Chapter 64

27.4K 398 103
                                    

Ryan Lee Sanchez – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez – POV

Babalikan ko sana siya dahil mukhang napaka-cold ng ginawa ko pero nang makita ko na lapitan siya ng kaklase niyang si Nathaniel, o Nate ayon kay Lee, nagtago ako.

Habang tinitignan ko ang lalaking 'yun ay mas lumalakas ang hinala ko na may gusto siya kay Lee. Lee can be dense sometimes. She really can't read a lot of signals from guys. Hindi ko naman sinasadyang pabigatin ang loob niya. Alam ko na nahihirapan siya sa pag-aaral at doble-doble ang effort na binibigay niya dito. Iyon nga lang kasi, hindi ko maiwasang magtampo—at ngayon naman ay magselos.

Kibit balikat akong bumalik sa sasakyan ko nang makapasok na sila sa elevator. Habang nagmamaneho ako pabalik sa apartment ni Lee ay napahinto ako sa tapat ng isang bar. Pamilyar kasi iyong taong nagsusuka sa gilid ng kalsada. Nagpark ako agad sa gilid para alamin kung tama nga ang hinala ko.

"Akala ko ba may presentation bukas?"

"Presentation my ass," humarap si Brix habang pinupunasan ang bibig niya saka ngumisi. What the heck! Parehas kaming nagma-masteral sa iisang unibersidad pero magkaiba ang schedule namin.

"Ikaw ba si Brix o si kamukha mo lang?" natatawang sabi ko. Sunod kay Lee, si Brix ang isa mga maatupag sa pag-aaral.

"Pa-hitch, my car got towed," umayos ito ng tayo pero natutumba-tumba parin. Parang ginawa nga yata niyang perfume ang Vodka sa lakas ng amoy nito mula sakanya.

"Sure," inalalayan ko siya hanggang sa makasakay siya sa front seat ng sasakyan ko.

"Gusto ko pang uminom pero pinalabas ako diyan sa walang kuwentang bar na yan. May alam ka bang ibang lugar?" sa isang iglap ay parang tumino ito. Tinignan ko ang oras—pasado alas kuwatro na ng umaga. Tapos ko naman na ang presentation ko at hapon pa ang pasok ko mamaya.

"Yeah, may alam ako," sagot ko. Pina-andar ko ang sasakyan ko. Nakarating kami sa bar na pagmamay-ari ng kaklase ko dati noong college. Nag-order kami ng dalawang beer. Wala naman akong balak maglasing dahil sa nangyari kanina. Mukhang kailangan lang kasi ni Brix ng kausap.

"Erika broke up with me. Hindi niya raw kaya ang long distance relationship," simula niya.

"Sayang naman," tugon ko. Wala kasi akong maisip na pandagdag eh. Hindi ko naman inasahan na ganito pala ang problema niya. Pagka-graduate naming ng college ay nag-migrate ang pamilya ni Erika sa Japan.

"Hindi ko alam kung wala siyang tiwala sa akin o epekto lang ng distansiya. Dumating nga ang punto na pinagpili niya ako. Susundan ko raw ba siya o break nalang. Ang dali ng pagpipilian, 'di ba? Siyempre, hindi ko naman puwedeng iwan si Yaj mag-isa dito."

"Kailan pa?"

"Tatlong buwan."

"It did not show at all. Hindi mo ba talaga siya sinundan?"

"Pinuntahan ko siya kahapon. Guess what? May iba na siyang kasama. Nang kausapin ko siya, ang sabi lang niya ay alam niya rin lang daw na hindi siya ang pipiliin ko kaya hindi na niya hinintay ang sagot ko. F*ck, tama na nga. Nakakabadtrip lang lalo. Kayo ni Lhaine?"

"Bente kwatro yata siya sa ospital. Kapag puwede naman ako, wala siya. Kapag off niya, busy ako. Nagiging routina na namin 'yan," sagot ko. Sa kalagitnaan ng usapan namin ay may tumawag kay Brix.

"Si Lhaine pala," bulong niya sa akin habang tinatakpan ang mouthpiece ng phone niya. Sinilip ko ang phone ko pero wala naman siyang tawag o text sa akin.

"Loudspeaker?" I smirked. Wala rin namang ibang tao dito sa bandang dulo ng bar.

"Brix! Help me, please! Nagtatampo si Lee sa akin!" sigaw ni Lee sa kabilang linya. What the heck! Binigyan ako ni Brix ng isang judgemental na tingin habang nakangisi.

"Really? Calm down, anong nangyari?" sagot ni Brix kaso sa akin naman siya nakatingin. Natampal ko tuloy ang noo ko. It's embarrassing to hear this right now.

"Nakalimutan ko ang anniversary namin. Anong gagawin ko? Please don't scold me for not calling you regulary," sagot ni Lee.

"I'm right here," sumabat na ako sa usapan nila. Manliliit na ang pride ko sa harap ni Brix kapag may marinig pa ako mula kay Lee.

"Bakit kayo magkasma? It's already dawn. Hindi ba dapat ay tulog ka? May presentation ka pa mamaya. Am I on speaker?" malapit ng mag-freak out si Lee. Napangiti ako pero si Brix ay talaga namang tumawa. Tinanggal ni Brix sa speaker phone ang tawag bago niya iyon pinasa sa akin. Lumayo ako kaunti para kausapin si Lee.

"You're no longer on loud speaker. Nadaanan ko lang si Brix kanina kaya magkasama kanina. We're at Cray's," paliwanag ko agad sakanya.

"The bar?" panlilinaw niya.

"Yeah. Don't worry, it's got nothing to do with earlier. It's not a big deal."

"Really? Sorry talaga. I'll make it up to you but can you please go home now? Puyat ka kaya tska may presentation kayong dalawa mamaya," she's freaking out again.

"After one round."

"Can't you go now? Mamaya may lumapit sa inyong mga babae. Kayo pamandin ni Brix ang magkasama."

"Parang si Nathaniel?" tumawa pa ako nang masabi ko ang pangalang iyon. Kakasabi ko lang no big deal tapos ito ang sinasabi ko. Hindi ko lang talaga maalis sa isip ko 'yung titig niya sakanya kanina.

"Nathaniel? Bakit si Nate?"

"Nevermind. Anong oras ka matatapos? Baka puwede kitang masundo?"

"I guess we really need to talk," she sighed then just dropped the call. Nakokonsensiya tuloy ako. Bumalik ako sa table at binalik kay Brix ang phone niya.

"Mukhang hindi na ako makaka-inom, may kailangan pa akong gawin."

"Wala rin akong gagawin. Baka puwede kitang matulungan diyan."

"Yeah, you can. Pero bawal kang makiplano. Halos patayin niyo si Lee sa ginawa niyo dati eh," natawa nanaman ako. Iniwan na namin ang mga iniinom namin. Idinaan ko muna si Brix sakanila bago ako bumalik sa apartment ni Lee para kunin ang mga gamit ko.

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon