Chapter 23

65.4K 1.1K 160
                                    

Chapter 23

Kasalukuyan kaming nag-didinner ni Sander sa isang mamahaling restaurant habang nag-kkwento ako kung ano yung nangyari sakin sa loob ng isang araw. Nasanay na ko na siya lagi ang nakakasama sa bahay at sa paglabas. Wala naman sakin kung napag-uusapan kami kung minsan ang mahalaga na-eenjoy ko yung company niya. Haha. Ngayon tawa lang kami ng tawa habang umiinom ng red wine. Kakatapos lang kasi namin ng main course at hinihintay ang dessert na inorder namin.

"Hahaha! Dating lalaki si Patricia?!! Akala ko babae siya! Sayang type ko pa naman." humahagalpak na tawa ni Sander habang nagkkwento ako sa past namin ni Pat. Hahaha. Ikaw ba naman magka jowa na mas babaeng babae pa sayo ngayon di ka nga maloka.

"Hindi ko nga napansin eh! Kaya pala naiinis pag makapal make up ko! Akala ko naman ayaw na nababastos ako yun pala inggitera ang bakla!" hindi ko na siya tinatawag na papa kasi sabi niya Sander na lang daw ulit kasi dun daw talaga siya sanay.

"Partida first boyfriend mo pa si Pat?! Hahahaha!" halos maibuga ko yung iniinom kong wine dahil sa biglang pagtawa. Naalala ko nung mga panahon na sobrang iniyakan ko talaga si Pat dahil siya nakipag-break then halos magpakamatay na ko nun nung sa harap ko pa siya mismo nagladlad. Anakng! Nakaka-bitter pa din kahit matagal na yun. Hahahaha!

"Ay wag mo na ngang ipaalala! Hahaha!" saway ko sa kanya at ngumiti. Nagulat ako ng matamis siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

"Masaya kong makita kang masaya Jackie. Alam ko totoo yang mga ngiti at tawa mo ngayon hindi katulad noon." ngumiti lang ako at pinisil ang kamay niya kasabay niyon ay hinalikan niya ang kamay ko. Ghadd! I hate this feeling! Magkahawak pa din kami ng kamay habang nagkkwentuhan.

"Nasan nga pala ang Papa mo Jackie?" tanong sakin ni papa na ikinabigla ko naman. Pero dahil siya si Sander at sobra ang pagtitiwala ang closeness namin kaya nakakapag-open agad ako. Parang ako na nga yung anak niya eh. Hahaha.

"Buntis pa lang si mama sakin nung naghiwalay sila ng fatherhood ko. British daw fatherhood ko eh. Haha. Pero wapakels ako sa kanya nabuhay lang ako na kasama ko si mama at hindi naman siya nagkulang. Haha. Actually nagkulang kami financially pero naging masaya pa din naman ako. Anebeyen! Ang drama ko na naman! Hindi sakin bagay ah!" tinapik ko siya habang pinahid yung ilang luha na umalpas sa mga mata ko. 

"Okay lang yan. Ikaw talaga." ngumiti siya sa akin at pinahid ang mga luha ko kaya naman ngumiti lang ako.

"Uhmm yung mama ni Stan asan?" tanong ko naman sa kanya. Malayo kasi ang loob ni Stan kay Sander eh.

"Naku. Walong taon pa lang si Stan ng ma-biyudo ako pero ewan ko ba, sakin na siya nagka-isip pero hindi pa rin naging malapit ang loob niya sa akin." may lungkot na sabi ni Sander.

"Busy ka naman kasi sa trabaho kaya ganun. Madalas siguro na sa katulong naiiwan si Stan kaya ganun." sabi ko na lang sa kanya para pampa-lubag loob.

"Siguro nga. Alam ko naman malaki pagkukulang ko sa batang yun." malungkot pa din na sabi ni Sander. 

"Eh bakit hindi ka nag-asawa ulit?" bigla lang akong na-curious. Haler! Ang gwapo kaya niya at mas gwapo siguro siya nung kabataan niya no?

"Hindi ko alam. Wala akong matipuhan. Haha. May natipuhan nga ako kaso mas bata sakin at taken na." ilang saglit kaming nagkatitigan ni Sander bago niya inalis ang tingin niya sa akin.

"Tara na? Mag-iimpake ka pa hindi ba?" tumango na lang ako at yumuko. AWKWARD!! Nag-iwan lang siya ng ilang bill sa table at iginiya na ko palabas ng restaurant.  Hindi kami masyadong nag-uusap sa loob ng sasakyan. Assumera ba ko kung iisipin ko na ako yung tinutukoy niya?!! Nah! Ang incest lang ng dating although hindi ko naman siya tunay na ama pero ampangit pa din tignan dahil father-in-law ko siya. Ahhhh! Ang gulo! Parang kanina wala naman akong pake kung date ang tingin ng iba sa ginagawa namin.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon