Epilogue

46.5K 1.7K 353
                                    

Dateuploaded.. Sept 4, 2014

An last na talaga to, promise! As usual no second glance ito.. Saka ko na lang aayusin ito kapag nag full edit na ako at prinepare ko ang manuscript... Heheheh!!! Wish ko lang na mapublish din ito.. Lets all pray for that...

Epilogue

Kyle

Sobrang kinakabahan ako habang naglalakad ako papunta sa gitna ng stage. Mabuti na lang at hindi masyadong mataas ang hills ko kung hindi baka kanina pa ako nagtumbling tumbling at sobrang nakakahiya sa madlang people.

I looked at the crowd, nasa bandang harap ang pamilya ko and they are all clapping loudly. Si Ate Ja at Si Gaygie, kulang na lang ay mag-amok sa sobrang ingay. Ang sakit lang talaga sa bangs kapag nagsama yung dalawang yon. Hindi mo din akalain na magakakasundo silang dalawa at tag team pa sa kalokohan. Ayun lang, kung gaano sila nagkakasundo sa kalokohan ay ganon naman sila nag-aaway kay Daniel. Pareho silang may gusto pero wala pinapansin kahit isa sa kanila. But if I have read it correctly, may lihim na pagtingin si Daniel kay ay Ate Ja, ayaw lang magpahalata. I just can't wait for the development.. or may madevelop kaya? Kasi naman si Ate Ja e, naturingang mas matanda sa akin pero mas isip bata pa, mas lalo na ngayon at kasama parang bff na sila ni Gaygie, nadagdagan ang kalokohan!

I looked at the man who is waiting for me at the middle of the stage and I smiled. Hanggang ngayon ay kinikilig pa din ako sa kanya... and considering na asawa ko na sya! waaaaaa!!!! I'm the luckiest girl alive!!!!!!! Ako ang nagwagi!! Hahahhaha!

Well, we just got married last week lang naman. And it is the most memorable day in my entire life. It has been a very solemn ceremony at close family lang ang inimbita namin because we want to make our wedding an intimate one. Walang nakakaalam na ikinasal kami, nakakatuwa at walang nag-leak na balita sa media.

Akala ko hindi ko na mararanasan ang mga ganong klaseng event ng buhay ko. I almost gave up on life a year ago. Bumitaw na nga ako dahil sa sobrang hirap at sakit ng dinanas ko at hindi ko na kinaya. Ayoko nang lumaban, ang gusto ko na lang ay magpahinga.

But when I heard Air's voice, begging me to fight, na-realize ko na hindi ko sya pwedeng iwanan. He has dealt with too many deaths. Paano kung mawala pa ako? Baka maging bitter na sya for life and I don't want that to happen. Hindi ko naman hawak ang buhay ko so I said a silent prayer to give me another chance to live.

And miracles really do happen.

Yung huling isinaksak sa akin na gamot ay kakagawa lang nila at hindi pa dapat gamitin dahil hindi pa na-t-test. But they have no choice, I was already slipping. If they don't do anything, i will die anyway. Kaya nagdesisyong mag-isa yung isang doktor at isinaksak na sa kin yung bagong gamot.

At iyong bagong gamot na yon ang sumalba sa buhay ko. Tinanggap ng katawan ko ang gamot at malipas ang ilang araw ay paganda ng paganda ang kundisyon ng katawan ko. I'm still taking medicines, pero very minimal na lang, at nandyan si Air para siguraduhing hindi ko na-mi-miss ang pag-inom ng gamot ko. Mas mahigpit pa nga sya kesa sa mommy ko! But I like it... A lot.

Naniniwala ako na hindi tyamba ang nangyari, but God gave me another chance.

When I reached Air at the middle of the stage, he wrapped his arms possessively around my waist.

"Sorry guys, but the girl is mine."

"Ano ka ba." I whispered.

Natawa na lang sya.

"Say something." He whispered back.

Nyiiii... Kinakabahan ako! Ano bang dapat kong sabihin?

"Ummmmm... Hi..."

Hehehhe.. Wala na akong masabi e. Ang tindi pala ng stage fright ko, at kung hindi ako hawak ni Air baka kanina pa ako hinimatay dito!

"Pasensya na po kayo." Sabi ni Air. "Sa libro lang po madaldal ang asawa ko. "

Nagtawanan ang lahat.

Siniko ko sya at mas lalong lumakas ang tawanan.

"KISS BOSSING!" Pasimuno ni Gaygie.

"Whoooooo!!! KISS!!!" Sinigundahan naman ni Jazzy, at nagkantyawan na ang lahat!

Haist! Talaga nga naman! Ang sarap pag-untugin nung dalawang yon!!

"Mamaya na po,, ayoko po ng may audience." Sabi ko. " ummm gusto ko lang po magpasalamat sa inyong lahat. Sa pagtangkilik nyo sa lahat ng stories ko. Your support really means so much to us. Mas lalo na sa pelikulang ito

This film is very close to our hearts becuase 70% of what you saw, happened in real life."

Nagbulungan ang mga tao.

"But of course, I survived."

Nagpalakpakan ang mga tao at nakita kong umiiyak na naman si Mommy at wi Lola Madam. Hinigpitan ni Air ang pagkakahawak sa akin na para bang ayaw na nya akong mawalay pa sa kanya.

"Not all fictional story has a happy ending... May tragic din just like in real life. But, we can also say that.. Not all real life story ends in tragic ending. We are all entitled to have our happy endings. " I smiled at the audience. " goodnight everyone and thank you sooo much!"

Nagpalakpakan na naman ang lahat. Tinignan ko si Air, and the look that he gave is full of love and pride. Hanggang ngayon ay nagwawala pa rin ang puso ko kapag tinitignan nya ako ng ganon. Well, I don't want it any other way. I want to be in love with this man for as long as I live. I don't want to let this feelings die down. We've fought so hard to be together and I will keep on fighting for us to stay together and grow old with eachother.

"Very well said." He whispered... "You did really well for someone who has a trememdous stage fright."

"Basta, hindi na mauulit ito. First and last na pag-akyat ko ng stage ito."

Ihinarap nya ako sa kanya at nginitian nya ako ng nakakaloka. Parang nakakatakot ang ngiting yon a...

"Ok.. So this is your first and your last? Hmmmm... Why not give them the show of a lifetime?"

Tinaasan ko sya ng kilay.. "And what are you planning to do?"

"Pagbibigyan natin si Jazzy at si Gaygie.."

Without warning, he locked me in his arms and kissed me passionately in front of hundreds of people!!!!!

Halos magwala ang mga tao at hindi matapos tapos ang hiyawan at katyawan.

When finally he let me go. He looked at me in the eyes, at parang ngalaho ang mga tao sa paligid namin at pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang natira sa theater.

"Whenever I see you, whenever you're in my arms, I never ceased to thank God that he gave us the chance to be together. You are the air that I breathe, and I can never survive without you."

Nangilid naman ang luha ko.

"Air.... I will stay beside you for as long as I live.... I love you so much..."

"And I love you..."

He closed the gap between us and Once again, our lips were locked together.

We are already locked in our own world.. Hindi na talaga namin napansin ang mga tao sa paligid. All I know, and I ever cared of, is that I am with the man that I truly love. Fate has brought us together and Fate will always keep us together...

AN....

FYI.. I hate tragic ending and I love chliches.. So sorry na lang sa mga naghahanap ng tragic.. Mas gusto kong nagkakatuluyan ang mga leads...

Waaaaaaa!!! Yeeehhheeeyyy!!! Natapos na ang AIB!!!!

Spin off story ni Jazzy? I'll think about it... Hehehheeh... thank you soooo much for reading!!!

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon