! oh ha!)

(O.O) napalaki ang AMING mga Mata. Para akong hihimatayin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Pinagmamasdan ko lang mga mukha ng mga kaibigan ko.. Tulala sila. Para silang mga istatwa at mukha akong manekin (syempre mas maganda ako sa kanila. HAHAHAHA)

Parang si Olivia lang yata ang may kinang sa mata na ineexpect kong unang magugulat! Halata kasing crush niya si Rai. Tss! Enebe? Wazz haffening wiff moi fuhrendsxz? I-Stop naman niyo naman na yang freeze effect niyo!!!!!

"Sabi na nga ba sayo eh, *hampas sa ulo ni Veronica* Hindi ka naniniwala, GAGA HAHAHAHAAHA!" sabi ni Cyrille na tawa ng tawa.

"EEW rai! Pumatol ka sa haliparot na yan? HAHAHAHA!" sabi ni Veronica.

"Baka pinikot ni Peige! Or ginayuma? HAHAHAHA! Effective peige ha? HAHAHAHA *kinindatan ako*" sabi ni Mae.

"Gaga kayo! *hinampas ko sila isa-isa"

Letse! Naturingan ko pa namang best friends tong mga ito. Tapos ganyanan? Ang sakit ha? HUHUHU. :'( sinulyapan ko si Raizen, nakangiti lang siya. Nahawa naman ako, ngumiti na rin ako. Iwas wrinkles. Lumuwag ang aking pakiramdam. Nawala yung kaba at takot ko. Unti-unting napapalitan ng saya at tuwa! Nagdidiwang na ang buong pagkatao ko!

"Thank you pala, Olivia!" biglang nagsalita si Raizen. "Kung wala ka, siguro nandito pa rin ako't natotorpe Kay Peige! Thank you talaga Olivia!" nakangiti si Rai ko kay Olivia. Super smile with feelings.

WAG NIYO MUNA AKONG PANGUNAHAN. ALAM KONG INIISIP NIYO NA NAGSESELOS AKO! HMP! SORRY KAYO, PERO OO ANG SAGOT! HAHAHAHAHA.

"Wala yun! Thank you din pala!" napatingin kaming lahat nung nagsalita si Olivia. Napansin ko, sweet smile rin siya. Labas gilagid at labas ang sparkling white teeth niya. "Kung wala ka, edi sana hindi na ako popormahan ni Lloyd! Kaya thank you talagaaa!"

Si LLOYD? Si LLOYD? Nakwento ko na sa inyo si Lloyd diba? Si Lloyd yung kaklase namin na medyo gwapo na matagal ng nanliligaw sa akin. Kaya pala hindi na siya masyadong lumalapit sa akin. Napansin ko din na hindi na siya nagtetext. Hinala ko nung una, galit siya. Susuyuin ko pa sana, kasi nga medyo type ko na din. EXCUSE ME, mga 45% lang naman no! Tapos ayun pala, Nilakad pala siya ni Rai kay Olivia... Akala ko tuloy galit si Lloyd sa akin. Yun pala sumuko na sa akin. HAHAHA NGAYON KO LANG NALAMAN!

Tumblr Love Story: Si kuya FAMOUS. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon