Chapter 7

245K 4.2K 488
                                    

7.

Without a second thought, lumabas ako ng kotse niya.  It’s a matter of life and death. Baka maubusan siya ng dugo or mamatay siya dahil sa sakit ng sugat niya.

“Oi! Lorraine! Saan ka pupunta?” narinig ko pang sigaw niya pero hidni ko siya pinansin at nagpalinga linga sa paligid. And then I saw Carly, isa sa mga classmates ko. Ang totoo his name is Carlos pero dahil gay siya, Carly ang tawag ng lahat sa kanya.

“Carly! You’ve got to help me!” Lumapit ako sa kanya at hinila ang braso.

“Hey! What’s wrong ba?” Nagtataka naman na tanong niya sa akin.

“It’s a matter of life and death. Someone is injured and you’ve got to help me take away his pain.” Hinila ko na si Carly papunta sa kotse ni Luke.

“Sino? At bakit ako ang hinila mo?”

“Ikaw kasi ang una kong nakita. And si Luke ang sinasabi kong injured. C’mon! Stop asking so many questions. ”  Napatigil si Carly and looked at me na nanlalaki ang mga mata.  Nagsashine pa ata ang mga mata niya.

“You mean..the Luke JoPierre Cariño?” Parang hindi makapaniwalang sabi niya. I just rolled my eyes. Kahit graduate na siya sa school namin, kilalang kilala pa din siya.

“Yes, and you’ve got to kiss him para mawala ang sakit niya. Di ba nakakawala ng sakit ang halik?”  Nagulat pa siya sa sinabi ko pero hindi ko na pinansin. Nagpapanic na nga ako di ba?

“Ahmmmm..yes.. yes.. tama ka. Let’s go at ng mawala na ang sakit ni Luke.” Tapos nauna pa siyang naglakad sa akin papuntang kotse. Siya pa ang nagbukas ng pinto. Mabuti na lang talaga at helpful itong si Carly.

Hindi na ako pumasok ng kotse kasi siguro kaya naman na ni Carly si Luke. At dahil tinted ang kotse hindi ko masyadong nakikita ang nangyayari pero wala pa atang 1 minute na nakapasok si Carly sa loob ng kotse nakita ko si Luke na biglang lumabas ng kotse. And then lumabas din si Carly hindi sa may bandang passenger door kung saan siya pumasok kundi sa may bandang driver’s seat.

“Are you trying to rape me!?” Sigaw ni Luke kay Carly. Ilag pa siya ng ilag habang lapit naman ng lapit si Carly.

“No…I am trying to take away your pain!” sabay lapit ni Carly pero lumayo ulit si Luke.

“Lumayo ka nga sa akin! At Lorraine saan mo naman nakuha yan? Bakit mo yan pinapasok sa kotse?” Ang sama ng tingin niya sa akin. Bakit parang galit siya? Siya na nga ang tinutulungan di ba?

“Siya yung hahalik sayo para mawala ang sakit ng sugat mo.” Ahhh, maybe there’s a small misunderstanding kaya nagkakaganyan si Luke. Maybe hindi sinabi ni Carly ang purpose niya.  Nanlaki ang mga mata niya tapos ginulo niya ang buhok niya.

“Ay takteng buhay  naman talaga! Oi! Bakla! Wag kang lalapit sa akin at babangasan talaga kita” banta pa niya kay Carly nung lalapit sana si Carly sa kanya. Napatigil naman si Carly with a sad face.  Luke is really mean.

Tapos lumapit siya sa akin at hinila ako at pinapasok sa kotse tapos siya agad agad na sumakay.  He looked good naman na. His wound is no longer bleeding. Effective ata talaga ang halik.

“Hindi na nagdudugo ang wound mo Luke, mabilis pala magpagaling ang halik ni Carly. Teka, saan ka niya banda hinalikan?”  Pinaandar niya ang sasakyan at tiningnan ako ng masama.

 “Shut Up Lorraine!” His grip on the steering wheel tightened. Palabas na kami ng campus.

“Why? Ginawa ko lang naman ang sinabi mo.” What is wrong with him? Kanina pa siya nakasinghal.

“Hindi mo ginawa! Pinagawa mo sa iba. Lecheng yun! Buti na lang maagap ako. At ano ba ang pumasok sa isip mo at tinawag  mo yun?” Oh my! He is really mad.

“Gusto ko lang naman na gumaling ka okay? What’s wrong with that? Why are you so mad? Ikaw na nga ang tinulungan nung tao.” Ayan maguilty ka Lucas. Ungrateful moron.

“Tulong my ass! Minsan nakakairita ang pagkainosente mo Lorraine! Sarap mong iuntog! Kakabwisit!”  reklamo pa din siya ng reklamo.

 “Bakit ba kasi galit na galit ka?”

“Sinabi kong ikaw ang humalik sa akin pero ano ang ginawa mo? Tumawag ka ng bakla para humalik sa akin?  Ano sa salitang ‘halikan MO ako’ ang mahirap intindihin?”  He is fuming mad

“Bakit kailangang ako ang humalik sayo?” Napatingin ako sa kanya and then sa window and then balik sa kanya.

He have this impassive look. Nawala bigla ang galit sa mukha niya at naging seryoso siya.  Nakita ko pa siyang huminga ng malalim ng ilang beses. Tapos tumingin sa akin but I can’t fathom what he’s thinking. It’s like he wanted to say something pero hindi niya masabi.

“Ang manhid ng potek!” I heard him murmur. Mahina lang ang pagkakasabi. More like sarili lang niya ang sinasabihan niya but nonetheless narinig ko pa din.

Tumingin ulit ako sa kanya.  Tapos sa window ulit tapos sa kanya at balik sa window. And it dawned on me. Sa nanlalaking mga mata, tumingin ako sa kanya and blurted out..

“Oh my God! Don’t tell me… Don’t tell me that you wanted me to kiss you because…because you like me!” I shrieked. Nagpapanic ang sistema ko. Kahit kailan hindi ko naisip na gusto ako ni Luke. Like hello! Wala na siyang ginawa kundi asarin ako.

Pero hindi siya nagsalita. He just kept on driving seriously.

“Luke, it can’t be. You can’t be. You can’t like me. Please don’t tell me that you like me.” 

“Okay. I won’t tell you that I like you. I won’t even tell you that I love you.” He said calmly without glancing at me.

My eyes widened. I was left dumbfounded.

Did he just say that he love me? 

Halikan Kita Dyan Eh! (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon