Chapter 31

286K 4.7K 566
                                    

Walang tulugan for me. Wala pa akong assignment. Akalain mong ang hirap magresearch? -.- Buset!

K. Daldal ko. Here it goes.

Click the video on the side. Wala lang pinakikinggan ko lang while making this chap. :D

------------

 

“Come on, Lance, samahan mo na ako!” kanina ko pa siya pinipilit na samahan ako kay Mikael. I haven’t seen him for a month. I tried to call him but he wasn’t answering any of my calls. Simula ng makalabas ako sa hospital 2 weeks ago, I haven’t heard anything from him. I’m starting to get pissed pero pilit ko ding iniisip na baka busy lang talaga siya.

“Mika, can we just stay here? Mas masarap manuod ng movie…” sumandal siya at kinuha ang popcorn sa may lamesa. Nandito kami ngayon sa AVR room namin sa bahay. Hindi ako masyadong lumalabas ng bahay simula ng makauwi ako ng bahay mula sa ospital.

“Come on, Lance, please? Samahan mo na ako.” I tugged his arm. “One month ko na siyang hindi nakikita. Namimiss ko na siya, okay?”

“Call him.”

“Ginawa ko na. Hindi niya sinasagot.”

“Baka busy. Alam mo namang hindi pwedeng istorbohin ‘yun kapag may trabaho diba?”

“Lance, hindi naman ako kung sino lang kaya pwede ko siyang makausap. And besides, I haven’t seen him since the day of my operation. Samahan mo na kasi ako!”

“Ayoko.”

“Napaka mo talaga!”  humalukipkip nalang ako at sumandal. He’s watching Breaking Dawn. Seriously? Kailan pa nahilig si Lance sa vampires?

“Ang hot ni Jacob, in fairness.” I commented.

“Hindi din. Mas hot si Edward.”

“Hindi kaya. Mas hot si Jacob!” totoo naman kasi e. Oo, sige given, gwapo si Robert Pattinson, pero ang abs ni Taylor Lautner, hello! Sarap titigan pababa sa…

“Edward pa din ako. Kaya kay Edward ka nalang.”

“Jacob nga ako! Tumigil ka. If I was in Bella’s shoes, I’ll choose Jacob. Not because of his 6 pack abs, pero I can see his love for her. He’s willing to do everything for her. He’s willing to sacrifice for her and he never left her side kahit alam niyang wala siyang chance.”

“Then let me be your Jacob, Mika. I will never leave you and I will love you forever.”

“Lance…” I looked at him. Isang tao lang ang mahal ko. At konti nalang, magtatampo na ako sa taong ‘yun.

“I know you’re not yet ready, but I’m willing to wait for you, Mikaela. Even if it takes forever.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon